"Ayos ka lang, Boss?"riinig kong tanong ni Calix.
Hindi ako nagsalita. Galit kong ibinagsak sa sahig ang bag ko bago pinagsisipa ang kama ko. Ginulo ko lahat ng mga gamit dito sa kwarto ko. Halos lahat ng babasagin ay binasag ko. Hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakikitang hindi magulo dito.
Pati mga litrato naming dalawa ni Acel ay tinapon ko sa kung saan.
"Ahh!"sigaw ko.
Nagagalit ako. Gusto kong ilabas ang frustration kaya ko ganito ngayon. Kahit nga may dugo na isa kong kamay dala ng basag na salamin ay wla akong pakialam. Halos hindi ko na makilala ang kwarto ko ng huminto ako. Pagod akong umupo sa kama at bumuga ng hangin. Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko.
Naramdaman ko ang paglapit ni Calix. Nakatayo siya tapat ko.
"Kung hindi kita kilala baka iisipin kong baliw ka na."sabi niya.
Hindi ako umimik. Hindi mawala sa isip ko ang dinanas kanina. Nakulong lang naman ako police station dahil sa bwisit na pulis na si Daniel. Dagdag pa dyan ang pakikialam ni Kareshi.
Ang mga iyon ang ikinagagalit ko ngayon. At kapag galit ako. Hindi pwedeng, wala akong sisiraing gamit.
"Boss, baka si Lawliet talaga ang Kambal mo at hindi si Boss Acel."sabi pa niya.
Nag angat ako ng tingin sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay.
"Joke lang, Boss. Huwag ng mainit ang ulo mo. Ang mahalaga ay hindi kayo nagtagal sa kulungan."natatawa niyang sabi.
Matapos kong manggaling sa Apex Mansion kanina ay agad akong umuwi at kinuwento ko nga dito kay Calix ang sinapit ko.
"Paanong hindi ako magagalit. Gagong pulis na iyon. Akala niya papalampasin ko ang ginawa niya. Pwes, nagkakamali siya."seryoso kong sabi sabay ikinuyom ang dalawang kamao.
"Anong plano ninyo?"tanong niya.
Ngumisi ako at tinitigan siyang mabuti.
"Papatayin ko siya ngayong gabi." Sumulyap sa wrist watch ko. Alas singko palang ng hapon. Marami pa akong oras para paghandaan ang binabalak. Makakapahinga pa ako lalo na at pagod ako.
"Pero, Boss. Alam na ng ibang police na ikaw ang pinagbibintangan ni Daniel na suspect sa mga patayan. Sa oras na mamatay siya. Walang silang ibang paghihinalaan o sisihin kung hindi ikaw lang."
Ang kaniyang mga sinabi ay may punto pero walang basehan. Lalo na kung walang pruweba silang makukuha na ako talaga ang pumatay sa kaniya.
"Paghinalaan na nila. Wala akong pakialam. Wala naman silang makukuhang ibidensya laban sa akin."
Tumayo ako sa kama ko at naglakad na palapit sa banyo. Naiinitan na ako. Gusto ko ng maligo ng mahimasmasan.
"Pero Boss."
Bago pa ako makapasok sa banyo ay napatigil ako.
"Buo na ang desisyon ko, Calix. Papatayin ko ang pulis na iyon. At hindi ako papalpak tulad mo."sabi ko at nilingon siya.
Hindi naman siya nagsalita pa. Nakangiwi lang siya sa akin.
"Tawagin mo ang mga katulong. Pakilinisan itong kwarto ko."utos ko at tinalikuran na siya.
Agad na akong pumasok sa banyo para maligo.
Nakapikit kong dinama ang lamig ng tubig na nagmumula sa shower. Tahimik kong ninanam-nam sa katawan ang kaginhawaan na dala ng tubig. Mukhang magiging masarap kahit paano ang tulog ko. Lalo na kapag napatay ko si Daniel.
BINABASA MO ANG
Warlord Kings: GENOVESE (The Combative Warlord) (COMPLETED)
Action(GENOVESE- 7) Simula't sapul ng magkaisip ako sa mundong ito. Naranasan ko na ang kalupitan at kahirapan ng buhay. Dahilan para mas maging matapang at matatag ako. Hindi nagtagal marami akong nalaman tungkol sa buo kong pagkatao. Kasabay nun ay nags...