Nakasimangot akong nagpapadyak habang nakasandal dito sa poste. Halos anim na minuto na yata akong nandito para abangan ang isang tao. Nagsisimula na akong mainip kaya nababanas na ako. Pero pilit kong hinahabaan ang pasensya ko. Dahil kailangan ko itong gawin.
"Sabi ni Calix dito dadaan ang babaeng yun? Pero bakit wala pa siya?"kausap ko sa aking sarili at tinitigan ang wrist watch kong suot.
Nakita kong pasado alas syete na rito ng umaga. Inagahan ko ang gising para lang dito. Nakakabwisit.
Malalim akong napabuntong hininga. Hanggang sa matanaw ko sa di kalayuan ang babaeng inaabangan ko. Napangisi ako at tumuwid na ng tayo. Inayos ko ang sumblerong suot at tinignan ang uniporme kung nagusot ba. Nang makumpirmang ayos na ang aking itsura ay naglakad na ako para sa salubungin ang babae.
Nakayuko ito at busy sa kaniyang cellphone kaya hindi niya nakikita ang paglapit ko. Nang magkabanggaan kami ay napapitlag siya sa gulat. Handa niya na sana akong singhalan pero hindi natuloy ng matitigang mabuti ang mukha ko.
"Alas?"gulat niyang naibulalas.
"KJ, ikaw pala."kunwaring gulat ko ng makita siya.
Agad siyang luminga sa paligid.
"Bakit ka nandito?"
Ngumiti ako.
"Ah, may dina-anan akong kaibigan bago pumasok sa Holy trinity."sagot ko na purong kasinungalingan.
"Ganun ba."tipid niyang sabi.
"Ikaw ba? Dito ka sa street na ito nakatira?"tanong ko.
Tumango siya at may itinuro sa di kalayuan.
"Dun lang banda yung apartment na tinitirahan ko."sagot niya.
Ang tungkol dun ay alam ko na kagabi pa. Dahil nga itong si Kill Joy ang first target ko ay pinag aralan ko ang pamumuhay na mayroon siya ngayon.
Base sa files na nakuha ni Calix. Nag iisa nalang sa buhay itong si KJ. Magkasabay na namatay ang mga magulang niya nung nakaraang taon lang. Nabubuhay siya sa sahod na kinikita sa Scorpion Onźe.
Sabi ni Calix, ang mga target namin ay hindi magkakasama sa iisang bahay. So, madali para sa akin na maisa-isa sila kung hindi sila parating magkakasama.
Ang pilit kong pinapaalam kay Calix ay kung saan mismo ang hideout ng Scorpion Onźe kasama pa ang ibang miyembro nito. Yung mga target ko naman kasi kadalasan nag pupulong daw mismo sa Holy trinity. Eh, sila-sila lang yun. Wala ang leader ng Scorpion Onźe.
"Papasok ka na rin diba? Sabay na tayo."pag aaya ko.
Hindi siya agad nakasagot. Nakatitig siya sa akin. Nababasa kong pinag aaralan niya ang bawat kilos ko. Halatang naiilang at kabado siya ngayong kasama niya ako.
"Sige."pagpayag niya.
Dahil dun ay sabay na kaming naglakad. Diretso lang akong nakatitig sa kalsada habang ang mga kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng aking pantalon. Ang bag ko naman ay nakasukbit sa kanang balikat ko.
"Alas?"pagtawag niya sa akin.
"Yep?"
"Kailangan ka pa natutong maghikaw sa tainga?"
Lihim akong natawa sa narinig. Observer din ang isang ito.
"Impluwensya ng mga bagong kaibigan."sagot ko.
Simula kasi ng pumasok ako sa Holy Trinity. Ibinalik ko ang dati kong image na yung tipong medyo bad boy look. Hindi ko itinulad sa good boy aura ni Acel. Gusto kong makita ng mga targets ang malaking pagbabago ni Alas.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Azione(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...