Chapter 37: Love wins

287 15 2
                                    






Agad akong napangiwi ng makita si Calix na nakahiga sa kama at may benda ang ilang parte ng katawan. Mula sa ulo, braso, mga balikat at binti. Kasalukuyan siyang natutulog na ayon kay Nickson ay katatapos lang operahan para alisin ang balang tumama sa kaniyang binti. Habang sa ibat ibang parte ay daplis lang.

"Kamusta na siya?"tanong ko kay Nickson ng maabutan ko siyang binabantayan si Calix.

Nung time na tinawagan niya ako para ipaalam ang sitwasyon ni Calix ay dumiretso ako agad dito sa Hospital. Hindi na ako pumasok pa sa natitira kong klase sa hapon basta nagmadali na akong umalis.

Tinext ko nalang si Scarlet na hindi kami magsasabay ng uwi at ipasusundo ko nalang siya sa driver. At tulad pa rin ng paalala ko ay sinabihan ko siyang mag ingat.

Ang hospital na kinaroroonan namin ngayon ay medyo malayo sa mansyon ni Acel. Ang sabi ni Nickson sa tawag niya kanina habang nasa byahe ako ay may taong nagmagandang loob at dinala si Calix dito matapos matagpuang walang malay sa gilid ng kalsada.

Tapos ay tinawagan siya nung babae gamit ang cellphone ni Calix. Kaya nalaman niya kung saang hospital dinala si Calix. Medyo private ang hospital na ito at nasa magandang kwarto si Calix ngayon. Buti na nga lang na agapan siya kaya kahit paano ay na iligtas pa ang kaniyang buhay.

"Ayos na raw siya sabi ng Doctor. Natanggal na ang bala sa binti niya. Kailangan niya nalang magpahinga."sagot ni Nickson.

Tumango ako at umupo sa sofang kinauupuan din niya.

"Ano bang eksaktong nangyari? Ipaliwang mo sa akin."sabi ko at sinulayapan si Calix na nakaratay sa kaniyang kama.

"Bandang tanghali kanina. Tinawagan niya ako. Ang sabi niya, palpak ang naging pagsugod niya sa pulis na pinatatrabaho ninyo dahil sa pangingialam ni Devil Jae Battaglia. Ang mas nakakagulat pa daw ay mukhang alam nito ang plano niya. Dahil mabilis nakagawa ito ng aksyon para matulungan ang pulis."

Napangiwi ako sa narinig at hinimas ang aking batok.

"Dagdag pa dyan, Boss. Narinig ni Calix na tinawag ni Devil ang pangalan niya."sabi pa nito.

Inis na hinila ko ang jacket na suot ni Nickson.

"Fuck shit. Paano nakilala ni Devil si Calix? Hindi ba, nung inutusan ko kayong manmanan si Acel sa Zhilapeźa noon. Nagbilin ako na huwag na huwag kayong magpapakita sa mga kaaway. Don't tell me nilabag ninyo ang utos ko?"

Isa iyon sa mga inutos ko sa kanila bilang proteksyon ng pagkakakilanlan nila. Pero mukhang hindi nila sinunod.

"Ginawa namin yun, Boss. Ang kaso lang, mukhang matalino si Devil. Nagawa niyang makita at makilala kami ni Calix noon habang nakapaligid kay Boss Acel."

Bumuga ako ng hangin at binitiwan siya. Tahimik kong tinitigan si Calix.

"Mukhang sa nangyari ngayon. May kutob na si Devil na pati si Daniel ay target na."sabi ko.

Napatango siya.

"Sa matalinong pag iimbestiga ng inspector na yun. Hindi malayong maisip ni Devil ang dahilan kung bakit ito na naman ngayon ang pinagtatangkang patayin. At sure akong si Calix ang ina-akala nilang pumatay sa mga kaibigan ni Devil."

Natahimik ako at napaisip sa narinig mula sa kaniya.

May punto siya. Aakalain nga naman nilang si Calix ang salarin sa lahat ngayong tinatarget niya si Daniel na siyang nag iimbestiga sa sunod-sunod na pagpatay sa mga kasamahan ni Devil. Hindi sana magiging ganito ang siwatsyon kung napatay ni Calix si Daniel.

Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon