"Long time no see, Devil."nakangising bati ni Acel.
"Alas."bulalas ni Queen Ice habang nakatitig sa Kambal ko.
Dahil nga hindi pa napuruhan si Devil ay na nanatili siyang buhay. Inalalayan pa ito ni Queen Ice na makaupo kaya ngayon ay nakikita ko ang itsura nitong parang nakakita ng multo.
Bahagyang lumapit si Acel sa dalawa. Agad namang na alarma si Queen Ice at tumayo ng tuwid. Pumwesto siya sa tapat ni Devil na tila itinatago ito kay Acel.
Nakita ko kung paano mapataas ang isang kilay ng Kambal ko dahil dun.
"Maawa ka. Huwag mo siyang patayin."sabi ni Queen Ice dahilan para matawa ako.
Napatingin sa akin si Acel.
"Don't tell me maawa ka dyan?"tanong ko at pinilit tumayo.
Napangiwi ako ng maramdaman ang pagkirot ng mga balikat ko.
"Patayin ninyo nalang ako. Pero sana pakawalan ninyo si Queen Ice."sabi ni Devil na halata sa boses ang panghihina.
"No way!"hindi pasang ayon ni Queen Ice.
Hindi umimik si Acel. Ibinalik niya lang ang tingin sa dalawa. Habang ako naglakad palapit sa kanila. Saktong pagkalapit ko ay hinila ko ang isang braso ni Queen Ice na ikinagulat niya. Bago pa siya makapag-react ay sinipa ko siya sa sikmura kaya bahagya siyang tumalsik palayo.
"Fuck! Queen!"sigaw ni Devil na halata ang pang alala dito.
"Masyadong istorbo ang jowa mo."sabi ko at binalingan ng tingin si Acel.
Sumenyas ako sa kaniya. Bumuga siya ng hangin bago tumango. Mabilis siyang lumapit kay Devil at sinipa ito dahilan para mapahiga ulit ito sa damuhan. Paulit ulit na ginawa iyon ni Acel. Paulit ulit lang din napapamura si Devil.
"Fuck you! Gago ka! Pagbabayarin mo ang ginawa mo sa akin noon!"galit na sigaw ni Acel.
Nakangiti ko siyang pinanunuod habang binubogbog si Devil. Alam kong nais niyang magawa ang bagay na ito kaya nga hinahayaan ko siya ngayon.
"Tama na!"rinig kong sigaw ni Queen Ice.
Iritado kong tinitigan si Queen Ice. Ngayon umiiyak na ang Gaga.
"Subukan mong makialam. Manghihiram ka ng mukha sa aso."babala ko.
Natigilan siya at napatitig sa akin. Nang igala ko ang aking tingin sa paligid. Napansin kong gabi na pala. Tanging buwan nalang sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon dito. Lalo na nasa kagubatan kami na puro puno at halaman lang ang makikita.
Napakurap kurap ako ng mapansin ang baril na halos nasa tabi lang ni Queen Ice. Dahil malinaw ang mga mata ko. Agad kong nakilala ang baril na ito.
Ito yung baril na dala ko kanina.
Nagmamadali akong lumapit kay Queen Ice. Dinampot ko ang baril sa kaniyang tabi na siya niyang ikinagulat. Itinutok ko ito sa kaniya.
"Isang maling galaw mo lang. Pupunuin ko ng bala yang katawan mo."sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Patuloy lang siyang umiiyak. Tinalikuran ko siya at muling nilapitan si Acel. Patuloy pa rin ito sa pagsipa kay Devil.
"Acel."tawag ko sa kaniya.
Huminto siya at bumaling ng tingin sa akin.
"Mabuti pa, dispatyahin na natin yan."sabi ko at tinutok ang baril kong hawak kay Devil.
Umiling siya.
"Kailangan natin makakuha muna ng inpormasyon."sabi niya.
"Ginawa ko na. Pero wala siyang matinong sinabi."
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...