Chapter 31

10K 164 3
                                    

#FITTL | Chapter 31

Kinaumagahan ay naisipan kong magluto, itlog at meatloaf na binili ko sa labas ang inihain ko sa hudyo. Ngiting-ngiti naman ito na tila ngayon nalang ulit nakakain ng matinong pagkain. Nagsalang rin ako ng bigas dahil tutal naman ay may stock siya.

"Thanks, sugar.." anito at parang timang na naiiyak pang sumubo, sinimangutan ko nalang siya at naupo sa katapat niyang lamesa.

"Maalala ko, ang sabi mo kagabi ay nalulong ka sa droga noong college ka. Bakit mo naman naisipang gumamit no'n at magpaloko sa kapatid ko? I mean, may problema ka ba noong panahong 'yon?" ani ko habang nagsasandok ng pagkain.

Kunot noong umiling siya, "I don't have. Besides, I'm just using that drug for sex, nawawala din ang epekto kinabukasan. I'm not into cocaine or marijuana so don't take that seriously.." sagot niya at natatawa akong tiningnan. "I'm planning to use that again, but this time, to you." dagdag pa niya at taas-baba ang dalawang kilay akong tiningnan.

Umasim ang kamay ko at mabilis siyang inabot para sabunutan, "Subukan mo at pipilayan kita."

"Please don't, vanilla.." biro nito kasunod ang paghalakhak. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Nga pala, uuwi ako mamaya sa apartment ko." paalam ko, agad naman itong tumango.

"I'm also going somewhere."

Nagtataka ko siyang tiningnan, "Saan naman ang punta mo? Sa bar?"

Umiling siya, "Nope. I'm just going to visit an old friend."

Napatango ako, baka iimbitahan niya sa kasal namin. Ako nga, uuwi mamaya para sabihin kay Sunshine na engaged na ko eh.



...


Nakaka-dalawang katok palang ako sa pintuan ng apartment ni Shine ay agad na itong bumukas, iniluwa nito ang bagong ligo at nakabihis ng si Shine. Papasok na ito sa trabaho.

"Gaga ka, hindi ka umuwi kagabi." sita niya sa'kin.

Malawak akong ngumiti at imbis na sagutin siya ay ipinakita ko nalang ang diamond ring na suot ko, agad namang nanlaki ang mga mata nito at kilig na kilig na nagtitili.

"Omo ka gorl, omo ka! Ikakasal ka na!" histerya niya at naiiyak akong niyakap. "I'm so happy for you. Sana huwag mo akong kakalimutan kahit kasal ka na at maraming anak, kahit nasa ibang bansa ka na huwag na huwag mo akong kalilimutan. Omo, naiiyak ako." dagdag pa niya at nagtatalon habang hawak ang kamay kong may suot na singsing.

Saglit niya pa iyong sinuri pagtapos ay kumikinang ang mga matang nagbalik sa'kin ng paningin, "Ang yaman talaga ng Hestian na 'yan! Nakakainggit!" aniya at kinurot ako sa tagiliran. "Huwag mo ng pakawalan 'yan kung gusto mo talaga ng magandang buhay!" aniya pa, alam niya kasi na 'yun ang gusto ko noon pa man. Muli niya akong niyakap ng mahigpit.

"Imbitado ka sa kasal." usal ko na sinabayan ko pa ng pagtaas ng dalawa kong kilay.

Umirap siya, "Aba'y kapag ba naman ako pa ang nakalimutan mong imbitahin sa kasal eh, talagang kakalbuhin kita."


...


Wala na akong sinayang na oras, pumasok lang ako sa apartment ko para maligo at magpalit ng damit. White shirt ang sinuot ko at itim na pants, rubber shoes naman sa pang-ibaba na pinarisan ko ng itim na cap.

Nang matapos ay mabilis kong hinablot ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng drawer, halos liparin ko ang daan pababa sa hagdan.

Pupuntahan ko siya, pupuntahan ko si Papá. Kahit may takot sa dibdib ko ay ipaglalaban ko ang gusto ko, ayokong mamuhay na may takot at pangamba sa dibdib. Pilit kong ipapaintindi sa kanya na hindi ang gusto niya para sa'kin ang gusto kong kalakihan, na wala siyang magagawa sa desisyon ko.

Dalawang oras at kalahati ng pagmamaneho ay narating ko na rin ang Villa namin, tulad ng dati ay mataas parin ang gate sa bukana nito, may matinik na kawad pa sa taas at ilang CCTV na nakatutok sa kinalalagyan ko ngayon.

Sunod-sunod akong bumusina, imbis na bumukas ang gate para ako'y makapasok ay tanging ang maliit na pintong nasa gilid lang nito ang bumukas. Lumabas ang isang armado't malaking lalaki para lapitan ang sasakyan ko, kinatok niya ang salamin ng sasakyan ko.

Hindi ko kilala ang bantay na ito, mukhang bago siya. Bumuga ako ng hangin bago ibaba ang salamin ng sasakyan ko.

"Private property ho ito, paki-ikot nalang ng sasakyan niyo." walang kangiti-ngiting anito.

Pilit akong ngumiti, "Si Don Halton ang pakay ko." pagbanggit ko sa ngalan ng ama ko, awtomatiko at mabilis naman itong lumayo para itutok sa'kin ang dalang mahabang baril.

"Walang inaasahang bisita ang Don." anito at ipinikit pa isang mata na tila sinasargo ang kung saan niya man ako balak patamaan.

Kalmado kong itinaas ang dalawa kong kamay, "Basta dalhin niyo lang ako sa kanya, wala akong kahit anong dalang armas. Kung gusto mo lalabas pa ako dito para matingnan mo itong loob ng sasakyan ko."

Saglit itong natigilan bago kinuha ang radyo na nakasuksok sa bewang. "Goji speaking, over." anito at kung ano-ano pa ang pinagsasabi bago tapikin ang hood ng kotse ko ang senyasan akong bumaba.

Saktong pagbaba ko ay siyang paglabas ng dalawa pang malaking tao mula sa maliit na pinto, ngunit ang isa sa dalawa ay agad kong nakilala.

"Itlog!" pagtawag ko sa palayaw nito, napapalakpak pa ako. Si Itlog ay isa sa dati kong body guard noon, ang laki ng itinanda nito ngunit tulad parin ng dati ay malaki ang sunog na katawan nito.

Nangunot ang puro pilat nitong mukha at napahawak pa sa dalang baril, muli ko tuloy na naitaas ang mga palad ko. Pinandilatan ko siya habang isinesenyas sa kanya na ako ito.

Kulang nalang ay uhugin ako rito sa sobrang tuwa ng tuluyan na nga niya akong maalala. "Lady Skyliner!"

Muli akong napapalakpak, 'yun ang tawag niya sa'kin.

"Kilala mo 'yan, Log?" tanong ng kasabay niya sa paglabas, tumango siya at sinenyasan ang mga kasama na ibaba ang baril.

"Siya ang bunsong anak ng Don, papasukin iyan!" puno ng awtoridad na aniya, lumawak ang ngiti ko at mabilis siyang sinugod ng yakap. Grabe, na-miss ko rin kahit papaano ang isang 'to na Itlog ang palayaw pero mukhang bacon.

"Paumanhin, Mi'lady." hinging tawad ng dalawa, sila na rin ang nagmaneho ng sasakyan ko papasok sa gate habang kinakausap ko pa si Itlog.

"Galit na galit ang Don, bakit ka pa bumalik?" puno ng pag-aalala ang mukhang anito. Halos kasing tangkad ko lamang ito.

"Aayusin ko lang ang nangyari sa pagitan namin, Itlog." malungkot na ani ko, "Kamusta ka na?" pag-iiba ko ng usapan. Nang makapasok sa loob ay tumambad sa'kin ang maraming kalalakihan na pulos mga armado. Parang tambayan ng mga gangster ang bukanang ito ng aming Villa.

"Walo sa personal na gwardiya mo ang pinapatay ng Don ng umalis ka. At muntik na rin akong mapasama sa walong iyon.." anito, nawala ang ngiti sa labi ko.

"Sorry, Log." bahagya akong tumungo.

"Naiintindihan ko." tapik nito sa balikat ko, sinenyasan niya akong magpatuloy na. Nang tingnan ko naman ang kahabaan ng daang aking tatahakin ay mas lalo akong kinabahan, sa dulo niyon ay tanaw ko na ang pulang bubong ng mansion ng Papá.



| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon