Chapter 6:Childhood Memories
Claire's POV
Maaga na akong umalis ng bahay para makahabol sa unang bus at para di narin mapansin ni mama na medyo brown na yung uniform ko alam kong masyado syang protective sa akin kaya diko na ito pinaalam dahil marami na syang problema at dadagdagan ko pa ba,ever since si mama na ang nag alaga sakin dahil nung nalaman nung papa ko na buntis si mama ay agad nya itong iniwan,oo galit ako dahil kung di nya kami iniwan edi sana di kami naghihirap pero sabi ni mama wag daw ako magtanim ng galit dahil masama yun.Diko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang iniisip yun,pagdating nung bus ay agad akong sumakay at umupo ,napatingin ako sa cellphone ko at 4:30 pa pala ng madaling araw,isa rin sa dahilan kung bakit ako naging maaga ay dahil may pupuntahan lang akong isang lugar kung saan ko nakatagpo ang isang batang naging parte na ng buhay ko noon,since 9:00 am pa magsisimula ang klase ko at may 6 hrs pa para maka abot dun,siguro itutulog ko nalang muna siguro to dahil medyo malayo yun.
"uhm,miss malapit na po tayo sa unang babaan ng bus baka po dito kayo hihinto" sabi sakin nung conductor kaya napa mulat ako saktong dito naman talaga ako ba-baba napatingin ako sa cellphone ko at 7:00 am na.
Bumaba na ako ng bus at naghanap na ng traysikel para maka punta dun.Nang makarating ako dun ay nakita ko kung gaano kaganda tong park nato hindi parin nagbabago.Hinanap ko yung puno na pinagukitan nung pangalan namin at dun ako umupo para mag mumuni-muni.
MINMIN & RORO.
Natawa ako ng bahagya nung naalala ko ang sinabi nya habang inuukit namin yan.
"Alam mo minmin paglaki natin ay papakasalan kita."
"Sure ka,promise mo yan ha"
"Oo promise"
Haha bata pa nga tayo at di natin alam kung ano-ano ang sinasabi natin,ngayon kung nasaan ka mn sana magkita tayo ULIT.
Haist ano ba Claire,nakalimutan mo bang patay na sya?
Yeah namatay sya sa isang sunog at dahil yun sakin bat nya pa kasi ako niligtas..Tsk
Napatingin ako sa cellphone ko na may maraming text na pala.
'Hoy claire san kana ba,magsisimula na ang first subject'
-Kate
'Hoy babae bat dika sumasagot ,aabsent ka ba?'
-Kate
'Hoy nag alala na ako ,kanina pa ako tawag nang tawag dimo sinasagot'
-Kate
Oh shit,bat ko ba nakalimutan yun..
Dali dali akong tumayo at naglakad papuntang sakayan ng jeep at diko namalayan na may nakabangga na pala ako.
"Sorry" sabi nung lalaki na naka bangga ko kaya napa-anggat yung ulo ko
"Di mo kasalanan,ako yung di tumitingin sa daan,nagmamadali kasi ako" sabi ko at tiningnan ang kanyang mukha pero diko makita dahil naka cap sya at mask na black.
"Its okay" sabi nya at umalis.
Wait lang parang nakita ko na sya sa kung saan man pero diko lang maalala.
Di bale na,iisipin ko pa ba yun eh 9:20 na matatapos na yung first subject ko at ang habol ko ay bago matapos ang recess namin.
Di na ako nag-alinlangan pang sumakay ng jeep dahil wala na akong choice.
Nang makarating ako sa school ay tinakbo ko na ang mahabang hallway at diko na napansin na papunta rin pala ang ACE sa deriksyon ko na pinangungunahan ng isang mayabang na asungot na si Alexies and as usual nandon din yung kasama nyang mga unggoy.
Diko namalayan na may hagdan pala kaya nadapa KAMI?
*TSUP*
SF9 Rowoon as ZACH ALEXANDER VELASQUEZ
BINABASA MO ANG
Being His Babysitter
FanfictionSYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka-utos daig pa ang presidente ng pilipinas.Napaka-suplado akala mo sinong gwapo,well gwapo naman talag...