#FITTL | Chapter 1
“Beh, anong oras tayo uuwi mamaya?” tanong ni Sunshine habang nag-aayos ng gamit.
Saglit ko siyang tinapunan ng tingin, “Alas-onse?” suhestiyon ko.
“Anong oras na ba?”
“Alas-nueve.”
“Sige, ayos na 'yon.” kinuha na niya ang mga gamit niya at lumapit sa'kin. “Hindi ka pa tapos?”
Tipid akong umiling, “Ilan nalang itong i-stapler ko, wait lang.” walang lingon-lingong sambit ko.
Balak kasi naming magliwaliw muna sa malapit na bar bago umuwi. Magkatabi lang naman ang apartment namin nitong si Shine kaya araw-araw ay sabay kami sa pagpasok at pag-uwi.
Habang hindi pa ako tapos sa trabaho ay dinadaldal niya ako, naputol lang iyon ng maayos ko na ang mga papeles na ini-stapler ko at maisalansan iyon sa isang lalagyan.
Bukas ay kukunin rin ito ni Lily.
“Tara na.” anunsyo ko bago kunin ang bag ko sa ibabaw ng lamesa.
Sa King's Bar kami pumunta, dito naman kasi talaga kami madalas nitong si Shine. Kahit pag nagkayayaan ang buong batch namin ay dito rin, malawak kasi dito at maraming gwapo.
Hunter kami nitong si Sunshine eh, manunugis ng mga fafabols. Mabuti nga at nakapag-move-on na ang loka sa dimunyitong si Eian, kundi ay mag-isa akong lalabas o hindi kaya ay diretso uwi ako.
Umukupa kami ng isang table, si Shine ay panay na ang ngisi habang iginagala ang mga mata sa paligid. Halo-halong kulay ng ilaw ang dumadaan sa paningin ko at napakalakas ng music ang pumapailanlang sa pandinig ko.
This is it! Party na.
“Awra lang ako, ghorl.” paalam ni Shine, hindi pa man ako nakakasagot ay naglaho na ito sa paningin ko. Humalo na siya sa dagat ng mga taong wild kung makasayaw sa dance floor.
Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko habang iginagala ang paningin, naghahanap ako ng foreigner.
Nang may mamataan sa 'di kalayuan ay tumayo na ako, nakaupo ito sa isang Leather sofa na pa-L shape, ang alam ko'y may mga pera ang umuukupa sa mga ganyan.
Anyway, hayun at nag-iisa siya.
Kinikilig na agad ako hindi pa man siya nadadaitan o nakakausap, inayos ko ang damit at buhok ko.
Naka-uniporme pa ako ng pang-opisina pero hot naman akong tingnan, may puwit at boobs ako, may kurba din ang katawan ko kaya paniguradong papansinin ako nito.
Inayos ko ang lalamunan ko, dapat ay hindi ako pumiyok kapag kinausap ko na ito.
Nang malapit na ako sa puwesto niya ay halos manginig ako sa kilig, napalingon siya sa gawi ko!
Ngingiti palang ako ng may biglang humarang sa harapan ko, mabilis din na lumingkis ang matigas na braso nito sa baiwang ko, bagay na ikinagulat ko.
“Hi, sugar?” anas nito sa puno ng tainga ko.
Akma akong hihiwalay pero mas hinigit niya lang ako padikit sa katawan niya. “A-ano ba?” inis na angil ko at sinubukan siyang itulak sa dibdib, pero bigo ako.
“It's been fucking weeks,” mapungay ang mga matang aniya ng tunguhin niya ako. Naamoy ko rin sa hininga niya ang pinagsamang amoy ng mamahaling alak at mint.
Napalunok ako. Walang duda, si Hestian nga ito. Hindi niya parin ba nakakalimutan yung nangyari sa pagitan namin? Dalawang linggo na ang nakakalipas ah?
“N-nag-sorry na ako 'diba? Hindi ko naman alam eh.” sabi ko rito at tumingin sa paligid, may mahingian man lang sana ng tulong. Pero wala, lahat ay busy sa kani-kanilang gawain.
Binitiwan niya lang ang baiwang ko para hilahin sa kung saan, dinala niya ako sa isang U-shape leather sofa sa dulo ng bar, dito ay hindi ganoon kalakas ang music. Hindi rin nadadaanan ng ilaw, parang sinadya para sa mga katulad nitong hudas na may hawak sa braso ko.
Pabagsak siyang umupo sa sofa at sumandal, hinila niya ako para maupo sa kandungan niya ngunit nagmatigas ako. Sa huli ay marahas niyang pinisil ang isa sa binti ko, sanhi para manlambot ito. Bumagsak ako sa kandungan ni Lucifer.
“Siraulo ka ba? May boyfriend ako, baka makita niya 'to!” pagsisinungaling ko, ang totoo niyan ay kahihiwalay ko lang four months ago.
Ngumisi siya, mukhang may tama na ito. “I don't fucking care. You hurt me first, remember?” nakataas ang isang kilay na tanong nito. Nag-iwas ako ng tingin.
“Mukha namang ayos ka na.” usal ko.
“Tch. No one can fucking hurt me, woman. So now, you have to pay me back.” aniya at sinimulan akong halikan sa leeg, umiwas ako.
“Magkano ba ang pa-medical mo huh?”
“I am not accepting your fucking money, sugar.” bulong nito at muli akong hinalikan sa leeg, sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakapalag lalo na ng gumapang ang isang kamay nito sa kaselanan ko.
Mahina akong napaungol at napahawak sa braso niya.
“Your place or mine?” bulong nito bago magaang kagatin ang balat sa leeg ko.
Hindi ako nakasagot.
“I guess it's a 'none of the choices'.” aniya sa pananahimik ko. Nagulat ako ng itayo niya ako, tumayo rin siya at malalaki ang hakbang na hinila ako palabas ng Bar. Namalayan ko nalang na nasa loob na ako ng sasakyan niya.
Doon lang ako natauhan. Nanlalaki ang matang nilingon ko siya, “T-teka, sandali!” tili ko.
“What!?”
“Hindi pa ako ready..” mahinang sambit ko, napapatungo.
Wala pa akong experience at hanggang MOMOL lang. 'Yun nga rin ang dahilan kung bakit ako hinihiwalayan ng mga nagiging jowa ko, hindi ko daw sila pinapa-isa.
Narinig ko ang mahinang tawa nito bago buhayin ang makina ng sasakyan. Nang magtaas ako ng paningin dito ay nahuli ko itong nakatingin sa malaya kong hita, malagkit ang pagkakatitig nito.
“Don't worry, I'll be gentle.” kindat niya at pinaharurot na ang sasakyan.
Nasapo ko ang mukha ko. Alam ko ang susunod na mangyayari kaya kinakabahan ako.
Sa kanya ko na ibibigay?
Isang kasapi ng kadiliman ang makaka-una sa'kin?
Totoo na ba 'to?
Hindi naman kasi ako talo, panalo pa nga kung tutuusin. Pero paano kung may mabuo kami? Paano kung mabuntis niya ako?
I-request ko kayang sa labas niya i-putok?
Tama, magre-request ako.
| itsmezucky
![](https://img.wattpad.com/cover/210051667-288-k701456.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
General Fiction- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky