31. The Last Supper

59 5 0
                                        


CHAPTER THIRTY-ONE

mechaniscene~

----------

YEN

"Yen wake up!"

"Nerd.."

Nagising ako sa ingay na naririnig ko somewhere. Nagmulat ako ng mata pero umiikot pa rin ang paningin ko. Epekto ito ng itinapong usok na naglalaman ng chemical.

Sinubukan kong igalaw ang mga katawan ko ngunit nakagapos ako.

"Nagigising na siya!"

Paulit-ulit akong kumurap kurap para kahit papaano ay luminaw ang paningin ko. At ng tuluyang luminaw, nakita ko ang mga kasamahan ko sa bawat sulok ng kwarto na nakagapos sa leeg at sa mga kamay at paa ng kadena.

Tiningnan ko din ang sarili ko at parehong nakagapos ang mga kamay at paa ko. Sa leeg ko naman ay may nakalagay na bakal na bilog na umiilaw ng green na nakakonek sa mga kadena.

"A-Asan t-tayo?" magang-maga ang boses na tanong ko.

Uhaw na ako at nanghihina na ang katawan ko. Napalingon ako kay Jeo at nagtama ang mata namin. Nandon yung pag-aalala sa kaniya.

Nilibot ko ang paningin sa mga kasama ko at para na silang gusgusing bata na namamalimos sa mga damit nila, at for sure ganon na din ang itsura ko.

Punit-punit na parang basahan, madungis ang buong katawan at may mga tuyong dugo sa katawan.

"I don't know. Nagising na lang kaming nandito tayong lahat. " sagot sakin ni Maxine na nakaupo lang.

Nasa isa kaming kwarto na wala man lang bintana at pinto. Magtataka nga sana ako kung pano kami nakapasok dito kung hindi ko napansin ang camouflage na pinto sa gilid ni Chanelle.

Bigla kong naalala yung nakita kong may kagagawan ng lahat. Babae. Pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa usok at malabo kong mata.

Pero napakapamilyar niya sakin. Hindi ko lang maklaro kung sino.

Lahat kami nagkatinginan ng makarinig ng boses.

"Welcome Back players! Ang galing nyo naman! Nasolve nyo agad-agad ang logic ko. Masyado naman kayong naexcite na malaman kung sino ako!"

Napairap ako sa kawalan. Nababaliw na sya. No. Baliw na talaga sya.

"Alam kong atat na kayong makilala ako pero nakakaawa naman kayo. Hmm. Kumain kaya muna kayo?"

"E kung ikaw kaya igapos ko dito?!" Galit na sabi ni Nickolai.

"Relaxxx.. "

Nagulat na lang kami ng bigla na lang nagbukas ang kisame at may makinang nagpababa ng mga pagkain na nakapatong sa mesa.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Kumain muna kayo at ng maging masaya ang laro! Para kayong lantang gulay!" Ramdam ko ang inis sa boses ng kung sino mang nagsasalita.

Naghintay pa kami ng minuto dahil nawala yung boses bago kami magkatinginan.

Naamoy ko ang pagkaing nakahain. Kumalam ang sikmura ko at napalunok.

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon