Chapter 31:Ipinaubaya

120 15 2
                                    

Chapter 31:Ipinaubaya

Chase POV

Agad kong nahila si Claire papalabas ng hideout dahil tila bumigat bigla yung damdamin nya.

Its hurts when i'm seeing you hurting.

"S-saan moko dadalhin,diba may kukunin lang ako?" agad akong napalingon kay claire ng magsalita sya.

"Don't worry about your watch i already keep it ,nasa drawer ko lang yun kaya no one can touch it" sabi ko at hinawakan yung balikat nya na syang ikina tango naman nya.

Umupo kami sa Gilid ng soccer field kaya bumuga naman sya ng malalim na paghinga.

"Okay kalang ba?" tanong ko pero deretso lang syang nakatingin.

"A-ah oo b-bakit mo naman n-naitanong?" sabi nya at ngumiti.

"Well i can see in your eyes that your lying " agad syang lumingon sakin na naka ngiti.

"Tss.. Bakit manghuhula ka ba?" pilit nyang pinapagaan yung saril nya sa pag tawa.

"No pero base on your eyes reaction kanina,alam ko" sabi ko pero niyakap nya lang yung tuhod nya at pinag laruan yung damo na nasa harapan nya.

"May itatanong sana ako chase,pero w-wag mo sanang gawan ng malisya to" sabi nya na ikinatango ko.

"S-sino b-ba yung babae kanina?" di makatinging tanong nya sakin.

"She's Cindy Vergara,ang babaeng minahal ni Alexies noon pero iniwan nya rin ito.Actually marami ng beses ginawa yun ni cindy kay alexies pero itong si Tanga di marunong magalit at di naawa sa sarili nya ,nag paka martyr at patuloy paring tinatanggap ang babaeng sinasaktan sya ng  paulit-ulit.Ako,skie at si zach ay ayaw talaga sa kanya .Minsan nga naisipan naming ipa kidnap sya para mawala na sya sa paningin namin but damn alexies is so inlove with her,pinaghahanap nya si Cindy at kahit nahihirapan na sya ay pinagpapatuloy nya parin yun and one of the worst thing that alexies did ay pinag walang bahala lang nya yung mga bagay na nakikita nya,we saw cindy and one of her senior kissing at nung nilapitan at tinanong namin sabi nya yung lalaki  daw yung unang humalik sa kanya ,kaya ayun parang ang lumabas naeksena ay nambastos yung lalaki kay cindy pero
wala lang rin kay alexies yung nangyari..Nakakatawa ngang isipin na inisip naming ginayuma ni cindy si alexies kaya ayun yung nangyayari sa kanya."

"Kahit kelan ba di naisipang kumawala ni Alexies kay Cindy?" tanong nya na naka harap na sa akin ngayon.

"Matagal muna bago nangyari yung sinabi mo at dun niya nakilala si Victoria,dati si victoria ay isang famous sa school sa ganda ba naman nya ,eh sino bang tanga ang di papatol dun eh model na nga mayaman pa.Tanging si Victoria lang ang nakapagpangiti kay alexies nun sa matagal nitong pagmumukmok sa dilim."

"For short SI VICTORIA ANG NAKAPAGBAGO SA ICE MAN NA YUN, hays ewan ko ba kung anong nangyayari  ngayo----"

"CLAIRE ILAG" agad ko syang naitulak dahil sa paparating na bola kasabay ng katawan ko kaya  nadaganan ko sya .

Sana ako nalang claire

Sana ako nalang para dika nasasaktan

Sana ako nalang para dika nagkakaganyan

Sana ako nalang.

Halos di ko maikurap yung mata ko habang nakatitig sa mata nya,feeling ko maya't maya ay mahahalikan ko na sya ng wala sa oras.

"Uhm,Chase pwede kanang umalis,kanina pa sila nakatitig oh" agad akong napatayo sa kahihiyan dahil marami na palang estudyanteng nakatitig samin.

"A-ah eh miss o-okay kalang ba?" tanong nung isang soccer player at saka tinulungan syang makatayo pero inagaw ko yung kamay ni claire.

"Ah,oo okay lang ako naitulak naman a-ako ni chase eh" sabi ni claire saka tumingin sakin na syang ikina iwas ko ng tingin.

Argh.....This is so embarrasing...

"Sorry talaga miss ah, tara balik na tayo" sabi nung soccer player at bumalik sa field.

"Uhm,umalis na muna kaya tayo dito?" suhesyon ko kaya awkward namang  tumango si claire.

"Uhm ,papasok ka ba sa next subject natin?" napalingon ako ng magsalita sya kaya napa isip ako.

"Hmmm... di na muna siguro tinatamad ako eh,sa HO nalang muna ako,ikaw?" sabi ko habang palakad lakad..

"Ah kailangan kung pumasok eh,may hinahabol akong subject eh"

"Ah ganun ba kita kits nalang ulit ,ingat ka ha pipili ka pa saming dalawa..." bulong ko pero di nya yata ako narinig.

"Ha? Ano? Di kita marinig!"

"Haha sabi ko ingat ka baka madapa ka kakahabol sa subject mo.." pagpatuloy ko kaya natawa sya at saka kumaway.

Malayo pa ako ng makita kong papalabas si Alexies ng H.O kaya akala ko kaming tatlo lang yung matitira dahil nag text yung dalawang mokong kanina na di din daw sila papasok.

Pagpasok ko ng H.O agad na nagsalubong yung tingin namin ni cindy.

"Hi.Chase cake" bati sakin ni cindy pero iniwas ko yung mata ko at naglakad papuntang sofa.

"Ba't ka nandito sa H.O namin at pwede ba wag mo kong tatawagin ng ganun baka kahit kakauwi mo palang papaliparin na kita agad pauwi sa inyo." pamimilosopo ko at ini- on ang tv.

"Ay grabe ka naman,malaki ka na nga" sabi nya at ginulo yung buhok ko kaya marahas kong inalis yung kamay nya.

"A-arayy" pag iinarte nya at sakto namang dumating yung tangang prince charming nya.

"Uy anong nangyayari dito,babe ano to?"

Tss. Babe pala ha. An'landi.

"Ito kaseng kapatid mo eh inaaway ako ,tinulak ba naman ako" agad akong napangisi sa inis dahil sa sinasabi nitong mukang tabla ang katawan.

"Alam mo cindy pwede kanang maging author sa wattpad.....ang galing mong gumawa ng storya eh" agad na pambabara ni zach at tumawa pa.

"Pwede ba tigilan nyo nang pang babara kay cindy ,kelan ba kayo titino"

"Ikaw kelan ka gigising sa paging tanga."

"Skie,masyado kanang bastos"

"Hoy jiro totoo ba yung sinasabi ni cindy ha?" panguwelyo ni Alexies sakin.

"Oo,sabihin nalang natin na totoo yung sinasabi nya dahil mukang kawawa naman sya eh,dahil kahit anong sabihin ko di ka maniniwala at MAS PIPILIIN MO PANG MANIWALA SA MANLOLOKONG BABAENG YAN KESA SA AMING MGA TUNAY NA KAIBIGAN MO" sigaw ko sa muka nya kaya agad nya akong sinuntok na ikinatumba ko.

"Pwede ba Jiro ,kayong lahat tumigil na kayo wala kayong alam kung anong pinagdaanan ko nung mawala sya sakin kaya wag kayong humusga kung ano yung desisyon ko sa buhay" sabi nya at akmang hihilahin papalabas si cindy ng H.O

"Paano si Claire?" agad syang napatigil ng itanong ko yun.

"Bahala ka na sa kanya" at tuluyan na nga nilang nilisan yung lugar.

Tanga ka nga Alexies.

ISANG MALAKING TANGA

----------

Pagpasensyahan nyo na po
yung wrong english grammar
di po kase ako marunong mag english kaya kayo nalang bahala..

TY ULIT DWIZZIERS🍃

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon