#FITTL | Chapter 24
“Sandali, naguguluhan ako.” sa apartment ko dumeretso si Sunshine. “Hindi ba't magkasama kayo nung gabing pumunta tayo sa bar?”
Umiling ako. “Hindi kami magkasabay, nagtaxi ako no'n pauwi dahil nasa'yo yung susi ng kotse ko. At ikaw, hindi kita makita kahit saan kaya umuwi nalang ako.”
Ngumuso siya, “Sinabi ko noong magbabanyo lang ako, hindi mo ata narinig.”
Mahina akong natawa, hindi ko maitatangging masaya ako ngayon dahil ayos na kami. Akala ko talaga ay kakailanganin ko na siyang pakawalan.
“Pero ano yung sinabi mo kanina sa office about Hestian?” takang tanong niya.
“Ah, 'yon? Naisip ko kasi na kaya lang siya pinatulan ni Hestian ay dahil magkaparehas kami ng buhok, malay mo naman gusto ng hudyo na iyon ang buhok ko kaya pinatulan niya yung copycat na 'yun.” sagot ko.
Humalakhak siya, “Ang kapal ng feslak mo gorl, tingnan mo nga't hiniwalayan ka ng gagong 'yon. Pero in fairness, napapalakpak mo sila Lily.” hagikgik niya, si Lily kasi ay pikon rin sa Candice na 'yon kaya siya pa ang nanguna sa pagpalakpak after nung speech ko sa office.
Mahina ko siyang tinapik, “Bakit nga pala kasama mo 'yon noon?” nakataas ang isang kilay na tanong ko.
Muli siyang humagikgik, “Balak ko kasing inggitin ka, gorl. Alam ko iyong tingin mo kay Kandesal, eh. Tingin na gusto ng ibaon sa lupa ng buhay, hehe. Saka tutal lapit rin naman siya ng lapit sa'kin para magpatulong sa ilang walang kwentang bagay, edi ginamit ko na siya para sana inggitin ka. Mukha namang effective since inopen mo 'yun ngayon.”
Sinimangutan ko siya. “Alam mo bang muntik na kong magpaka-loner.”
Tumawa siya ng malakas, “Hindi bagay!” hiyaw niya, napangiti ako. Sinabi niya iyon without knowing na loner naman talaga ako dati.
“Nga pala, tulungan mo ako mamayang ibalik sa dati 'tong buhok ko. Bumili ako ng pang-tanggal ng kulay ng buhok kahapon eh, ako na mag-aadjust since mukhang walang balak na ipabago ng Kandesal na 'yun yung buhok niya.”
Biglang sumeryoso si Shine sanhi para kabahan ako, “Hindi mo ba naisip kung paanong nalaman ng tinapay na 'yun na gusto ko si Eren? By the way, siya rin ang nagpasa sa'kin nung picture. Para kasing kilala ka niya, tayo nila Eren..”
Oo nga ano? Pero hindi rin pwedeng gawing basehan 'yun since malagkit kung tumingin itong si Sunshine kay Eren, mabilis lang din malalaman ng kahit sino iyon.
“Atsaka ang dami-daming pwede niyang kagalitan, bakit ikaw pa?” takang tanong niya.
Tumango ako. “Siguro dahil ang cute ko?”
“Alam mo? Uuwi na ako sa apartment ko.” busangot niya bago tumayo bitbit ang bag niya.
Ako naman ang humagikgik, “Minsan nalang magsabi ng totoo eh..” pahabol ko pa bago siya lumabas ng pinto.
“Oo na! Babalik ako mamaya para tulungan ka d'yan sa mala-rapunzel mong buhok.”
...
“Hindi ka papasok?” tanong ni Shine kinaumagahan habang nakadungaw sa pintuan ng apartment ko.
Umiling ako. “Magreresign na ako.”
Nanlaki ang mga mata niya bago mabilis na pumasok sa loob. “Ano? Bakit?”
“Plano ko na 'yon kahapon pa. Besides, may ipon na ako.” kibit-balikat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/210051667-288-k701456.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Fiksi Umum- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky