Chapter 22

10.3K 189 2
                                    

#FITTL | Chapter 22


Hindi ko ata kaya.

Mag-iisang linggo na kaming hiwalay ni Hestian pero parang hindi ko na kaya. Lagi ko siyang ini-stalk sa mga social media accounts niya para lang maki-balita sa nangyayari sa kanya sa bawat araw.

Mabuti pa siya wala lang sa kanya ang paghihiwalay namin. Pero sa'kin? Para na akong masisiraan ng bait!

Sa tuwing mapapatitig ako sa mga pictures niya'y agad na nagtatalo ang puso at utak ko, sinasabi ng puso't katawan ko na magmakaawa sa kanya na bumalik na siya sa'kin, pero ang utak ko'y sumisigaw na huwag akong magpaka-tanga. Na huwag akong malandi at mag-move on nalang.

Pero paano ako makakapag-move on? Paano ko magagawa 'yun kung araw-araw ko siyang nakikita?

Oo, araw-araw ko siyang nakikita dahil nitong isang araw lang ay napag-alaman kong girlfriend niya na si Candice, yung bago kong officemate. Ang sakit sa puso kasi muntik na kaming maging close ng babaing 'yon, pero nang malaman niyang ex ako ni Hestian ay siya na ang lumayo sa'kin.

Kaasar lang dahil parang ako pa ang dapat mahiya. Like, duh? Nauna ako kaysa sa kanya.

Isa pa 'tong si Sunshine na parang iniiwasan ako. Sa tuwing kakatok ako sa apartment niya, hindi niya ako pinagbubuksan. Sa office naman ay nagpapanggap siyang hindi niya ako nakikita sa tuwing magkakasalubong kami.

Mas lalo tuloy akong nalungkot, mas malungkot pa sa naging buhay ko noong nasa puder pa ako ng Ama ko. Doon kasi ay nakakausap ko pa ang ilang body guards namin, kahit ang ilang katulong ay nakakausap ko rin kapag wala sila Papa at Kuya.

Bored na inihagis ko sa passenger seat ang bag ko bago buhayin ang makina ng kotse ko. Saka nga pala, ako na ulit ang gumagamit nitong sasakyan ko. Isang umaga ay nakita ko nalang ang susi nito na nakasabi sa doorknob ng pinto ko. Malamang na si Sunshine ang naglagay no'n doon.

Hindi man lang nag-abalang ibalik sa'kin ng personal..

Nagmaneho ako hanggang sa firm at nagpark sa parking lot, bago lumabas ay huminga muna ako ng malalim bago mariing pumikit.

Bitbit ang bag ko'y naglakad na ako palabas ng parking at papunta sa entrance, saglit kong sinilip ang oras sa relo ko.

6:30

Saktong pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko sa peripheral vision ko ang isang puting sportscar, pumarada ito hindi kalayuan sa'kin. Tuluyan ko na itong nilingon habang patuloy parin sa paglalakad, nagbukas ang pinto sa driver side nito at lumabas nga roon ang taong ilang araw ng naglalaro sa isipan ko.

Si Hestian, naka-shades pa ito habang nakabaling sa direksyon ko ang mukha. Napalunok ako, gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa lalo na ng bahagya itong ngumiti. Mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Siguro'y inihatid niya si Candice.

“Goodmorning.”

Nangunot ang noo ko ng may humarang sa harapan ko, nang medyo tingalain ko ito'y nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Eren.

“E-eren..” pilit akong ngumiti at bahagya ring napaatras. “Goodmorning din.” bati ko pabalik, mahina akong napasinghap ng bigla ako nitong akbayan at isabay sa paglalakad niya.

“He's looking..” bulong niya, alam kong si Hestian ang tinutukoy niya. “By the way, hindi ko na ata nakikita si Sunny-bitch.” tukoy niya kay Sunshine, iyon ang tawag niya kay Shine noong college.

Bahagya akong napatungo, “Hindi niya nga ako pinapansin eh..” ani ko, mahina kong tinapik ang braso niyang naka-akbay sa'kin ng marating na namin ang entrance. “Pero try mong i-text siya.” suhestiyon ko.

Inalis na niya ang braso niya sa balikat ko at tipid na tinanguan ang guard na nagbabantay, “Hindi niya na nga rin ako tinetext, it feels new. Wala ng nangungulit sa'kin.” kibit balikat niya.

