Chapter 25:Her Gangster Sister

167 16 0
                                    

BEING HIS BABYSITTER
CHAPTER 25

Halos mangiyak ngiyak na niyayakap ni mama si ate habang ako naman ay naka ngiting nakatingin lamang sa kanila.

"K-kailan k-kapa naka uwi" sabi ni mama habang hinahaplos ang mukha ng ate ko.

"Nung martes lang po ma" sabi nya at pinahiran ang luha nito.

"Ganun ba bakit ngayon kalang nagpakita at teka yung buhok nyo?" agad kaming nagkatinginan
ni ate kaya sabay kaming napa iling.

"A-ah kase po---diba pag magkapatid dapat magkaparehas ?" awkward na sagot ko kaya natawa si ate.

Sinusubukan ko na ngang magpalusot ayaw pa netong mag support.

"Naku naman mga anak,parehas na nga kayo ng mukha pati ba naman buhok kailangan parehas?" natatawang sabi nya.

"Of course ma,para san' pa't naging kambal ko tong si Claire at isa pa lalo lang kayong malito pag naging winter yung ipina ngalan nyo sa kanya" tawang akbay sakin ni ate kaya agad ko syang kinurot sa gilid.

"Ah so ganun,ako yung pag tri-tripan mo porket naka uwi kalng galing amerika gaganyanin mo ko" naasar na sagot ko na lalong ikinatawa nya.

"Mama oh,si Winter estii Claire inaaway ako" sabay tago nito sa likod ni mama na syang ikinatawa naman nya.

"Oh sya,tama na yan kumain na muna tayo tutal kakaluto lang ng mga pagkain buti nalang at medyo marami-rami rin yung niluto ko sakto sa pag dating nyong dalawa" sabi nya saka kami hinila sa kusina.

"Oh kayong dalawa dito ba kayo matutulog?" tanong ni mama habang kumakain kami.

Napatingin sakin si ate kaya nagngiti-an kami.

"Opo!" sabay naming sabi.

"Oh mabuti naman kung ganun,so Rin-rin anong dahilan bat napa bigla ata yung dating mo ng pilipinas?" tanong ni mama kaya natawa ako dati kase nung bata kami Rin-rin at Min-min yung tawag samin ni mama kaya ayun nakasanayan na nya siguro.

"Oh claire anong nakakatawa?" tanong ni ate.

"Haha yung Rin-rin kase.." natatawang sabi ko kaya napataas yung kilay nya..

"Wow kung makatawa ka naman kala mo di tinatawag na MIN-MIN" sabi nya kaya natawa si mama.

"Oh kayong dalawa hanggang sa pagkain ba naman ay mag aasaran kayo?" pagpapa-alala ni mama kaya pareho kaming natahimik.

"So ano nga't bat ka nabalik dito bigla sa pilipinas?" tanong ulit ni mama at nakita ko namang napatunghay si Ate erin .

"A-ah ano kase--inutusan ako ng principal ng school namin doon na kunin ko daw yung dokumento  ko sa dating pinapasukan namin dati para maka graduate na ako."

Alam kong kabado si ate erina dahil di alam ni mama na pagiging gangster pala ang pinasok nya sa amerika, tanging kami lang dalawa ang nakaka-alam tungkol dun at naging scholar lang naman yan dahil magaling sa pakikipaglaban kaya napunta sya sa amerika.

"ah ganun ba buti kung ganun at para maka graduate ka" sabi nya at muli naman kaming natahimik,alam kong naka hinga si ate dahil kanina tense na tense sya ,di sya marunong magsinungaling kay mama kaya ganun nalang talaga ang takot nya.

Nang matapos kami ng kain ay agad kaming nagligpit at pumunta sa kwarto namin.

"C-claire may sasabihin sana ako tungkol dun sa kaibigan mo"agad akong napalingon habang may dalang kumot.

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon