#FITTL | Chapter 10
Kinabukasan ay ang nakangising mukha agad ni Sunshine ang bumungad sa'kin pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto.
“Nandito si Cai kanina madaling araw, tama ba?” agad na tanong nito at binigyan ako ng mapanuksong tingin.
“Wala.” pagsisinungaling ko, nagkanda-haba naman ang nguso nito.
“Sus, wag mo ng itanggi. Alam ko beh!” natatawang aniya, nanlaki ang mga mata ko.
“Ikaw ang nagbigay ng Address ko ano?” akusa ko, malaki ang ngiting tinanguan niya ako. “Ano ba naman, Shine! Napaka-pahamak mo namang lukaret ka!” banas na dagdag ko.
“Eh nagmakaawa siya, gurl eh. Ang sabi pa kapag hindi ko daw binigay ang address mo, liligawan niya daw ako.” anito at pabebeng inipit ang buhok papunta sa likuran ng tenga.
Nginiwian ko siya, “Umagang-umaga pag-aalmusalin mo 'ko ng biro.” sabi ko at ini-lock na ang pinto ng apartment ko, nauna na akong maglakad sa kanya pababa ng building.
“'Di ka naman mabiro, beh.” tawa niya sa likuran ko at pilit na sumabay sa malalaki kong hakbang. “Nga pala, mamaya kapag inaya ka ulit ni Eren na mag-lunch, isama mo na ako ah? Kapag hindi siya pumayag, huwag ka ng sumama.” labi niya at nilingon ako.
“Kung bakit naman kasi hindi kayo magkasundo.” komento ko.
“Crush kasi ako ng isang 'yon, na-busted ko nung college at hanggang ngayon nga ay hindi parin matanggap na hanggang friends lang kami. Ayun, nagalit.”
Naka-ismid ko siyang tiningnan, “Shine, magkakasama tayo nung college, third to fourth year college to be exact, at wala akong maalalang ganyang pangyayari.”
Mahina ako nitong hinampas, “Fine, aamin na 'ko.” hingang malalim nito bago tumigil at humarap sa'kin. “Beh, si Eren yung kinukwento ko sa'yong crush na crush ko mula pa noon.” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko, “Akala ko ba si Eian––”
“Second lang si Papi Eian. Si Eren talaga yung nang-friend zone sa'kin, ang sabi niya ikaw daw ang gusto niya at hindi ako, syempre na-hurt ako kaya nagpaka-suicidal ako..” pag-amin niya.
Naguguluhang kinunot ko ang noo ko.
“You know, I have so many crush gurl. Si Eren ang pinakang-crush ko, then si Eian kapag hindi ko nakikita si Eren, ang the rest kapag hindi ko nakikita yung dalawa.” sambit nito at ibinalandra sa harapan ko ang mga daliri.
Hinawi ko siya. “Ewan ko sa'yo.”
Pero kung gano'n ay kailangan ko na ngang limitahan ang pagsama kay Eren, ayoko na kasing maulit pa ang ginawa ni Shine noon na paglalaslas sa sarili niyang pulso.
Ayoko ng masaktan pa ang kaibigan ko.
Nang dumating nga ang lunch ay nagtext sa'kin si Eren, nag-aayang lumabas na agad kong tinanggihan. Ang sabi ko ay kasabay ko ang mga ka-office mate ko at hindi ako nakatanggi dahil minsanan lang naman.
Tinanong nalang nito kung ano pa ang mga gagawin ko, sinabi ko naman na 'nights out with Shine' para hindi na siya magtanong pa.
“Beh!” tili ni Shine at dali-dali akong nilapitan, kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit dahil magl-lunch na nga kami.
Nagtatakang tiningnan ko lang siya.
“Si Oppa Cai, he's outside mygahd!” parang sinisilihan ang puwit na aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Please, huwag mong sabihin sa'kin na ikaw din ang nagturo nitong firm na pinagt-trabahuhan natin.”
Muli ay mahina niya akong hinampas, “Nagmakaawa ulit, beh eh.”
Inis na napabuga ako ng hangin, “Sunshine, kung paulit-ulit na magmamakaawa ang damuho na 'yun sa'yo at patuloy ka ring magpapauto, ako ang mayayari. Mabuti sana kung ikaw ang ginagambala, pero hindi eh. Ako.” gusot ang mukhang lintanya ko.
“Ok, sorry. Hindi na mauulit.” naka-labing aniya.
Walang salitang tinungo ko ang labas ng firm, agad ko naman siyang nakita dahil halos lahat ng atensyon ay nakuha na niya. Poging-pogi sa sarili ang hudyo habang nakasandal sa asul niyang Sportscar.
Nang makita ako ay cool ako nitong nginitian at kinawayan, “Hi there, my vanilla ice cream!” anito, naglabasan ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin dahil sa malaki niyang ngiti.
Mga ka-office mate ko ang kinilig sa sinabi niya, habang ako'y nandito at halos lumubog na sa kahihiyan dahil sa pagtawag niya sa'kin ng 'vanilla ice cream'.
“Ay, ang sweet.”
“Ang unique ng endearment nila.”
“Sabi na jowakels ni Ateng Sky 'yan eh, siya lang naman kasi ang nakaka-magnet ng mga naliligaw na wafu dito.”
Naiiling nalang ako sa mga naririnig ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa direksyon ni Hestian, at kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang na kanina pa tigok 'tong hudyo na 'to.
“Ano bang ginagawa mo ditong bwisit ka.” mahinang sita ko sa kanya ng tuluyan na akong makalapit sa puwesto niya.
“I'm visiting you.” ngiti niya at umayos ng tayo, ang isa niyang kamay ay dumapo sa baiwang ko para mas lalo akong hilahin palapit sa katawan niya.
“Bwisit ka talaga.” gigil na usal ko.
“I know.” ngisi niya at tumungo para magaan akong halikan sa labi. “Let's eat lunch together.” hindi patanong kundi isang utos na dagdag niya, bahagya rin nitong pinisil ang baiwang ko na hawak niya.
“Hindi puwede, kasabay ko ang boyfriend ko––”
“Enough with your imaginary boyfriend, let's go.” aniya at iginiya na ako papasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi na ako nakatanggi ng maisara na niya ang pinto at maka-ikot papunta sa driver's seat.
“Kasabay ko si Shine sa lunch.” lingon ko sa kanya na ngayon ay binubuhay na ang makina ng sasakyan.
“She can handle herself,” sagot niya. “And one more thing. I, my fucking self, is your boyfriend now. Not that imaginary one, or any fucking who.”
“Hindi naman ako pumayag ah.”
“Meaning to say? You don't like me to be your boyfriend?” seryosong tanong niya at saglit lang akong tinapunan ng tingin, hindi naman ako nakasagot.
Hindi naman kasi sa ayaw at hindi rin naman sa gusto, parang ayos lang na ewan. Ganito kasi ang gusto kong mangyari, okay lang na maging kami basta ba hindi na siya manggagalaw ng ibang babae.
Wait, ire-request ko sa kanya.
“Ok. Pero dapat hindi ka na maghanap pa ng iba.” sambit ko at hinintay ang sagot niya.
“Consider it done, vanilla.” bumalik ang ngiti sa labi niya.
“Good.” supil ang ngiting tango ko at tumingin nalang sa unahan.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
General Fiction- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky