Chapter 28:Flashback Part 1
"Ano ba,denisse wag mo namang gawin to oh,kawawa yung anak natin pag ginawa mo to"
"Wag mo kong pigilan gago ka,kung sana di tumigang yang pagkalalaki mo edi sana wala kang nabuntis na katrabaho mo!"
"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ,naka inom lang kami pero walang nangyari samin"
*Pak*
"Anong walang nangyari,kitang-kita ng sarili kong mga mata kung paano kayo mag patungan at mag ungulan sa sarili kong hotel"
Impit na umiiyak ako sa banyo habang pinapakinggan ang pag tatalo ni dad at mom.Naka rinig ako ng pag bukas ng pinto at nakita ko si yaya na naka tingin lang sakin agad akong napayakap sa kanya at umiyak lang ng umiyak.
"Ano,aalis ka? Paano yung anak mo" boses ni dad at lumabas na nga sila ng kwarto na may dala-dalang malalaking maleta si mom.
Kahit pilit na tinatakpan ni yaya yung tenga ko naririnig ko parin yung mga boses nila.
Napatingin sakin si mom na may luha sa mga mata,agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya.
"M-mom p-please wag mo kaming iwan" hagulgol na sabi ko kaya umupo sya para pantayan ako at pinahid yung mga luha ko.
"P-pasensya na a-anak kailangang gawin to mommy para sayo,wag kang mag alala babalik ako,babalik si mommy okay" pilit akong pinapakalma ni mom habang tumutulo yung luh namin.Tumingin naman si mom sa likod ko at nandun si yaya mening ,hinila ako ni yaya at dun umalis si mom.
Tatlong linggo nang di bumabalik si mom simula nung nangyari .Nag simula naring nagiging busy si dad at minsan nahuhuli ko pa syang nag dadala ng babae at di nagtagal ay pinakasalan na din ito.Ayaw ko sa babaeng yun dahil kahit mabait sya sakin ay mas gusto ko parin si Mom yung nandito.Nagiba yung buong pagkatao ko,naging sobrang suplado na ako sa mga taong lumalapit sakin ,minsan nga nung dinala ako ni dad sa opisina nya dahil umuuwi si yaya sa probinsya nila ay may taong lumapit sakin na hula ko ay katrabaho ni dad,kakausapin sana nya ako pero ang nasabi ko lang "Don't talk to me as if were close old man" kaya ayun pinagalitan ako ni dad.Buong gabi nya akong pinagalitan pero im getting numb,kahit paluin nya pa ako wala ring magagawa yun dahil tila naka lunok ako ng isang baril na anestesya.
Pagka umaga nun agad akong lumabas ng bahay na walang nakaka alam at nag tatakbo na ako hanggang mapadaan ako sa isang park.Andaming tao,mga batang naglalaro,nag hahabulan at pamilyang magkakasama.Nakakaingit pero ano bang alam ko eh di ko naman alam kong saan mahahanap si mom.
Di ko na namalayang tumutulo na pala yung luha ko kaya agad ko naman itong pinunasan at agad na nagpunta sa may playground na mag isa.
"Pwede bang makipaglaro sayo?" napalingon ako sa nag salita bigla at may batang babae na nakatayo at may dalang maliit na teddy bear.
"Sino ka?" malamig na tugon ko kaya ngumiti sya.
"Hindi ako Sino ka,enere ako" natatawang sabi nito kaya tumalikod nalang ako at naglakad papalayo
"Hoy bata san' ka pupunta?" tanong nya kaya huminto ako.
"Uuwi na ,hindi ko gusto dito" sagot ko saka umalis na nga para umuwi.
"San' ka naman galing?" pasigaw na sabi ni dad at lumapit sakin,di ako sumagot at umakyat nalang sa taas.
"Hoy jiro naguusap pa tay----"
"Honey wag mo nang pagalitan yung bata,mabuti nga't umuwi pa sya eh" boses ni delia
( wife ni dad) tss pangalan pa lang malandi na.
"Eh mabuti sana kung hindi na umuwi yang batang yan." agad kong isinara yung pinto ng malakas at inihampas yung katawan sa kama.
Mom,where are you?
---
"Ano? aalis ka din? san ka pupunta kay denisse ? Dun sa magaling mong amo?" napamulat ako dahil sa ingay na ng gagaling sa labas.
Umaga na pala.
Tumayo ako at sumilip sa bintana ng kwarto ko ,nakita kung nasa labas si yaya mening at may dala dala ring maleta.
Pati ba naman ikaw yaya iiwan mo din ako?
Agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo papalabas para habulin si yaya.Nakalayo na ito kaya wala akong nagawa kundi sumigaw nalang,nakita ko pang lumingon ito agad ding tumalikod at umalis na.
Hinawakan ako ni delia sa braso para sana alalayang makatayo pero marahas kung inagaw agad yung kamay ko.
"Dahil to sayo delia kaya nangyayari to samin kong sana di ka nalang nakilala ni dad at sana di ka nalang nya pinatulan para walang nangyari sa inyo salot ka sa buhay namin,salo----"
*Pak*
Biglang namanhid yung muka ko ng tumama ang kamay ni dad sa pisngi ko.Napahawak pa si delia sa bibig nya sa kanyang nakita.
"Kita mo na,ito yung nagiging bunga mo sa pagiging malandi sa papa ko"
"Jiro,sumusobra kana" akma pa sana akong sampalin ni dad pero napigilan din sya ng kabet nya.
"Carlo please,wag mo ng saktan yung bata" pakiusap nitong babaeng to kaya napangisi nalang ako dahil sa inis.
"You two,you'll regret this" sabi ko at pumasok sa kwarto ko at nag kulong.
Dumaan ang oras na di ako kumakain at napa tunghay nalang ng marinig ko yung alarm clock.
It's already 4pm.
Maingat akong lumabas ng kwarto at lumabas dahil tila nandun ata sila sa kwarto nila.
Lumabas ako ng bahay at pumunta ulit sa park dahil dun ako nakakaramdam ng kapayapaan.Umupo ako sa isang kahoy at tumungo dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko.
Feeling ko walang nag mamahal sakin,walang nagalala,wala na si mom at yaya mening tapos galit pa lahat ng tao sa bahay sakin.San ba ako lulugar,san bako dapat?
Habang nagmumuni muni ako sa isang sulok nakaramdam ako na parang may nakatayo sa harapan ko kaya nang tumunghay ako ay laking gulat ko nalang na nandito na naman yung batang babae kahapon.
"Papatayin mo ba ko sa gulat?" tanong ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Haha pasensya na ah,nakita kase kita eh at mukang umiiyak ka may umaway ba sayo?" sabi nya at umupo sa tabi ko.
"Ha? Sinong umiiyak at walang umaaway sakin baka sila pa nga yung awayin ko"
"Haha wag ka ng magkaila pa,kitang kita sa mga mata mo oh na umiiyak dahil pamamaga ng mata mo" sabi nya kaya umiling nalang ako.
"Bakit an'suplado mo?" biglang tanong nya kaya lumingon ako sakanya.
"Paano naman ako kakausap sa batang babaeng kahapon pa kulit ng kulit sakin eh hindi ko nga sya kilala" sabi nya kaya tumawa sya.
"Kaya ba hindi moko masyado sinasagot ,dahil di pa tayo magkilala?" tanong niya at tumawa naman sya.
"Alam para sa isang supladong katulad mo,ambabaw mo" sabay tawa
"Alam mo para sa isang batang katulad mo andami mong alam ,eh mukang matanda kana ata eh,bumalik kalang sa pagiging bata" sabi ko kaya tumayo sya.
"Oh ganito nalang magpapakilala ako at saka magpapakilala ka din?" sabi nya at inabot yung kamay nya.
"Ako nga pala si Claire Yasmin Faulkerson pero pwede mo rin akong tawaging Minmin" sabi nya kaya inabot ko din yung kamay ko.
"I'm Chase Jiro Cervantes,its up to you kung ano ang gusto mong itawag sakin,i don't care" pagpapakilala ko kaya napahawak sya sa baba nya na tila nag iisip at tumingin naman ito sakin na naka ngiti.
Mukang matanda na talaga to eh.
"Okay,dahil Min-min yung pangalan ko ,ang itatawag ko naman sayo ay Roro".
Min-min at Roro?
•••••••••
BINABASA MO ANG
Being His Babysitter
FanfictionSYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka-utos daig pa ang presidente ng pilipinas.Napaka-suplado akala mo sinong gwapo,well gwapo naman talag...