Chapter 27

10.1K 193 4
                                    

#FITTL | Chapter 27


“Uh-huh.” irap niya sa hangin at iginiwang pa ang buhok na may katulad na istilo ng sa akin. Maging ang sukat nito ay parehong-pareho ng buhok ko, ang pinagkaiba nga lang ay wavy ang sa'kin ngayon, yung kanya ay tuwid parin dahil hindi updated.

“Bakit?” mahinang bulong ko at tinitigan siya sa mata, doon ko lang din napansin na may suot itong contact lense. Kulay asul iyon, hindi ko napansin kanina dahil nahaharangan ng suot niyang kahel na hoodie ang liwanag na nagmumula sa ilaw nitong parking lot. Tuluyan ko lang iyong nakita ng hubarin niya ang suot na hood at ipagyabang sa'kin ang mga bagay na kopya niya lang din naman sa'kin.

Walang originality, pwe!

“Anong bakit? Nakipag-break lang naman sa'kin ang boyfriend ko para balikan ka! Alam mo bang pinaghirapan kong makuha 'yon?” gigil niyang sambit at pinagduldulan sa harapan ko ang hawak na baril, napapapikit na lamang ako sa takot na baka pumutok iyon.

Kinalma ko ang sarili, “Sino ka ba talaga? At bakit bigla ka nalang sumulpot d'yan at ginagaya ako? Fan ba kita ha?”

Puno ng sarkasmo itong tumawa pagk'wan ay sumeryoso din, “Tumigil ka. Hindi kita ginagaya at mas lalong hindi mo ako fan, ew!” anito.

Mukhang hindi ko naman siya mapapaamin na ginagaya niya nga ako, at saka hindi na kailangang itanong 'yun dahil kung titingnan ngayon ay halata namang gawain niya ang maging copycat.

Dahan-dahan kong sinubukan tumayo, ngunit ng ituon ko ang paa ko'y bahagya iyong nanakit.

“You know what? I really, really hate you. Kung hindi mo ako matandaan, pwes napaka-tanga mo.” bahaw itong tumawa at umayos ng tayo, “It's Candice Anjat, bitch. Ang girlfriend ni Leon bago ka pa dumating sa university namin, at bago mo pa siya landiin at agawin sa'kin noon!”

Gulat ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa, si Leon ay ang una kong naging boyfriend. Sabi-sabi nga noon na may girlfriend pa siya bago niya pa ako ligawan pero hindi ko iyon pinaniwalaan dahil humanga na rin agad ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagka-usap sa'kin na hindi ko naman kinasanayan.

Matalas ang matang tiningnan ako nito, “Months after ng break-up niyo namatay siya–– Ah no, may pumatay sa kanya. Do you know that feeling? Na yung taong mahal ko, pinaraya ko na kahit mahal ko pa, tapos malalaman ko mamatay lang din sa kamay ng taong ginusto niya?” pagak itong natawa. “Babawi ako, sis.” ngisi niya at straight na tinutok sa mukha ko ang dulo ng baril na hawak niya.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.. Hindi ko siya pinatay kung 'yun ang inaakala mo.” mahinang sambit ko at pinakiramdaman ang paa ko, susubukan kong tumakbo.

“Tsk. Alam kong may kinalaman ka do'n, manahimik ka.”

“Maraming CCTV dito, mapatay mo man ako makukulong ka parin––”

“I don't care. Wala akong pakielaman kahit makulong ako, ang mahalaga ay mapatay kita!” singhal niya, pansin ko ang panginginig ng kamay niya. Tingin ko ay wala naman sa loob niya ang pumatay ng tao.

“Pag-usapan natin 'to––”

“No! Wala ng dapat pag-usapan! Patay na ang lalaking mahal ko, patay na ang itinuring kong buhay ko! At lahat 'yon ay dahil sa'yo, ipinapatay mo siya kaya dapat ka na ring mamatay!” inalis niya ang pagkaka-safe ng baril at puno ng hinanakit akong tiningnan, “Para kay Leon..” bulong niya pa, napapikit nalang ako ng masigurong ipuputok na nga niya iyon.

Kung maibabalik ko lang ang mga nangyari na ay mas pipiliin ko nalang ang lumayo, na manatiling walang kaibigan ng panahong 'yon, masyado kasi akong nadala ng damdamin ko noon, uhaw ako sa atensyon ng mga tao kaya ng dumating si Leon sa buhay ko'y naisip ko rin ang maging makasarili, ginusto ko siya para sa sarili ko. Bagay na mali pala, hindi ko alam na may nasasaktan na ako.

“Go back inside, he's looking for you.”

Mabilis kong naidilat ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, malamig at puno ng awtoridad.

“K-kuya..” mahinang bulong ko, nang tingnan ko si Candice ay walang malay na itong nakahandusay sa lapag. “Anong nangyari sa kanya..”

“She's still alive, no worries.” aniya at nagsindi ng sigarilyo. “Cai is going insane looking for you,” bugang usok niya at blangko akong tiningnan.

Nanubig ang mga mata ko at pilit na tumayo, iika-ika akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “I'm sorry..” puno ng sinseridad na hingi ko ng tawad, nang humiwalay ako sa kanya ay saglit ko pa siyang tiningnan bago nilampasan.

My brother will always be my savior, lagi siyang nand'yan para sa'kin. Alam ko 'yon pero ayoko sa way niya ng pag-protekta sa'kin. Dinudungisan niya ang mga kamay niya.

“I know what this woman up to, and yeah, it's me.” pagtukoy niya kay Candice, hindi na ako nagulat ng malamang siya ang pumatay kay Leon. “He made you cry, anyway.” dagdag pa niya, nasa hagdan na ako ng muli ko siyang lingunin.

“Kamusta na siya?” malungkot na tanong ko, ang tinutukoy ko ay ang ama namin.

“He's mad and still looking for you.” sagot niya, napatungo ako. “But don't worry, you have napier beside you. He'll be your ace card.” hindi na ako sumagot at naglakad na pabalik.

Kung ganoon ay pino-protektahan ako ng kapatid ko laban sa ama namin mula noong umalis ako, tingin ko ay naiintindihan niya ang dahilan ko.




...



“Tell me the truth, we're have you been?” seryoso ang mukha ni Hestian ng mabungaran ko siya bago pa man ako makapasok sa hall. “Comfort room is out in your possible reasons, pinuntahan ko iyon kanina at wala ka do'n.”

Bumuga ako ng hangin, “Naligaw ako.” pagsisinungaling ko, ipinakita ko rin sa kanya ang ilang sugat ko. “Natalapid pa ako at nasubsob sa sahig kaya natagalan ako.” ani ko pa.

Pumantay siya sa binti ko at sinuri ang sugat ko, “Does it hurt?”

“Medyo lang. Natapilok nga rin ako..” parang batang pagsusumbong ko sa kanya. Umayos siya ng tayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“I told you, sasamahan na kita.” kunot noong usal niya, nang lumipat ang paningin nito sa bandang likuran ko ay sumeryoso ang mukha niya. Mabilis tuloy akong napalingon sa tinitingnan niya, sa kaninang pinanggalingan ko ay nakapamulsang naglalakad si Van, ang kapatid ko.

Poker face rin itong nakatingin sa'min hanggang sa tuluyan na itong makabalik sa loob ng hall.

Nang magbalik ako ng paningin kay Hestian ay nasa akin na pala ang atensyon nito. Ang abo niyang mga mata ay naniningkit na nakatingin sa'kin.

“You didn't talk to him, did you?”

Tipid akong natawa, “Lahat nalang pinagselosan mo.”



| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon