Chapter 12:Her Duty

185 29 1
                                    

BEING HIS BABYSITTER
CHAPTER 12

Claire POV

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!" sabay kaming napatili dahil sa nakikita namin ngayon,sya nakahubad at ako naka short lang

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero kumunot lang yung noo nya

"Ha? Syempre bahay ko to,eh ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Syempre katulo----ANO BAHAY MO TO?" halos malunok ko na lahat ang laway ko dahil ibig ba sabihin nito ay sya yung mababysit ko

Dyos ko naman po sa lahat ba naman ng bahay na pwedeng pag trabahuan ko ba't sa kanila pa?

"Hoy" pinitik nya yung noo ko kaya nahawakan ko.

"ANO BA" sigaw ko

"Masyado ka nang nawiwili sa nakikita mo" nakangiti nyang sabi kaya dali-dali ko syang sinarhan ng pinto,kanina pa pala ako nakatingin sa abs nya.

"Haha ano ba Claire wag kanang mahiya humarap kana tutal tayo lang dalawa dito." dagdag pa nya at kinatok ako

"ALEXIES sinasabi ko sa'yo masusuntok talaga kita sa sikmura"rinig ko naman ang pagtawa nya.

'wait totoo ba yun? tumawa yung unggoy na yun?

Binuksan ko ang pinto sa pag-aakalang wala na sya ron pero nagkakamali ako, nandon parin sya.

*Boooggssshh*

Itinulak ko na sya bago nya pa ako marape.

Aba malay ko bang rapist pala yung gagong yun?

Narinig ko pa syang tumatawa kaya huminto ako at saka humarap mula sa pinto.

"Manyak ka talaga Alexies!" sabi ko at saka tumakbo papuntang baba.

"Oh Claire ija bat ka tumatakbo ano ba ang nangyari?" tanong ni ate Esther nang maka salubong ko sya.

"May nakita po kase akong manyak sa taas!" sabi ko habang hinihingal pa.

"Ha? Papaanong makakapasok yung manyak na sinasabi mo kung bantay-sarado tayo dito?" sabi nya at inilapag yung mga bedsheet sa sofa na dala nya kanina.

"Paaano po kung sabihin ko na yung alaga nyo mismo yung ang manyak?"

"Ha? Si Alexies ba yung tinutukoy mo?" tanong nya kaya tumango ako.

"Haha nagkita na pala kayo?" natatawa nyang sabi at napansin kong tumingin sya sa bandang likod ko kaya humarap ako kung saan sya nakatingin.

Here he is😒.....

Pababa na sya ng hagdan na naka school uniform.

HALA!!!! ANONG ORAS NA BA????

"Wala ka bang planong------" diko na sya pinatapos pa dahil tumakbo na ko paakyat.

"Teka!" huminto ako kaya napahinto din sya.

"Kumain kana?" tanong ko kaya ngumiti sya.

Ano bang masaya sa sinabi ko?

"Are you worried on me right now huh?" tanong nya kaya napa taas yung kilay ko.

"Masyado ka atang mahangin,baka nakakalimutan mong BABYSITTER mo ako dito at no way,di ako mag-aalala sayu,ang assuming mo" diin na sabi ko at inirapan sya.

Wala akong paki-alam kung young master pa sya dito basta ang sabi ng mom nya patinuin ko raw ang anak nya at yun ang gagawin ko.

"Hep hep hep akala ko ba papasok na kayo at ikaw Alexies kumain ka na ba?" biglang singit ni manang Este.

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon