Chapter 16

12.4K 214 11
                                    

#FITTL | Chapter 16


Nabuhay ako sa pamilyang iniiwasan ng karamihan, kinatatakutan dahil sa illegal na trabaho ng aking magulang at kapatid.

Pagbebenta ng mga pinagbabawal na gamot at mga walang lisensyang armas.

Mula pagkabata ay hindi ko naramdaman kung paano ang maging malaya, bawat lakad at pupuntahan ko ay laging may nakasunod sa'kin, mga bayarang body guard na pulos mga nakabakod sa'kin para protektahan ako sa mga kalaban sa negosyo ni Papa, mga kalaban niya na kami na rin ang pinupuntirya.

Hindi ako naging malapit noon kaninoman, kahit ang pakikipag-kaibigan sa mga batang kasing edad ko ay hindi ko nagawa.

Hindi ko nagawa dahil lahat sila ay ilag sa akin, kinatatakutan nila ako kahit wala naman akong ginagawa para matakot sila. Titig ko palang ay pinagpapawisan na sila, ang paglapit ko ay siyang pag-iwas nila. Para akong nakapapasong apoy kung ituring nila, masakit dahil hindi naman ako katulad ng pamilya ko.

Hindi ako masamang tao, at mas lalong hindi ako pumapatay ng kapwa ko.

Edad disi-sais ng tumakas ako, lumayas ako sa poder ng ama ko at tumira sa malayo. Dala ang malaking halaga ng pera na alam kong barya lang sa bank account nila ay binuhay ko ang sarili ko, tinustusan ko ang pag-aaral ko at pagkain para sa araw-araw.

Nakilala ko noon ang una kong naging boyfriend, si Leon na siyang tumulong sa'kin para makapasok sa University. Siya ang gumawa ng paraan, lahat-lahat ay siya ang umasikaso habang ako naman ay naghahanap ng tutuluyan ko.

Isang taon lang ang itinagal ng relasyon namin ni Leon, masyado kasi siyang mature at isa pa'y hindi ko maibigay sa kanya ang hinihingi niya, iyon ay ang pagkababae ko. Masyado pa akong bata noon at walang alam sa mundong kinaroroonan niya, ang goal ko lang noon ay makapagtapos at mabuhay ng normal.

Iniyakan ko si Leon ng makipag-hiwalay siya sa'kin, siya kasi ang kauna-unahang tao na um-approach sa'kin noon ng walang takot. Lagi niya rin akong tinutulungan sa mga bagay na alam niyang hindi ko kayang gawin mag-isa. Nasanay akong lagi siyang nasa tabi ko noon.

Pero sadya talagang hindi kami para sa isa't-isa, hindi niya kayang mag-stay sa'kin at hintayin kung kailan ako magiging handa para ibigay ang hinihingi niya.

Sa sumunod pang taon ay doon ko lang nakilala sina Sunshine at Eren, naging ka-blockmates ko sila sa ilang subject. Lumipas ang ilang linggo at hindi na namin namalayan na magkakasama nalang kami.

Ngayong taon nga ay sinubukan ko muling makipag-relasyon, naging kami ng dating officemate kong si Neo. Ang kaso ay apat na buwan lang ang itinagal namin.

Masyado kasi siyang clingy, kapag magkasama kami at nakita niyang gamit ko ang cellphone ko ay pinaghihinalaan niya na agad akong may iba.

Sobrang bossy niya rin at lagi akong dinidiktahan oras-oras, bagay na sobra kong kinainisan. Ayokong inuutusan ako dahil naaalala ko lang ang pamilya ko.

Ngayon nga ay nahihinuha ko na ang pag-uugali ni Hestian, masyado siyang territorial at possessive, napakapala-away niya rin. Napapaisip tuloy ako kung hanggang kailan kami tatagal, kung aabutin ba kami ng buwan o taon?

Isa pang hindi ko maintindihan sa sarili ko ay kung bakit hindi ako makaramdam ng inis o galit ng ipagdamot niya ako, sa sarili ko ay parang natutuwa pa ako. Gusto ko ang pakiramdam na over protective siya sa'kin.

Hindi ko rin lubos maisip kung paanong naging kami agad, walang ligaw o kung ano pa man. Napapayag niya agad ako sa hindi ko malamang dahilan, tingin ko nga ay kahit magloko siya, tatanggapin at tatanggapin ko siya.

Nakakabaliw lang, dahil kahit anong sabi ko sa sarili ko na huwag magpadala sa charm niya ay wala rin akong magawa. Madaling sabihin kapag hindi ko siya kaharap, pero kapag ngumiti na siya, nauumid na ang dila ko. Tapang-tapangan nalang kumbaga.

“Age, 26. I like sweets and partying, I loved dogs, I hate cooking and baking..” sunod-sunod na salita niya, ang sabi ko kasi ay basta nalang siya magsabi ng kahit anong totoo about sa sarili niya. Kinukuyakoy niya rin ang paa ko na nakadantay sa kandungan niya. “My biggest regret is not saving my dog, Arthur, at the brink of death.” bigla ay paghina ng boses niya.

Kita ko ang lungkot sa mukha niya, akma palang akong magtatanong ng kung anong nangyari sa aso niya'y agad na siyang nag-kwento.

“I'm seven years old when Arthur got hit by a car, we're playing that time. I run fast hoping that he will catch me, well yeah, hinabol niya nga ako. And that brings him to death.” aniya.

Tikom lang ang bibig ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Ico-comfort ko ba siya o tatawanan? Uunahang umiyak or what?

Actually, hindi ko mahanap sa kaibuturan ko ang awa, kahit na alam kong dapat ay kaawaan ko siya ay hindi ko talaga maramdaman ang bagay na 'yon.

Marahil ay dahil sanay na ako sa mga hayop na namamatay? Bata palang ako noon ay nasasaksihan ko na ang harap-harapang pagpatay ng tauhan ng Papa ko sa mga hayop na nat-tripan lang nilang nakawan ng buhay, minsan ay ginagawa nilang pulutan sa inuman.

Nandidiri ako, oo. Pero hindi ako makaramdam ng awa. Sa isip ko'y lahat naman ay babawian ng buhay pagdating ng oras nila, siguro ay inuna lang sila. Siguro ay iyon lang talaga ang nakatadhana sa kanila.

“Anong nangyari sa nagmamaneho nung sasakyan?” tanong ko.

“The man driving that car, is nowhere to be found. Until last year, may nakaabot sa'king balita na patay na siya. I don't know if it's true, but then, I hope so.” blangko ang mukhang aniya.

Mukhang mahal na mahal niya talaga ang aso niyang 'yon.

“Anyway, that's all in the past.” muli ay tumunghay ang maaliwalas na ngiti sa mukha niya. “I also hate Cockroach, that pest is a demon.” tulalang dagdag niya.

Natawa ako sa mukha niya, para bang trauma siya sa insektong binanggit niya.

“That's all.” pagkwan ay nilingon niya 'ko.

Inaalis ko ang pagkakapatong ng paa ko sa kandungan niya, umayos ako ng upo. “Tulog na 'ko, malalim na ang gabi.” paalam ko, akma palang akong tatayo ng hulihin niya ang pulso ko.

“Wait. No fair, Vanilla.” gusot ang mukhang aniya, “You haven't share your personal information to me yet.” parang bata ako nitong marahang hinila.

Mahina akong natawa, “Twenty-three, I love coffee, I hate broccoli, workaholic, and.. yun lang. Boring ako, sinabi ko na sa'yo.” mabilis kong sabi, sinala kong maigi ang bawat salitang lalabas sa bibig ko.

Matagal niya akong tinitigan, hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

“How 'bout your full name and nationality?” naniningkit ang mga matang tanong niya.

Matamis akong ngumiti, “Filipino is my nationality.”

Tumaas ang isang kilay niya, tila may hinihintay pang kasagutan. Bumuga ako ng hangin at napipilitang ibinuka ang bibig ko.

“Skyline Forbes..”


| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon