#FITTL | Chapter 14
“Hey, Sky!”
Napabuga nalang ako ng hangin, kahit anong bilis ng paglalakad ko ay nakita niya parin ako. I'm pertaining to Eren, na ngayon nga ay lakad-takbo ng papunta sa direksyon ko.
“H-hey!” pilit ang ngiting bati ko pabalik, saglit pa akong napatingin sa paligid dahil baka bumalik si Hestian.
“Sino 'yung naghatid sa'yo?” tukoy niya kay Hestian, nakita pala nito ang paglabas ko mula sa sasakyan ni Hestian. Araw-araw kasi ay hinahatid-sundo na ako ng hudyo.
“Ahm..” hindi naman sa ikinahihiya ko si Hestian, I mean walang dahilan para ikahiya ko siya–– aside sa mga sidechick niya na pinararausan niya sa kung saang lugar lang sila maabutan, bukod doon ay wala na. Inaamin ko na mabait siya, malakas lang talaga ang libido sa katawan. “'Yon..”
Pumaling ang ulo niya, tila inip sa sagot na makukuha sa'kin.
Napakamot ako sa pisngi. “Boyf––”
“Beh!” boses ni Sunshine, segundo lang at nakarating na agad ito sa gilid ko. “Ang aga mo! Hindi mo man lang ako isinabay..” nakalabing anito.
Nang bumalik ang paningin ko kay Eren ay gusot na ang mukha nito habang nakatingin sa bagong dating na si Shine.
“Oh, Eren. Hello!” kaway ni Sunshine kay Eren.
“Tsk.” sumenyas si Eren sa'kin na mauuna na siya, simpleng tango lang naman ang ginawa ko bilang sagot.
“Ang aga niyang mag-sungit.” komento ni Sunshine na pinapanood ang pag-alis ni Eren.
Napahinga nalang ako ng maluwag at naglakad na papasok sa firm. Mabuti nalang at dumating si Sunshine, ayoko parin kasing sabihin kay Eren ang patungkol kay Hestian. Alam kong masasaktan lang siya.
“Hinatid ka ulit ni Cai, ano?” pagsabay sa'kin ni Shine, tumango ako. “Ay, ang sweet.” tila kiti-kiti itong naglulumikot sa tabi ko.
“Para kang timang..” natatawang sambit ko.
“Gosh, gurl. Bagay kayo!” palo niya sa braso ko, “Kahit wala na akong kasabay everyday, basta happy ka. Gora lang!” tawa niya bago humiwalay sa'kin at naupo sa desk niya.
Sakto namang pag-upo ko sa desk ko ay siyang pag-vibrate ng cellphone ko, kinuha ko iyon at sinilip.
Text message galing kay Hestian.
Nakangiting binuksan ko iyon at binasa, “Family meeting later, can't fetch you. Sorry, Vanilla.” mahinang pagbasa ko sa mensahe na galing sa kanya, ang kaninang ngiti sa labi ko ay dahan-dahang nawala.
Parang bigla ay gusto ko ng matapos ang araw na 'to sa isiping hindi ko siya makikita mamaya.
“Sky, labas tayo ng team mamaya?” si Lily na nakasilip sa'kin mula sa kinauupuan niya, walang pagdadalawang-isip na tinanguan ko siya.
Tutal naman ay hindi ako susunduin ni Hestian at baka bukas na ulit kami magkita, sasama nalang ako sa gimik nila Lily.
Nang matapos ang office hours ay nagkanya-kanya kami nang uwi, magpapalit muna ng damit bago dumiretso sa King's bar.
“Wala si Fafa Cai?” takang tanong ni Shine, sabay na pagtaas-baba ng dalawa kong kilay ang isinagot ko sa kanya.
Napatango-tango nalang siya bago ilingkis sa braso ko ang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
General Fiction- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky