Chapter 39:Official
"Anong nawawala?" agad na napatayo si chase sa pag alala.
" Saglit lang akong nawala dahil bumili ako pero pagbalik ko wala na sya sa kwarto."
"Baka nandito lang yun sa hospital" sabi ko at diko mapapagkaila na nag alala rin ako.May tama sya ng baril baka bumukas yung sugat nya.
"Hinanap ko na pero masyadong malaki tong hospital para halughugin " sabi nya kaya akmang aalis na sya ng pigilan ko sya.
"San ka pupunta?"
"Dito kalang ,hahanapin namin sya"
"Ano? Pwes...Sasama ako" sabi ko at akmang tatangalin yung nakakabit nang pigilan nya ako.
"Di ka sasama,mas magiging delikado pag naglakad ka baka kayong dalawa yung mapano" kaya napabuntong hininga ako.
"Sge,umalis na kayo" at tuluyan na nga silang lumabas ng kwarto.
Akala siguro nila na susunod ako.
Isa isa kung tinanggal yung nakakabit sakit at tumayo na.
Tumakbo ako papalabas ng patient's room saka palinga-lingang nag hanap.Alexies,where on earth are you?
Agad akong napatingin sa bintana at may nakita akong lalaking nakatayo sa rooftop.
Takte ,pano sya nakarating dyan?
Lumapit ako sa nurse at nagtanong kung saan ang papuntang rooftop,agad naman nyang tinuro yung kanan ko kaya tinakbo ko na yun.
Papasok sana ako ng elevator pero timing naman sumarado ito kaya wala akong choice kundi gumamit ng hagdan.
Unumisahan ko na itong akyatin.
Lakad-Takbo
Lakad-Takbo
Lakad-Takbo
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang marating ko ang dulo nito saka huminga muna.Pinihit ko yung door knob at binuksan iyon,malamig na hangin ang dumampi sa balat ko kaya napayakap ako sa sarili ko.Umaambon na rin at hudyat neto na paparating na ang ulan.
"Anong ginagawa mo rito?" napalingon ako sa lalaking nagsalita na nakatalikod sakin.
"Haist.....Diba dapat ako ang magtatanong nyan,ano ang ginagawa mo rito?" balik na tanong ko at kita naman sa sulok ng labi nya na bahagyang umangat.
"Hmmm....Siguro nag iisip kung anong gagawin ko" sabi nya at lumapit naman ako.
"So kailangan talaga dito kapa mag isip?"
"Oo naman bakit hindi,mas mabuti narin dito maliwalas sa isip tanging ihip lang ng hangin ang maririnig mo" at itinaas nya yung kamay nya na parang dinadamdam talaga yung hangin..
Napaharap naman ako sa paglubog ng araw at pumikit..
"Oo nga pala congrats" agad namang kumunot yung noo ko habang di parin idinidilat yung mata ko.
"Para saan?"
"Kayo na pala ng kapatid ko" napadilat ako at agad na hinarap sya.
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko .Agad ko namang naisip yung pagbukas at pagsarado ng pinto kanina.
"Narinig mo?" tanong ko kaya tumango sya.
"Nagseselos ka?" pagpipigil ko ng tawa dahil sa muka nya.
"Hindi naman....Actually masaya nga ako sa inyo ih" at humarap din sya sakin.
"Ay we? Di nga nag seselos ka eh,uy si ice man nagseselos,,uuyyyy" panunukso ko kaya pumikit sya.
"Oo na ,nag seselos ako okay,tuwing magkasama kayo,tuwing nagtatawanan kayo,sobrang sakit neto claire!" turo nya sa puso nya kaya agad akong natigil.
"Sor----"
"UMALIS KANA!!!!" halos nabingi ata ako ng bigla syang sumigaw sa harap ko kaya napa atras naman ako.
"Ako ba alexies hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan pag magkasama kayo ni cindy? Sa tuwing ,nilalagpasan moko na parang hangin? Nakikita kayong magkahawak ng kamay at nag hahalikan? Oo nag seselos din ako at mas dumoble yun ng malaman ko na mas inuna mo syang iniligtas kesa sakin.Sa tingin mo ba kaya kita iniiwasan dahil trip ko lang,nasaktan ako ng sobra nung makita kayo sa likod ng building na yun.Alam kong narinig mo yung paguusap namin ni chase kanina at nung sinabihan ko sya ng 'i love you' hindi yun ibig sabihin na mahal ko na talaga sya,alam mo kong sino ang nag mamayari neto?" umiiyak na turo ko sa puso ko.
"A-alam m-mo kong sino? Ikaw yun" at tuluyan na ngang sunod-sunod pumatak yung luha ko.Tumalikod na ako at bagsak balikat akong Naglalakad papalabas.
Hahawakan ko na sana yung door knob ng maramdaman ko yung yumakap sya sakin sa likod..
"I-i'm sorry c-claire diko naman alam yun eh" saka mas hinigpitan yung yakap nya sakin.
Unti unting kong kinalas yung kamay nya sa bewang ko at humarap sa kanya.
Agad ko inangat yung ulo nya saka tinitigan yung mata nya.
Bat ba ang gwapo ng nilalang nato?
Pinunasan ko yung luha nya at ganun naman sya sakin.
"I love you Claire-I love you Alexies" at lumapat na nga yung labi nya sa labi ko.
"Your mine now?" Tanong nya kaya napangiti ako.
"I'm all yours LOVE!"
•••••••••••••••••••••
Uwa~~~~ party party..........
Masyado bang mabilis??
Hahaha ALEX-MIN FTW👏👏LOVE??????????♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Being His Babysitter
FanfictionSYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka-utos daig pa ang presidente ng pilipinas.Napaka-suplado akala mo sinong gwapo,well gwapo naman talag...