37. Untold Story of IW

58 4 3
                                    

(Mahalagang mabasa niya ito, dahil ito ang kwento sa likod ng Out Of Time. :>)

Lahat ng mga estudyante ay nagsasaya bukod sa isang babaeng nakatingin lamang sa isang binatang lalaking anak at tagapagmana ng Braxton Clan na kasama ang isang babaeng nangangalangang Eliana Rodriguez malapit sa fountain habang taimtim na nag-uusap. Sumiklab ang galit sa kaniyang puso ng makita ang pagyakap nito sa babaeng kasama.

Akin lang siya...

"Oh iha? Bakit ka nag-iisa?" nakangising tanong ng isang matandang lalaki na kilala sa bansag na Phoenix dahil sa paulit-ulit na pagbagsak nito ngunit nakakabangon pa rin.

Sinundan ng matanda ang tinitingnan ng babae at napangisi ito ng may maalala.

"Nais mo bang makuha ang binatang 'yan?" bulong nito sa kaniya.

Doon na napatingin ang babae at curious na napatingin sa matanda. "Sino 'ho ba kayo?" nagtatakha niyang tanong ngunit nginitian lamang siya nito.

Dala-dala ang baston ay naglakad ang matandang lalaki sa pinagtataguan ng babae sa likod ng napakalaking puno mangga. "Matutulungan kita, sa isang kondisyon."

Natatakot man sa inaasta ng matanda ay nanaig pa rin sa kagusutuhan nitong mapasakaniya si Ron. "A-Ano 'yon?"

Lumapit ito at bumulong sa kaniyang tenga na siyang nakapagpalaki ng kaniyang mga mata. "Dalhan mo ako ng limampung kabataan ta tutulungan kitang makuha ang binatang iyong nais."

At dahil sa pagkabigla ay bigla na lamang napatakbo ang babaeng nangangalang si Kelly sa loob ng paaralan.


'Mukha ba akong si Darna? HAHAHA!' tuwang-tuwang sabi ni Eliana sa katabing si Ron.

'No. Hindi iyon ang gusto kong sabihin." napapangiting sagot ni Ron sa kaniya.

Lingid sa kanilang kaalamanan, may isang taong nakikinig sa kanilang usapan. At iyon ay walang iba kung hindi si Kelly Villamor.

'E ano?'

'Gusto kasi kita..' nanlaki ang mata ni Kelly matapos marinig ang sinabing iyon ni Ron kay Eliana. Galit na galit siyang nilisan ang lugar na iyon ng hindi pinapatapos ang sinabi ni Ron kay Eliana.

'Gusto kasi kita---ng maging kaibigan. If you don't mind.' nagulat man sa sinabi ni Ron ay napangiti at napatango naman si Eliana sabay thumbs up.

'Oo ba HAHAHA! Btw, uhm ano kasi may friend ako na crush ka.' nahihiyang sambit ni Eliana na ang iniisip ay ang kaibigang si Kelly.

Naalala pa niya na humingi ito ng tulong sa kaniya para kay Ron at dahil medyo close na sila ni Ron ay eto na nga--inilalakad niya na si Kelly sa binata..

Napangiti naman si Ron pero mas pinili niyang maging straightforward dahil sa pag aakalang ang babaeng nagligtas sa kaniyang buhay ay si Eliana. "I'm fluttered though alam mo naman na sigurong may hinihintay ako." sabi nito bago tumayo para magpaalam sa kadahilanang tinawag na siya ng kaniyang kaibigan na si Kris Yu.

"Eliiiii! Andiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, eh." nakangusong wika ni Yuna---ang kakambal ni Kris Yu.

Natawa naman ang dalaga bago tumayo at yumapos sa kaibigan. "Hindi mo kasama si Kel?" umiling lamang si Yuna at hindi na nagsalita pa dahil sa katotohanang nalaman niya ang tungkol sa galit ni Kelly.

"h'wag ka ng lumapit kay Kelly, Eli." serysong sambit nito na bahagya pang nakakakunot ang noo. Nagtaka si Eliana sa iniasta ni Yuna kaya hindi niya mapigilang magtanong.

"Luh? Bakit naman? Nag-away ba kayo?" iling lamang ang kaniyang isinagot at hindi na muling nagsalita.



"Pumapayag na ako sa gusto mo, tanda. Magdadala ako rito ng mga gusto mo." seryoso at makikitaan ng galit na wika ni Kelly na nasa mansion ngayon ni Phoenix na mas kilala bilang si Senator Alejandro Altamenor. Lingid sa kaalaman ng dalaga na isang mafia boss ang kaharap niya ngayon.

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon