Chapter 61:Beach Party

87 8 0
                                    

Chapter 61:Beach Party

*After 1 month*

"Nay,tara na po baka ma-late po ako!!!!" sigaw ko habang naka harap sa salamin at inaayos yung buhok ko.

"Oo na,eto na nag aayos lang din ang nanay" sagot nya mula sa taas na kwarto kaya napa ngiti ako.

Ngayon ang graduation namin bilang high school at nag mamadali kami dahil malapit na mag 8 maka mahuli kami.

"Anak tingnan mo nga kung maayos na yung suot ko" sabi nya habang pababa sya ng hagdan kaya napalingon ako.

"Maganda ba?" pahabol nya pa.

"Nay naman,maganda ka na po kaya wala ka nang dapat ipag alala pa" at saka inayos yung medyo gusot sa suot nya,napa titig naman sya sakin saka ngumiti't hinaplos yung mukha ko.

"Alam mo claire anak,kung naririto lang yung mommy mo sure akong proud sya sayo" naiiyak na sabi nya kaya ako pati tuloy naiiyak.

"Ready na ba kayo?" napalingon kami sa lalaking nasa pinto at suot ang puting polo.

"Yes Love" nakangiting sagot ko kaya magka hawak kami ni mama na lumabas.

"Ang gwapo ng magiging manugang ko" bulong sakin ni mama kaya napa tawa ako't tumango.

Hanggang ngayon ay laking pasalamat na kasama ko parin ang lalaking mahal ko,nung araw na sinabi sakin ng doktor na ginawa na nila lahat ang kanilang makakaya pero wala na talaga parang gumuho yung buong mundo ko parang nawala ang kalahati ng puso ko pero kita at ramdam ko naman na buhay at tumitibok yung puso nya ay masaya na ako.

Diko namalayang napa titig na pala ako sa kanya ng matagal kaya napalingon sya sakin.

"Dika parin ba makapaniwalang mabubuhay ako?" natatawang tanong ni alexies kaya tumango ako

"Kung alam mo lang para na akong mamatay nung dika na humihinga" medyo malungkot na sabi ko kaya hinawakan nya yung kamay ko habang ang isa nyang kamay ay nasa manebela at ang tingin ay nasa harap lang.

"Di ako papayag na mawala nalang bigla lalo na't di pa kita pinapakasalan at magkaroon ng sarili kong mga anak" nakangiting sabi nya ramdam ko naman ang mga kamay ni mama na nasa backseat.

"Ang swerte nyo sa isa't-isa kaya wag nyo nang pakawalan pa" at nagka-tinginan naman kami ni Alexies.

"Diko na po talaga sya papakawalan mama" naniniguradong sabi nya at pinisil pa ang pisngi ko.

"At oo nga pala pwede nyo na kong tawaging mama tutal maid lang naman ako ni sir Travis at maam Xandra" agad akong tumingin sa likod at hinawakan yung kamay nya.

"Sabi ko naman sayo mama kahit maid ka lang ng tunay kong magulang di mag babago ang tingin ko sayo bilang pangalawang ina ko"

"Oo nga po tama si Claire at dahil sa inyo lumaking mabait at palaban to kaya papakasalan ko na po to bago pa may umagaw sa kaniya" napuno naman ng tawanan yung kotse at nagpatuloy na kami.

Nangalahati na ang program nang tawagin si Skie para sa last message at farewell sa B.H.U

"Sa paaralang to maraming nangyari mula sa tawanan na nauwi sa iyakan at syempre di mawawala ang pag aaway,nung unang pasok ko palang dito sa B.H.U akala ko magiging madali lang ang lahat,akala ko sa pagiging matalino matatapos ang lahat pero di pala may mga tao pa palang makikilala ko at maituturing na kapatid.Kilala ng lahat ang grupo namin,ang ACE grupong akala ng lahat puro gwapo lang,yung pinagkakaguluhan ng girls.Pero may isang taong di tinablan ng killing charms namin,taong gumawa ng mga bagay  na di kaya gawin ng isang simpleng tao"saka sya tumingin sakin

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon