Chapter 26:Argue
Claire POV
" Ah sumakit yung ulo ko sa quiz kanina ah" sabi ni kate habang hinihilot yung sintido nya.
"Tss madali lang naman yun" sabi ko habang naka pamulsa papuntang canteen.
"Eh? Mas mabuti ka pa nga dahil madali mo lang mamemorize yung mga words kahit basahin mo lang eh ako kahit isa-isahin pa ng prof. antagal pa bago ko makabisado yun" sabi nya kaya natawa ako.
"Yan kase yung napapala ng kakatulog mo hindi mo lang man ma titigan yung notebook mo,andami mo ngang na takenote pero di mo naman binabasa" pang-aasar ko kaya hinampas naman nya ako.
"Okay tigilan mo na ako,porket matalino ka ha" sabi nya at nag line kami para maka kuha ng pagkain.
"Oh so ano nga kate?" panimula ko habang tinatanggap ko yung tray na may pagkain.
"Ha?"
"Don't tell me nakalimutan mo yung promise mo kanina na may sasabihin ka sakin pag reccess na?" pagpapa-alala ko at natagalan pa sya bago nya ma gets yung tinatanong kase.
"Pero sabihin mo muna sakin na atin-atin lang muna to?" sabi nya at umupo sa usual place namin na inuupuan dito sa Canteen.
"Oh sige na pramis" sabay taas ng kanang kamay na parang bata kaya sinenyasan nya akong ilapit ko ang tenga ko kaya kahit para kaming tanga sa pwesto namin ay ginawa ko.
"Uhmm....Nililigawan ako ni Zach" agad akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya kaya agad nya akong inabutan ng tubig.
"Seryuso ka dyan Kate baka guni-guni mo lang yan" sabi ko at inilapag yung baso.
"Wow paanong maging guni guni ko eh tinext nya ako oh!" sabay pakita ng phone nya.
"Sinasabi ko sayo kate mukhang mali yung magiging desisyon mo pag sinagot mo sy---"
"Eh sinagot ko na eh"
Ayan tayo,wala na....
"Naku kate habang maaga pa i break mo na yan bago pa mahuli ang lahat" sabi ko at kumain.
"Grabe ka naman sakin Claire,porket may nagkakagusto na sayo babawalan mo na ako,oo magkaibigan tayo pero hindi kita magulang para pag bawalan ako kung sino yung pipiliin ng puso ko" sumbat nya sakin saka sya tumayo akma ko pa sana syang habulin pero mabilis syang nawala sa canteen kaya wala na akong choice kundi hayaan muna sya.
Pasensya Kate dahil ayaw lang naman kitang masaktan.
Papatapos na yung klase pero di nya parin ako kinausap mula kanina,nakikinig lang sya ng maigi sa prof. hanggang mag bell.
Lalapitan ko lang sana sya nang lapitan din sya ni Zach at dinala nya yung gamit ni Kate.
Mukang sila na nga..
Hindi ko nalang muna sya kinausap at tuluyan na ngang lumabas ng campus.
("Oh ate erin,napatawag ka?")
("Pwede ba claire wag mo na akong tawaging ate,5sec. lang yung agwat natin eh")
("Oh sige na,summer erina") sabi ko kaya natawa sya sa kabilang linya.
("Napatawag ako dahil kailangan ko ng bumalik agad amerika dahil alam mo na yung trabaho bilang leader kuno,may aayusin lang")
(" Oh sige ,alam ba ni mama to?")
("Yun na nga rin yung sadya ko,ikaw na mag sabi sakanya")
("Eh? Pwede mo naman siguro syang e text diba?")
("Ah,baka tanungin nya pa ako ng tanungin ,di pa naman ako magaling magpalusot")
("Oh sige na,mag ingat ka")
("Ikaw rin,bye")
("Bye!")
CALL ENDED
Agad kong tinext si mama pero mukang may kanina pa sunod ng sunod sakin kaya mabilis kong tinype yung e tetext ko kay mama at itinago yung selpon ko at mabilis
na nag lakad pero pabilis rin ito ng pabilis,may nakita akong isang likuan kaya agad akong lumiko at. kumuha ng kahoy at naghintay bago ito dumaan.Agad ko ito pinalo kaya sya natumba.Uulit ko pa sana pero agad nyang inangat yung mukha nya at laking gulat ko nalang kong sino yun.
"Chase?" agad akong napatakip ng bibig dahil may galos sya sa kanang siko.
Tinulungan ko syang makatayo at agad na nag sorry.
"Naku! Sorry talaga Chase diko naman alam na ikaw pala yung sunod ng sunod sakin"
Di sya kumibo at tinitingnan nya lang yung sugat nya.
Feeling ko tuloy gini-guilty nya ako.
Agad ko syang hinila pero binawi nya yung kamay nya.
"San tayo pupunta?" tanong nya kaya lumapit ako sa kanya.
"Babalik tayo ng school at gamutin natin yang sugat mo"
"Bawal na ,malamang sirado na ang clinic mabuti pa tara na" hila nya kaya napakunot yung noo ko.
"Saan?"
"In my House,i'll take you home"
huwatdafck?
---
Chase POV
Halos matawa ako sa reaksyon nya nung sabihin ko yun kaya ayun pinaghahampas nya ako.
"Hey,calm down okay, what i mean is sa bahay ko nalang gamutin yung sugat ko"
Pati na rin yung sa puso ko.
"Ahh ganun ba , wag kase bumanat baka mabalatan kita ng buhay eh" sabay tawa.
"Tara?"
•HOUSE
Papasok na kami ng bahay namin na nakahawak ang kamay sa isa't-isa ,siguro hindi nya napansin na kanina pa kami mag kahawak ng kamay at actually may sasakyan naman talaga ako pero di ko dinala dahil i want to grab this opportunity.
B'coz i know that my brother will be chosen.
"Ikaw kase eh,kung dimo ko sinundan edi di ka masasaktan"
"Kahit tingnan pa nga kita nasasaktan na ako"
"Ha? Anong binubulong mo?" tanong nya kaya umiling ako.
"Wala.Ansabi ko kung di mo ko nasaktan di ka makakapunta dito sa bahay" sabi ko habang ginagamot yung siko ko.
"Tss.Kahit naman di kita saktan alam ko namang makakapunta ako rito pero sa bagay ,maganda na rin to" sabi nya at tumayo kaya napakunot yung noo ko.
"Na ano? na nasaktan mo ko? " sabi ko pero natawa lang sya.
"Hindi. I mean maganda na rin to dahil tayo lang dalawa----" di ko na narinig yung sinabi nya sa sunod dahil natawa ako.
"Pft...."
"Oh anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong nya habang nakatingin sa mga picture frame.
"Wala. Nag iiba lang kase yung iniisip ko sa sinasabi mo" natatawang sabi ko kaya umirap sya.
"Such a pervert" bulong nya pero narinig ko naman kaya imbis na sagutin ko pa sya ay tumayo nalang ako at hinila sya.
"Tara." hila ko kaya napataas yung kilay nya..
"San'?"
"Sa kwarto,let's make a baby"
••••••
Hanuedaw?🤣
BINABASA MO ANG
Being His Babysitter
FanfictionSYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka-utos daig pa ang presidente ng pilipinas.Napaka-suplado akala mo sinong gwapo,well gwapo naman talag...