Naiiling na nagpaalam na akong papasok sa loob, pero bago iyon ay saglit ko pang nilingon ang kaninang pwesto ni Hestian. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang naroon parin ito at ngayon nga ay nakasandig na sa sasakyan niya habang seryosong nakatingin sa direksyon ko, ngunit segundo lang din ay binuksan na nito ang pinto ng sasakyan niya bago iyon pinaharurot paalis.

Si Candice? Akala ko ba'y inihatid niya si Candice?

Kunot noong mabilis akong napalakad papasok sa elevator at pinindot ang button sa floor namin, o baka nagbago ang isip niya at ibabahay niya nalang si gaga?

Gagawa silang milagro?

Pipilayin niya sa kama si Candice?

Ano?

Bakit hindi bumaba si Candice mula sa kotse niya?

Nasaan ang babaeng 'yon?

Saktong pagbukas ng elevator ay siyang pagbungad sa'kin ng gagang hinahanap ko. Si Candice.

Ngunit mas nagulat ako ng makita kung sinong kasama nito, ang masaya nitong ka-kwentuhan habang nag-aabang ng elevator.

“Shine..” mahinang bulong ko.

Saglit lang akong tinapunan ng tingin nito bago sila magkasunod na pumasok dito sa loob ng elevator, bago pa man magsara ang pinto ng elevator ay lumabas na ako. Hindi ko na sila nilingon pa habang gulong-gulo ang isip na naglakad papunta sa desk ko.

So, gano'n? May bago ng beshy si Sunshine? Hindi na ako?

Mahigpit kong nakuyom ang mga palad ko. Nag-flash sa utak ko ang maamong mukha ni Candice, mukha siyang mabait pero mang-aagaw siya. Una, si Hestian. Tapos ngayon, si Sunshine?

Atsaka teka, kung ganoon ay narito na si Candice? Eh bakit nasa baba si Hestian kanina? Ah, baka pinapababa niya si Candice. Tapos itong si Candice pababa palang ngayon.

Hindi ko maiwasang hindi matawa, nakaalis na si Hestian eh. Wala na siyang makikita sa baba kundi yung guard, sana doon nalang siya magpa-cute at wag na kay Hestian. Tapos ang kaibiganin niya ay yung paso sa baba, huwag ang best friend ko.

Parang mababaliw na nasapo ko ang ulo ko, ngayon ko napag-isipang mabuti na wala akong kahit ano bukod sa sarili ko. Sarili ko na ngayon ay napapabayaan ko pa. Wala akong pamilya dahil iniwan ko sila, wala rin akong kamag-anak dito, si Sunshine lang ang best friend ko. Siya lang ang alam kong nand'yan lagi para sa'kin.

Pero bakit niya 'ko iniiwasan? May nagawa ba akong mali? May problema ba siya sa'kin?

“Miss Sky, para sa'yo..”

Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa taong nasa gilid ng table ko ngayon. “Edward..” pilit ang ngiting sambit ko, may inilahad itong kulay pulang kahon sa'kin.

“Para sa'yo.” nangingiting aniya.

Tinanggap ko ang kahon, hula ko'y chocolate ang laman nito. Nakatanggap na rin kasi ako ng ganito noon sa mga dati kong manliligaw. “Salamat. Pero para saan 'to?”

Napahawak siya sa batok at namumulang napaiwas ng tingin, “Uhm, sobra kasi yung nabili kong chocolate kahapon.. So..” unti-unting gumapang ang pamumula sa mukha niya. “S-so naisip kong sa'yo nalang 'yan..”

Habang pinapanood ang pagbabago ng expression niya sa mukha'y nangingiti ako, tama nga ang una kong impresyon sa kanya, mahiyain siya at inosente.

Matamis akong ngumiti, “Maraming salamat.”

“U-u-uhm.” tarantang tango niya bago madaling umalis. Sa pag-alis ni Edward ay lumitaw sa paningin ko ang dalawang taong ngayon ay nakamata sa direksyon.

Si Sunshine na agad na nag-iwas ng tingin habang si Candice ay hindi ko malinaw na matukoy ang ekspresyon sa mukha.

Para siyang galit..

Hindi.

Hindi, dahil ganiyan ang mukha ng mga naiinggit.



| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon