Chapter 36: Fake turns into Reality

132 12 0
                                    

Chapter 36:Fake turns into Reality

Claire POV

"Ano?" halos di makapaniwalang sagot ni mama.

"Opo eh,kaya ko nga to sinabi agad sa inyo dahil alam kong magagalit at magugulat kayo" pag eexplain ko pero umiling-iling lang sya.

"Hindi naman sa galit ako pero nag alala lang ako dahil bukod sa scholarship mo eh wala ka naring trabaho pano ba yan,edi magtratransfer kana sa public?" tanong nya kaya umupo ako sa sofa na syang ikinasunod nya.

"Yun na nga rin yung iniisip ko since may public school naman kaya nga lang malayo pero okay narin yun atleast nagawa ko na naman yung goal ko diba na magtratrabaho para mabayaran yung upa ng bahay" at humarap kay mama.

"Baka hindi ka makapag adjust dun at teka lang alam naba ng amo mo na aalis kana dun?"

"A-ah ehh opo a-alam na po nila yun"

Kahit pansamantalang leave lang muna yung sinabi ko.

"Sure akong malulungkot yung mga kasamahan mo dun"

"Except kay ice man"

"Ano yun anak?"

"Wala po ma,ansabi ko oo" at agad na tumayo.

"Oh sya ,bukas na natin to pag usapan matulog na tayo,kailangan mo pang hintayin yung announcement sa drop out mo bukas"

Kaya love ko si mama eh,di na sya nagalit about dun bagkos support nalang sya sa mangyayari sa buhay ko.

Tumayo na ako at umakyat nalang kwarto ko.

Ilang araw narin ang lumipas simula nung magtrabaho ako kaya namimiss ko itong kwarto ko.

Napaupo nalang ako sa kama at saka tinitigan yung phone ko na isang araw di iniopen.

Ini-on ko yung phone ko at sandamak-mak yung messages ang dumating....

From:Ice Man

:Hey

:Claire sorry

:Magreply ka naman oh

:Maari ba kitang maka usap?

:Bakit dika pumasok?

:Hoy,nag-alala na ako sayo

:-(

Hays.Maka FB nga....

As expected ,mapupuno talaga yung NF ko dahil sa nangyayari

Agad kong tiningnan yung page ng school namin baka sakaling pinost nila na di matutuloy yung cancellation pero.............

CONFIRMED!

Ang estudyanteng si CLAIRE YASMIN FAULKERSON ay mapapatawan ng parusa para sa paglabag nya sa rules ng paaralan bilang isang Scholar at ang parusang iyon ay ang pagtanggal ng kanyang scholarship sa BHU.

Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa sinapit ko ngayon.

Sino ba kaseng nagsumbong sakin?
Victoria o si Cindy. Arghhhh.......
Agad na dumako yung tingin ko sa comment box na halos nandun lahat pangalan ko.Binasa ko lahat yung comments at mygod halos isumpa na yata nila ako.

:Tamang tama lang yun sa kanya

:Hahaha mabuti nalang  dahil kalandian nya nakuha nya pang magtrabaho kay alexies.

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon