28. Thanatos

58 3 0
                                        


CHAPTER TWENTY-EIGHT

Mechaniscene~

--------

CLAIRE

I never experienced this kind of life-- I mean this kind of situation where I am facing death. I don't know if we can survive here. Things are getting more complicated.

Pang apat na araw na namin dito. Is there any rescue team? Does our parents know that we've been kidnapped?

Aissshh. Gutom na gutom na ako. Wala namang makain. Im sure gutom na din yung iba. Wala pa kaming tulog simula kagabi.

Until now, we're still in the forest. Ewan ko nga, apat na araw na kaming nandito pero parang walang katapusang gubat ito.

Hindi ko nga din alam kung nasa Pilipinas pa kami o hindi.

Napabuntong hininga ulit ako.

"Guys. Pagod na ako. Pahinga naman tayo..." suhestyon ko.

Tumango naman ang mga kalalakihang kasama namin at naghanap ng pwesto.

Nilibot ko ang paningin ko sa gubat. Parang kalbong gubat naman ito. Hayss. Wala akong makitang mga prutas, o kahit anong makakain.

"May naaamoy ba kayo?" Lahat kami bumaling kay Yen.

I remember Eia. I sighed. Kay Eia talaga ako sumusunod lalo na nung oras na muntik na kaming mamatay sa dami ng patibong na pana na nakatago sa puno. She is a keen observer and wise. Ngayong wala na siya, well Yen is still alive and can guide us. She was also an observer and smart yun nga lang madalas syang tahimik na hindi mo alam kung nahihiya ba o tahimik lang talaga.

"What is it Yen?" Tanong ni Chino

Napabuntong hininga sya at tsaka tumingin samin. "Amoy nabubulok na bangkay."

"Ha?" We all asked in chorus.

Yenize sighed. "Kanina ko pa naamoy. "

Suminghot ako at totoo nga! May masangsang na amoy. Naamoy ko na iyon kanina pero binalewala ko.

"Pero san nanggagaling 'yon?" Takang tanong ko.

"Guys..." nagkatinginan kaming lahat ng ngumuso si Kiko sa likuran niya kung saan siya nakasandal sa puno.

"Anong meron dyan?" Takang tanong ni Jeo.

"D-Dead b-bodies.." kabadong sambit ni Kiko na parang naestatwa na.

Tf??

Dali dali akong tumayo para sumilip at halos masuka ako sa nakita!

Mga bungo, buto at katawan na naagnas!

Pero ang mas nakakatakot sa lahat ay ang makita ang mga kaschoolmate naming patay na!

Pero b-bakit..... m-madami??

S-Sino yung i-iba??

----------

YEN

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon