Chapter 17:Concern

169 26 3
                                    

BEING HIS BABYSITTER
CHAPTER 17

Claire P.O.V

"Pwede i-usog mo pa para maging pantay dun sa kabila?"

"Di dyan,sa kabila,taas mo ,hindi,baba mo nang kaunti,baba pa,sige. okay tsarrraann"

Nasa gym kami ngayon kasama yung iba pang estudyante na napili para tulungan akong mag facilitate para sa gagawing SPORT FIEST dito sa school.

"Uhm,ate claire tama po ba to?" tawag sakin ng isang Junior ata na babae at may ipinakitang Letter para i dikit sa Stage.

"Ah,pwede mo pa ba bang i-cut dito para mag kasya dun at maging terno pa sa ibang letters?" sabi ko at ngumiti naman ito.

"Sige po,ate" .

May mga nagsisidatingan pang mga table at chairs kaya diko maiwasang medyo mahilo dahil kanina pa kami dito at wala pa atang kain ang karamihan sa amin.

"Uy Vince nandito karin pala,facilatator karin?" tanong ko dun sa V-Pres. ng 1st sub namin.

"Ah actually hindi pero nakita ko kase kayong sobrang busy kaya napag desisyunan kong tumulong tutal wala namang klase dahil dito sa gaganaping event" sabi nya habang buhat-buhat yung mini table.

"Ah ganun ba thank u ha,tulungan na kita" sabi ko pero umiling sya.

"Wag mo na akong tulungan at dun kana dahil kanina ka pa yata tinatawag ng mga kasamahan mo dun sa stage" natatawang sabi nya at ininguso nya yung labi nya kaya napalingon ako at tama nga sya dahil kanina pa sila kaway ng kaway.

"Sige vince punta muna ako dun" pagpapa alam ko

"No probs...." sabi nya at iniwan ko na sya.

"Ate claire naman ih kanina pa kita tinatawag di ka naman nakikinig ,tama po ba to?" natawa ako sa inasal nya ang kyutt nya habang nasa hagdan at ikinakabit yung mga ballon sa dingding.

"Haha sorry na,oo dyan" sabi ko pero tila dahil sa tagal nya dun sa taas nakaramdam ata sya ng ngalay.

"Mabuti pa bumaba ka muna dyan." sabi ko kaya kahit mukhang nagtatanong pa yung mga mata nya ay agad naman syang bumaba.

"Bakit po?" sabi nya habang naka kunot yung noo.

Bat ba ang kyutt nang batang to ,mukhang naliligaw lang ata to dito ih,mukang elementary pa sarap isako at iuwi.

"Ate claire?" napa ngiwi ako dahil bigla nya akong hinawakan.

"Ah mabuti pa ako na ang aakyat para ikabit ang mga to,at ikaw naman hawakan mo lang yung hagdan dahil baka mahulog ako." sabi ko at nag umpisang umakyat.

Medyo maalog yung hagdan kaya napakapit ako  at dumungaw sa baba.

T-takte nakalimutan ko takot pala ako sa mga Heights.Argh claire nag iisip kaba ,ngayon panindigan mo na yan.......

"Ate claire,okay kalang po ba?" tanong ulit ng Junior Student na nandun sa baba kaya diko maiwasang mapangiti.

Sana nagkaroon nalang ako ng kapatid na ganito,sobrang kyutt...

Inayos ko yung mga naka tabinging letters at inayos rin yung ballons dahil natatakpan yung tarpulin .Bumaba na ako dahil tapos na yung pagkabit ng ibat-ibang design sa Dingding ng stage at sa totoo lang nangangatog na tlaga yung tuhod ko dahil sa kaba. Huling dalawang tapak ko na sana ng hagdan ng biglang mabali yung tatapakan ko kaya dumiretso ako sa baba at napaupo.

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon