Chapter 58:Text Message

90 10 0
                                    

Chapter 58: Text Message

Kanina pa kami naka-upo sa sofa ng bahay namin simula nung maka uwi kami galing paaralan,simula mangyari ang gulo ayaw na ako bitawan ni Alexies para syang tangang nakatitig lang sakin at maya maya ay i che-check yung muka ko kung may pasa ba o wala.

"Alexies naman,wag ka ngang tumitig nakakailang kaya at ilang ulit ko bang sasabihin sayo na okay na nga ako" at akmang tatayo nang hawakan nya yung balikat ko at ipina upo ulit.

"Eh kase naman bat kaba kase di nalang sumabay sakin?" naiinis na sabi nya.

"Eh pano ako sasabay sayo eh hindi ka nga pumasok sa last subject natin"

"Edi sana kay Kate kana lang oh di kaya kina Zach at skie?" sabay kamot ng batok nya.

Napatitig ako sa kanya ng sandali bago mapangiti at napatingin sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

"Oh? Anong ningingiti-ngiti mo dyan?" nagtaas ng kilay na sabi nya.

Ayan na naman tayo sa feminine side nya na kala mo may mens na naman.

"Ang kyutt mo" natatawang sabi ko na agad namang ikina pula ng tenga nya kaya mas lalo akong natawa,agad naman syang tumayo saka tumalikod at pumuntang kusina.

"Naku claire,wag mo kong madaan-madaan sa ganyan ha galit pa ako sayo." At nagsimulang kumuha ng mga gulay,ewan ko ba pero naka gawian na nya tong pumunta sa kusina pag ganito mood nya,yung kinikilig pero dapat galit parin.

HAHAHA

"Love?" medyo seducing na boses ko na lalong ikina-iwas nya ng tingin at nag seryusong naghiwa ng carrots.

Tingnan ko lang kong dika bibitaw.

Tumahimik muna ako mg sandali at hinintay yung pag-angat nya ng muka nya para makita ako at di nga ako ng kamali,agad akong nag aegyo sa harap nya na mas lalong ikina tungo nya at nagpipigil ngumiti.Alam kong nakakahiya to pero wala eh nag eenjoy akong tene-tease sya.

"Yah!" tawag nya sakin kaya nag pakkyutt akong lumingon

"Yes?"😚

"Aishhh!!!"

Ewan ko ba kong ginagaya nya yung mga korean pag nagmumura sila o sadyang alam nya talaga to at gawain nya na.

"Alam mo alexies,ang kyutt mo talaga pagnagmumura ka ng korean,di halatang nag mura ka." sabi ko at saka lumapit sa kanya.

"Uhmm,okay i'm sorry dahil di ako sumabay sa kanila,wala naman kaseng may alam na gagawin yun ni Victoria sakin pero still i'm sorry" at saka huminga ng malalim akma sana akong tatalikod para hugasan yung mga plato na nag kalat nang hinawakan nya yung kamay ko at saka sya yumakap sakin.Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib nya at mga mabibigat na hininga.

"Di ko alam kong bakit pa kita pinagalitan ng ganito eh dapat nga ako yung humingi ng sorry dahil unang-una di ako pumasok sa last sub. pangalawa di kita agad na protektahan kay tory at huli pinagalitan kita kahit ako yung may kasalanan kaya i'm sorry love" at mas lalo nya akong hinigpitang yakapin tama lang para makahinga pa ako.

"Wow ,sandali lang nga kaming nawala para pumunta sa bahay-bahay namin ay ganito na yung eksena pano pa kaya kung nagtagal pa kami baka may mas intense pa na mangyayari,gaya ng---"

"Sige ituloy mo di talaga ako magdadalawang isip na ibato to sayong kutsilyo na mas makinis pa kesa sa lovelife mo" bigla kong naalala bigla ang pagdating nila chase,Zach at skie.Dito nga pala sila matutulog dahil baka daw isa-isahin kaming lusubin ng tauhan ng mom ni kate and speaking of which san na pala yung babaeng yun sabi nya dito narin daw muna sya pero syempre tatakas sya sa mom nya.

Alam na nya ang lahat pero di na sya nagulat sa mga nalaman nya tungkol sa mom nya dahil dati pa daw nya nakikita yung mom nya na may kausap sa phone tungkol sa mga weird na mga ginagawa ng mom nya maliban dun ay ganun nalang ang gulat nya nung nalaman nya na ang real parents ko ang may ari ng BHU at yung dukomentong sinasabi nilang sinunog ay tungkol sa Real owner ng BHU ,sinunog yun dahil para wala ng ebidensya na mapupunta sa isa samin ni Erina ang magmamay ari but sad to say saka lang yun mangyayari pag buo pa yung papel.

"Zach,nag text ba sayo si Kate? Wla bang UD?" Tawag ko kay zach habang may hawak akong baso.

"Nag text sya kanina mga 10 o 15 mins. ago" habang may nilalagay syang karne sa freezer.

"Oh anong sabi?"

"Sabi nya O T W na daw pero ano yun" nakakunot na noo ni zach nung lingunin ko sya kaya bahagya akong natawa maski si Chase na nasa tabi,sya kase yung nag huhugas while ako yung nag aarange.

"HAHA On The Way ibig sabihin nun" agad naman akong napalingon kay alexies nang unti-unting paglakas ng paghiwa nya na tumatama sa pinapatungan ng hinihiwa nya.

(*Sorry guys ha diko alam ano name nun sa tagalog eh)

"Mukang may nag seselos ah" bulong ni chase sakin kaya na tawa ako.

"tss hayaan mo na nag iisip bata na naman yan." at sabay na nailing kami ni chase at nag patuloy sa ginagawa.

Bigla akong napatingin sa bulsa ng short ko ng may biglang may nag vibrate kaya kinapa ko agad yung phone ko.

*Text message from bespren

"Oh nag text na si kate oh" sabi ko kaya agad namang napalingon sila sa kinaroroonan ko.

"Oh talaga? Ano sabi? Sabihin mo sa kanya dalian nya,gabi na oh gutom na ako diba sabay tayo kakain"agad namang binatukan ni zach si skie dahil sa sinabi neto

"Kakakain mo palang gutom ka na agad? Kita mo ngang nag luluto pa oh,alam mo puro ka kain di ka naman tumataba at pinabilisan mo pa ah eh pano kung madisgrasya---"

"Basahin mo na wag mo na silang pansinin" agad na naagaw ni chase yung atensyon ko mula sa dalawa nang bahagya nya akong tapikin sa likod habang si Alexies naman ay naka-abang ngunit masama parin yung tingin samin kaya wala na akong nagawa kundi buksan yung message.

Huh??

"😟🤫🙊😭🙏"

A-anong ibig sabihin neto?"

•••••••••

🎶"Youre gonna say more,more,more,more,more &more"🎶

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon