CHAPTER 2:Seatmeet
SOMEONE POV
Damn that girl,sa lahat ba naman ng matatapunan nya ng juice ay ako pa talaga.It's fucking monday morning but look at my uniform,it's all yellow.
She will pay for this.
Ngumisi ako ng nakakaloko dahil sa naiisip ko...
CLAIRE's POV
"Ahhh!! Ayoko na gusto ko ng mamatay!!!!!"Sabi ko habang nakaupo dito sa isang puno kasama si Kate
"Hoy tumigil ka nga,dimo naman ikakamatay yun--
"Hindi mo alam kung gaano kasama ang tingin nya sa akin kanina na para bang ilang segundo ay babaliin na nya yung kamay ko dahil sa higpit ng pagkakapit at yung mga tingin nya"
"Haist ewan ko ba kasi sayo ba't mo ko iniwan dun sa classroom ayan tuloy na-warningan pa ako,siguro karma mo na yun.Dasurv!!"at pumalakpak pa.
"Eh kasalanan ko bang,natulog ka sa classroom kanina?"
"Ah so kasalanan ko pa talaga?"
"Oo,alangan namang ako diba?"
"Edi bahala ka!"Sabi nya at naglakad papalayo.
"Kate naman eh!"tumayo ako para sana habulin sya.
"Saan ka pupunta?"
Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko sya na naka tayo sa di kalayuan at may kasama syang dalawa pa.
Naglakad sya papalapit sa kinatatayuan ko habang di inaalis ang tingin diretso sa mata ko
"ANONG KAILANGAN NYO HA?"sigaw ko habang umaatras dahil palapit sila ng palapit sakin..
"Ha!Wag mo nga akong pinagloloko,nakalimutan mo atang may ginawa ka sa uniform ko"
"Ha! Ano namang big deal dun eh uniform lang yun at kaya mo naman atang bilhan ang sarili mo dahil mayaman ka naman ata" matapang na sabi ko kaya napatawa sya
"Hmm?Oo maaring hindi yun big deal sa kanila pero ibahin mo ko,dahil lahat ng gamit ko ay akin lang" huminto sya ng isang dipa.
"Masyado ka naman atang possessive sa mga bagay bagay na inaakala mong sayo"diko alam kong saan ko napupulot yang mga salita na binibitawan ko pero parang naging effective naman ata dahil mukang nainis sya sa sinabi ko.
"Dahil kung kailangan"unti unting inilapit nya ang kanyang muka' sa mukha ko at nag salita.
"Gagawin ko"dugtong nya na ikinatigil ko dahil parang sinasakal ako at di makahinga sa lapit ng kanyang muka' sakin.
What's happening to me?
"Paano pag ayaw ko?"matigas na tanong ko pero di pa din tumitingin sa mga mata nya
"Hmm?"sabay hawak sa baba nya na tila nagiisip.
"Sige,papayag ako malaya kana."tila nawala lahat ng tumutusok sa buong pagkatao ko nang marinig ko ang sinabi nya.
SKIE POV
Napa angat ang ulo namin sa sinabi ni Chase dyan kay Ms.Unlucky girl dahil sa lahat ng kanyang pinagtri-tripan ay ngayon lang namin sya narinig na sumuko sa isang babae.
Ibang klase (. ❛ ᴗ ❛.)
"Talaga?" Tanong ulit ni Ms.Unlucky at tila nag niningning pa ang mga mata
"Oo nga."
"Wahhhh~~ Thank You"
T-talaga ba?
"Opps..."sambit nitong katabi kong si Zach na ngayong natatawa na nakatingin sa dalawang nagyayakapan.
"A-ah e-eh babye"kumaripas na ng takbo si ms.Unlucky dahil sa nagawa nya..
Humarap sa amin si Chase na may ngiti sa labi at parang iniisip yung naging reaksyon ni Ms.Unlucky nung napayakap sya kay Chase na dati ay walang nagtatangkang gawin yun sa kanya at tanging si Ms.Unlucky lang ang nakagawa nun
Iba ka talaga Ms.Unlucky 。◕‿◕。
"Uh-oh skie may nararamdaman ka bang matinding enerhiya na nang gagaling sa harap natin?"asar ni Zach na parang tangang may kunwaring may hinahanap.
Iniwan na namin sya ron ni Chase na hanggang ngayon ay nakangiti parin.Imbis na sabayan ko sya sa mga pinag gagawa nya eh,mas minabuti ko ng iwan sya dahil mahirap na baka mabaliw ako .
Sayang yung ka-gwapuhan ko.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang classroom namin.Kami ni Zach ay nasa Section B habang sina Chase at Alexies ay nasa Section A.
Lalagpasan ko na sana yung section A ng mapansin kong nandun si Ms.Unlucky at may kasama syang babae at naguusap sila.
Di kaya ay magka-klase sina Ms.Unlucky , chase at Alexies?
Tsk.tsk.tsk.
Linagpasan ko na ang section A at dumiretso sa kabilang classroom where is classroom namin .
CLAIRE'S POV
Hindi ako tintantanan ng tanong babaeng to ng sabihin ko sa kanya ang sinabi ni mr.mayabang sakin
Pero wait Hindi ko pa pala Alam ang pangalan nun at saan kaya syang room napasok?
Habang nag uusap kami ni Kate dito sa classroom ay biglang pumasok yung teacher namin na may dalang logbook kaya bumalik na kami sa kani-kaniya naming upuan.
"Okay everyone,nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko kanina"
Tumikhim muna sya "I'm your professor in English and Math. I'm Matthew Lopez .Nice to meet you all"
"And wait may classmate kayong bago dito sa Senior High,actually kilala nyo na sya kung dito kayo nag aral last year"saka lumingon sa may pinto kaya napatingin kami dun,may iilang nag sisitilian at bulungan pero dahil last row nga ako ay di ako maka-relate habang nagsasalita si sir ay kinuha ko ang notebook ko at ballpen pero aksidente ko itong nahulog kaya napadungaw ako ng magsalita ulit si sir Matt.
"Okay everyone let's welcome this two handsome man . Mr. Chase Jiro Cervantes & Mr. Alexies Vernon Quijada" narinig kong nagpalakpakan yung mga classmate at mas lumakas pa ang tilian kaya napagpasyahan kong itaas yung ulo para makita yung classmates ko.
Shit.Totoo ba itong nakikita kong classmates ko tong mga lalaking to?
At ang malala pa ay yung bakanteng upuan kanina ay magiging okupado na dahil sa kanilang dalawa.
Oh my I'm doomed.
Infinite's Kim Myungsoo as ALEXIES VERNON QUIJADA
BINABASA MO ANG
Being His Babysitter
أدب الهواةSYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka-utos daig pa ang presidente ng pilipinas.Napaka-suplado akala mo sinong gwapo,well gwapo naman talag...