Chapter 57: Miserable Life

83 6 0
                                    

Chapter 57:Miserable Life

Unti- unti kong iminulat yung mga mata ko nang maramdaman kong tumatama yung sikat ng araw sa mga mata ko,tumagilid ako para makabangon at ilang segundong pumikit,nahawakan ko yung ulo ko dahil sa sakit.

Arghh~~Hang-over...

Teka parang iba ata yung paligid?

Naimulat ko ulit yung mata ko nang bigla kong naisip yung nangyari kagabi,inilibot ko yung mata ko at napagtanto ko na nasa isang hotel ako.Agad kong inabot yung yung papel na may katabing baso ng tubig at isang gamot para ata sa hang-over.

Hey,dito kita dinala dahil diko alam yung bahay mo.Inumin mo yung gamot na binili ko at wag ka nang mag-alala walang nangyari satin.

Agad kong nasilip yung ibaba ko at ganun nalang yung pasalamat ko nang wala ni isa sa damit ko ang nabago maliban sa suot kong jacket na puti.

Di naman ako nag suot ng jacket ah..

Agad kong kinapa yung bulsa ko baka sakaling nandun pa yung phone ko pero wala akong naramdaman,tiningna ko yung katabing mesa ko at nandun nga.Dali-dali ko yung inabot at nagbabakasaling may nag text o missed call man lang pero yung inaasahan ko ay napunta lang din sa wala.

Agad na napatungo ako habang hawak-hawak ko yung phone.Ito yung dahilan kong bakit ako nagkakaganito,bakit andami kong estudyanteng na bully dahil gusto ko lang naman ng atensyon na kahit kelan ay di binigay sakin ng pamilya ko.Simula nung namatay si mom at nag asawa ulit yung dad ko wala nang tamang nangyari sa buhay ko.Si dad na palaging mali ko yung nakikita nya,palagi nya akong pini-pressure sa lahat,mula sa paging top 1 sa klase hanggang sa pag tra-training bilang magaling na Heiress ng pamilya namin, bussiness minded si dad kaya wala syang time para maging mabuting ama sakin,yung step mom ko ay mabait sakin at sa tingin ko nga ay sinusubukan nyang tapatan yung pag mamahal ng mama ko sakin pero wala eh.Minsan nga naisipan ni dad na ilagay ako sa arrange mirrage sa anak ng kilalang bussiness parner nya pero luckyly to my side dahil yung poging gusto ng parents ko sakin ay pogi din ang hanap kaya ayun di natuloy ang arrange mirrage na yun.

Diko napigilang maluha habang iniisip ang mga pinagdaanan ko.
Being VICTORIA DEL VALLE is not easy,god knows kung anong pag hihirap ko bago ko narating pagiging ako but still in the eyes of my father mananatiling low class parin ako,mostly nasa mga kaibigan ako natutulog ,mga kaibigang tinraydor ako.Lalo na siguro kung anak-labas ako.Alam ko namang pera lang ang habol nila pero no choice sila lang yung taong masasabi kong KAIBIGAN kahit di tunay.Money equals to Loyalty parang ganun.
Saklap no? Akala mo sobrang perfect ng buhay ko ,oo perfect nga ,what a PERFECT MESS.
Pero kahit kelan diko naisipang maglayas tho nag rerebelde ako minsan at buti narin at di nila ako dini-disown bilang anak.

Haysss.....Ang hirap maging Del Valle,nakakasakal.

Agad kong pinunasan yung pisngi ko at agad na tumayo papuntang cr kailangan kong linisin yung sarili para pag uwi saka na ako mag iisip ng explanation kong nasa cab na ako kahit alam kong di nila ako pakikinggan. Di ako pakikinggan ng  PERFECTIONIST kong DAD.

Halos buong klase akong tulala at iniisip yung nangyari,buti na nga't di na ako tinanong pa ni dad at di na nangulit yung step mom ko.

"Okay class thats all for today,i hope that you learn something new today. CLASS DISMISS"

Nagtayuan na kami para umuwi at dali-daling lumabas nang makita ko  si claire na papalabas din ng classroom nila at mag isa kaya agad ko syang nilapitan..

"Claire" tawag ko at syang pag lingon nya ay agad ko syang sinampal ng pagka lakas lakas na umagaw ng atensyon ng mga estudyante na nag lalakad at naka tambay.Agad naman nyang nasapo yung pisngi nya na namumula parin .

Being His Babysitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon