Chapter 29

10.3K 180 4
                                    

#FITTL | Chapter 29


“Does it mean your working under your father's dirty business too?” seryosong tanong niya habang nagmamaneho, kanina ay nagkaroon ng importanteng tawag si Van kaya naiwan kaming dalawa na sa huli ay nagdesisyon nalang na umuwi.

Umiling ako. “'Diba nga umalis ako sa poder niya? Matagal na 'kong walang connection sa pamilya ko.” sagot ko, hindi na rin ako umimik ng tahakin niya ang daan papunta sa bahay niya imbis na sa apartment ko.

Kalma lang, galit 'yan.

Sa higpit ng pagkakapit niya sa manibela ay nasabi kong galit siya, kahit pa kalmado ang boses niya'y hindi naitago ng mga maririin niyang kilos na may konting galit pa siya.

“Wala kang balak sabihin sa'kin? All of these fucking things?” pagkasabi niyon ay tikom ng muli ang bibig niya, tila sinasala rin niya ang mga salitang sasabihin niya.

Napaisip rin ako kung may balak nga ba ako? Hindi ko rin kasi napag-isipan iyon since wala na akong balak na ipagsabi kaninoman ang pinanggalingan ko. Ewan, pero ikinahihiya ko ang pamilyang pinanggalingan ko. Masyadong madumi.

Hindi nalang ako sumagot, nanatili akong tahimik at nakatungo lang. Siya naman ay marahas na nagbuga ng hangin.

“You know what? Let's stop this.” aniya na mabilis na nakapagpalingon sa'kin.

“A-ano?” mahinang usal ko, makikipaghiwalay na naman ba siya? Maghihiwalay na naman ba kami?

“I said, let's stop this.” pag-uulit niya, saktong itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay niya ay inalis niya ang suot na seat belt at hinarap ako. “Let's end this and just fucking marry me.”

Umawang ang bibig ko, maang lang akong nakatingin sa kaniya. Pagk'wan ay muli siyang nagsalita habang inaalis ang suot kong seat belt.

“Back in the party, when I misinterpreted you and your brother whispering to each other, I've got this urge to kill him right there, right in front of you. Pero naisip ko rin na kaibigan ko siya, but fuck, who cares about that fucking friendship if I am going to lose you?” anas niya at magaang hinaplos ang pisngi ko. “I don't know when this feeling starts to grow, and I hate how this feeling makes me selfish.”

“Hestian..”

“I tried to go back, sinubukan kong gawin yung mga gawain ko dati. Partying then pick up some girls, but all of that just bores the fuck out of me. And then there you are, isang punta lang sa bahay ko at ligang-liga na 'ko. You energize me, every part of me. Fuck.” napabuga siya ng hangin.

Nakatitig lang ako sa kanya.

“You're looking at me now. I'm saying gay shit, it's not my thing but see, I'm doing all these now for the sake of love. Yeah, that fucking thing. I know I'm inlove. I thought I'm just after you because my body wants you. Because you satisfied me in bed, but no. Maisip ko lang na may kasama kang ibang lalaki bukod sa'kin halos ipatumba ko na agad, even that Mr. Nice Guy. I once meet him to personally punch his face.”

Kung gano'n ay sinaktan niya si Edward? Pero wala namang alam ang isang 'yon, kawawa naman..

Taimtim niya akong tiningnan, “So are you willing to waste your whole life being with me? Will you marry me, Skyline?”

Tipid akong natawa, “Tama ka nga. Itigil na natin 'to.”

“Is that a yes?”

Tumango ako, “Pakakasalan kita.” yes, pakakasalan ko siya hindi dahil sinabi ng kapatid ko, hindi rin para sa kaligtasan ko, kundi dahil mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama ng higit pa sa isang araw o taon, gusto kong makita kung paano tumanda ang isang hudyo.






...




Suot ang isang napaka gandang singsing ay naupo ako sa gilid ng kama niya, kinailangan pa kasi naming pumasok sa kwarto ni Hestian dahil dito niya naiwan ang singsing na binili niya kasabay ng kwintas na ibinigay niya sa'kin kaninang umaga.

Yung necklace, nakalimutan kong suotin 'yon dahil sa pagmamadali ko kanina.

Tiningnan ko si Hestian na kasalukuyang nagpapalit ng damit, kanina pa daw kasi siya naiinitan sa suot niya. Nakatalikod ito sa direksyon ko at kitang-kita ko ang pag-flex ng mga muscle nito mula sa braso hanggang sa likod niya. Nagsusuot kasi siya ng sando.

“Don't you want to change your dress?” nakataas ang isang kilay na nilingon ako nito, napakurap naman ako at mabilis na napatango. Basta nalang siyang humugot ng isang white shirt at inihagis sa'kin.

Nang masalo ko iyon ay tumayo ako, “Pahiram na rin ng boxer..”

Nakangisi niya akong nilingon, “No need, later I will just take that off.”

Inirapan ko siya, “Alam mo? Napaka manyak mo.”

Tumatawa siyang nilapitan ako at niyapos, “What.” anas niya sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat ko roon.

“Tigilan mo 'yan, magpapalit na 'ko.”

“I'll help you.” aniya at bahagyang humiwalay, hindi niya na hinintay ang pagpayag ko at agad ng ibinaba ang zipper ng dress na suot ko mula sa likuran. Sinalo ko nalang ang harapan nito upang hindi tuluyang malaglag sa sahig.

Mariin nalang akong napapikit ng maliliit nitong taniman ng halik ang lantad ko ng likuran, ang isang kamay rin nito ay nakahawak sa baiwang ko habang ang isa pa'y marahang hinihimas ang isang binti ko pataas at papasok sa ilalim ng dress ko.

“Hestian.” suway ko sa kanya, “Kapag 'yan 'di mo tinigilan, uuwi ako sa apartment ko.” pananakot ko, gumana naman dahil mabilis pa sa alas-quatro na nawala sa katawan ko ang mga kamay niya.

“I'm just trying to seduce you.”

“Seduce mo mukha mo.”

“Fine, fine. I'll go order food so we can eat already, god, I'm starving.” usal niya at himas ang batok na lumabas ng kwarto. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang umbok sa harapan ng shorts nito bago pa man nito tuluyang maisara ang pinto.

Naiiling nalang ako, ang isang iyon talaga napaka-lakas ng libido sa katawan. Malamang na kung hindi ko pa siya sinuway ay kung saan na mauuwi ang ginagawa niyang iyon.

Doon na rin ako nagpalit ng damit, umabot iyon hanggang sa itaas ng kalahati ng binti ko kaya kinailangan kong maghanap ng boxer shorts. Yung hudyo na 'yun pa? Baka kapag nakita niya ako sa ganitong lagay ay hindi na iyon makapagpigil pa. Mabuti na yung safe.

Nang matapos sa pagpapalit ay lumabas na rin ako, naabutan ko siyang nagpupumindot sa remote sa harapan ng TV.

“Anong ginagawa mo?” takang tanong ko.

“Let's watch.” lingon niya sa'kin.

Tumango ako, “Movie marathon, sige.”

“I have many porn DVDs here, so yeah.” malawak ang ngiting aniya.



| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon