Chapter 4

17.2K 238 38
                                    

#FITTL | Chapter 4


“Sure ka dito tayo, beh?” tanong ni Shine habang lumilinga sa paligid. Tumango ako. “Eh wala naman atang gwapo dito, tingnan mo oh..” inginuso niya ang mga nag-iinom sa gilid. “Halos kasabayan na ng mga lolo natin 'yang mga yan. Matatanda na.”

Lumabi ako. “Eh saan tayo?” tanong ko.

Narito kasi kami sa Valkyrie, matanda pa sa'min 'to at sikat na sikat talaga sa mga matatanda. Noong 80's pa ata nakatayo ito.

Kumamot ito sa batok, “Basta ngayon lang 'to ah, bukas lipat na tayo sa iba.”

Tumango ako bago siya hinila papunta sa counter, magkatabi kaming naupo doon at sinenyasan ang bartender na bigyan kami ng alak.

Kung bakit lagi kaming nasa bar tuwing gabi ay dahil nakagawian na namin ito, sa bar kami nagkakilala at naglalabas ng sama ng loob, pati kulo sa loob. Lalandi kami sa mga nakikilala namin sa bar pero hindi naman kami sasamang lumabas, hanggang MOMOL lang talaga.

You know, Make Out Make Out Lang.

“Kadiri, beh, ang lagkit ng tingin sa'tin nung mga matanda doon oh.” simpleng turo niya sa table na malapit sa counter. “Pag bata pa at gwapo, hot sa paningin ko. Pero pag mga ganyang matanda na tapos lukot na ang balat, hotdog na. Yung hotdog na nahulog sa lupa.” ismid niya.

Mahina akong natawa. “Siraulo ka.”

“Gawd, siraulo na kung siraulo pero hindi ako papatol sa ganyan kahit maglabas pa sila ng 10 inch.” sa sinabi niya ay bigla kong naalala ang kuwan ni Hestian, ilang inch kaya 'yon? Na-pilay kasi ako ng tatlong araw eh, ibig sabihin lang no'n ay hindi biro ang alaga niyang anaconda.

“Pano pag 11 inch na?” tanong ko habang umiinom siya, naubo ito at paulit-ulit na hinampas ang dibdib.

Tumikhim siya, “May gano'n pa ba? Jusmiyo, saan nila isisiksik 'yon? Kasya pa ba sa brief nila 'yon?”

Muli akong natawa, lukaret talaga ang isang 'to. “Kasya 'yon pag boxer ang suot.” hagikgik ko.

Halos lumuwa ang mata niya, “So ibig sabihin, hindi na sila nagb-brief?” tanong niya, nagkibit-balikat lang ako. Saglit siyang natulala sa kawalan, nang lumipas ang ilang segundo ay gumagala na ang mata nito sa paligid.

“May hinahanap ka?” kunot noong tanong ko.

Nilingon niya 'ko, “Naghahanap ako ng 11 inch, beh. Wag kang istorbo.”

Nasapo ko nalang ang noo ko habang mahinang tumatawa.




...



“Ou, shine.” susuray-suray sa paglalakad na usal ko, “Ni-divirginize aku ng empaktung 'yun!” pagkukwento ko sa kanya ng nangyari sa'min ni Hestian, wala na ako sa tamang pag-iisip.

Umakbay siya sa'kin at susuray-suray ding naglakad. “Amba hehehe, buwti bohay ka pah!” hagikgik niya bago suminok.

“Chempre, lakas ata tuh..” sagot ko na parehas naming tinawanan. Hindi na namin alam kung nasaang lupalop kami, basta ang alam namin ay kusang gumagalaw ang mga paa namin para maglakad.

“Behh, nalindol oh..” bulalas niya ng siguro ay magdalawa ang paningin niya at bahagyang mahilo.

Tumawa ako na parang baliw. “Lindol namin nyi Heshtian 'yan..”

“Lakash ah..” komento niya.

Hagikgikan lang kami hanggang sa tumigil kami para ma-upo, andami kasi naming napag-kwentuhan kanina kaya naparami ang inom namin.

“Tulog akoh ditu..” pipikit-pikit ang mga matang aniya, dahan-dahan siyang humiga sa sahig at ginawang unan ang mga binti ko.

“Shige, tulog din aku..” inaantok na usal ko bago nakatulog, hindi ko alam kung nasaan kami, kung nasa gitna ba ng kalsada, ilog, o baka nasa baba lang kami ng bulkan.

Basta lashing kami.







***




“Later, cupcake.” malagkit ang pagkakatitig na sabi ko sa babaeng nakaupo ngayon sa passenger seat ng kotse ko.

“Hmm. I'm just touching you baby, is that a bad thing?” malanding tanong niya.

Ngumisi ako, “Nope. But there's a fucking chance na maaksidente tayo.” nagmamaneho kasi ako papunta sa hotel.

“Hmm. Ok..” kagat-labing sagot niya at inalis ang kamay sa ibabaw ng pants ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagmamaneho, it's really late at kakaunti nalang ang mga sasakyan kaya mabilis akong nakakapag-drive.

Saktong pagliko ko sa crossing ay may natapatan ang headlights ng sasakyan ko, dalawang babaeng natutulog sa tabi ng kalsada. Mukha silang matino kaya baka na-igupo lang ng kalasingan.

Naiiiling na lalampasan ko nalang sana ito ng mahagip ng mata ko ang isa sa babae, a very familiar one.

“Oh my gosh those girls..” puna ng kasama ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho habang inaalala kung saan ko nakita ang babaeng 'yon.

“Problem, baby?”

Nanlaki ang mata ko ng maalala kung saan ko ito nakita––three fucking days ago, the virgin one––Skyline!

Bigla kong natapakan ang break ng sasakyan ko, thank god at naka-seatbelt ako.

“Oh my jesus christ!” tili ng katabi ko at humampas sa dash board ang noo. Umawang ang bibig ko.

“Ow, I'm sorry.” hinging tawad ko at iginilid ang sasakyan ko. “I'm so sorry, cupcake. But you have to get your fucking ass out of my car, now.”

Inis niya 'kong nilingon, “What!? Why?”

“Just get the fuck out.” gusot ang mukhang tinanggal ko ang seatbelt ko, ako na mismo ang nagbukas ng pinto para itulak siya palabas.

“Oh gosh, you are so cruel! Asshole! Dickhead!!” nagsusumigaw siya do'n, I rolled my eyeballs at isinara na ang pinto ng sasakyan ko.

Nag-U turn ako at muling hinanap ang dalawang babaeng nakita ko kanina, mahina akong napamura ng makitang may tatlong kalalakihang pinagtutulungang buhatin ang dalawa papunta sa isang itim na sasakyan.

Itinigil ko ang sasakyan at mabilis na lumabas, “Hey, dicks!” tawag ko sa pansin nila at mabilis na sinuntok sa mukha ang lalaking may hawak kay Skyline. Ang dalawa pa ay binitawan ang isang babae para sumugod sa'kin.

Umamba ng suntok ang isa na agad kong sinipa sa tiyan, ang isa pa'y naglabas ng kutsilyo at sinugod ako ng saksak, inilagan ko iyon saka ko kinuha ang braso niya para pilipitin hanggang sa mabitawan niya ang balisong. Siniko ko ang mukha niya, napaatras naman siya at bumagsak sa sementadong sahig, hindi pa 'ko nakuntento at pinagsisipa pa siya sa tagiliran.

Nang makita sa peripheral vision ko ang nauna kong sinuntok ay papalapit na sa'kin ito ngayon, tinangka akong sipain pero hinawi ko lang ang paa niya at malakas siyang sinuntok sa leeg. Bumagsak itong walang malay sa lapag.

Hinihingal na nilingon ko si Skyline, nakapikit itong gumapang papunta sa puwesto ng lalaking nakatulog at ginawang unan ang balikat nito, muli ulit siyang natulog.

“Fuck it..” mahinang usal ko at parang unan na kinarga ito, dinala ko siya sa passenger seat ng sasakyan ko saka ko binalikan ang kasama niyang nakadipang natutulog sa tabi ng itim na sasakyan.

Binuhat ko ito at inihagis sa backseat.

“Hngg.. Heshtian..” mahinang usal ni Skyline at sumubsob sa pinto ng sasakyan ko, sa side niya.

Hindi makapaniwalang nailing ako habang tinitingnan silang dalawa ng kasama niya.



| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon