Chapter 33

10K 159 8
                                    

#FITTL | Chapter 33


“Hindi ko alam na kaibigan mo pala ang Papá.” puno ng sarkasmong sabi ko habang siya'y nagmamaneho, pauwi na kami.

Saglit niya akong nilingon, “Sorry, I lied.” aniya, kanina kasi ay iyon ang ipinaalam niya sa akin, na bibisita siya sa dating kaibigan. “But then, I also didn't know that your apartment is located in your father's place.” he smirked.

Ngali-ngali ko naman siyang pitikin dahil sa panggagaya sa akin. Umirap ako at umayos ng upo, “Pero salamat at dumating ka, kung hindi ay baka bali-bali na ang katawan ko.”

“Your father is a badass, sugar. He's heartless and worthless, sorry for the word but I won't take it back.” aniya na tango lang ang naging sagot ko. Kung tutuusin nga ay kulang pa ang mga sinabi niya para idipino ang ama ko.

Nang dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan namin ay nag-isip ako ng puwedeng pag-usapan, at lumitaw naman ang ideya patungkol sa pamilya niya.

“May magulang at kapatid ka naman diba?” tanong ko, tumango siya. “Oh, bakit ayaw mo akong ipakilala?”

“I'm planning to.” maikling sagot niya, napansin ko rin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya, tila iyon naging bored. “Besides, baka busy sila.”

“Huh?” kunot noong tanong ko, hindi naman sa hindi ko naiintindihan ang salitang 'busy'. Gusto ko lang talagang habaan niya pa ang paliwanag.

“My father's busy in our business, it's like he wants to prove something in my grandfather. And here's my mother, she's busy taking care of my already-well-grown brother. She has favoritism and I hate that.” bugang hangin niya, kita ko rin ang frustration sa mukha niya. “Eian and Aera has their own career, so scratch them.”

Napa-oh nalang ako, matagal ko siyang tinitigan habang siya'y busy sa pagmamaneho. Kung ganoon 'yun ang dahilan kung bakit siya ganito? Kung bakit hindi siya madalas sa trabaho, o kung nagta-trabaho pa ba ito, ay malamang dahil ayaw niya matulad sa ama niya. At naging matapang at pala-away siya dahil siguro, kulang siya sa aruga ng ina.

Kawawa naman pala ang mahal ko..

Lumapit ako sa kanya at mariin siyang hinalikan sa pisngi, “Huwag ka mag-alala, mamahalin kita ng buong puso.” sabi ko, pagak itong tumawa na nauwi sa ngiti. Gusto ko lang namang kahit papaano ay maisip niyang nandito ako at handa siyang mahalin.

“I know.”



...



Sa apartment ko huminto ang sasakyan ni Hestian, pero hindi para ako'y pauwiin kundi para ako'y pag-impakihin. Sinabi niyang sa bahay na niya ako titira, no buts.

Kaya heto at nakasunod siya sa'kin habang nagk-kwento ng mga pinag-usapan nila ni Van kanina bago sila dumating sa mansion ni Papá. Sinabi pala ng kapatid ko rito na pera ang panapal kay Papá, alam ng ama namin ang matunog na pangalan ng mga Davidson kaya naman hindi niya ito pinakielaman kahit pa kitang-kita ko sa mukha niya kaninang gusto na niyang palunukin ng granada si Hestian.

Ako nga hindi makapagsalita ng diretso sa kanya tapos itong si Hestian na-fucking-fucking lang siya.

“Skyline!” ilang beses akong napakurap ng humahangos na sumulpot sa harapan ko si Eren, pawis-pawisan ito at namumula pa ang leeg.

“Eren..” tawag ko sa kanya, naramdaman ko ang kamay ni Hestian sa baiwang ko at ang marahan nitong paghila sa'kin padikit sa kanya.

“Hey, man.” puno ng sarkasmong bati ni Hestian kay Eren.

Hindi niya ito pinansin at sa'kin lang tumingin, huminga muna siya ng malalim bago ako tipid na ngitian. “I heard you're... engaged?”

“You heard that right. We are engaged, man. Please, congrats us.” mapang-asar na singit ni Hestian, mahina ko itong siniko sa tiyan na hindi naman nito ininda.

Marahan nalang akong tumango bilang sagot sa katanungan niya. Nabura ang ngiti niya at napaltan iyon ng pagkabigo, bumagsak din ang mga balikat niya. Bumuka ang bibig nito ngunit wala namang lumabas na salita.

Naawa naman ako kaya bahagya ko siyang nilapitan kahit pa todo ang paghigit na ginagawa ni Hestian sa laylayan ng damit ko, pagk'wan ay hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinilit siyang tumingin sa mga mata ko.

“Oh come on, sugar. Do you really have to do that?” reklamo ni Hestian ngunit hindi ko ito pinansin.

“Alam kong hindi ako ang para sa'yo, may makikita kang mas better sa'kin, Eren. Oh baka nga nakita mo na pero pilit ka lang nagbubulag-bulagan, may isang tao na laging nand'yan sa tabi mo. Laging nand'yan pero hindi mo napapansin. Yung tao na yun, yung ang nagmamahal sa'yo na higit pa sa buhay niya.” lintanya ko na sa bawat salita ko ay si Sunshine ang tinutukoy ko, kung kaya ko nga lang ay isasaksak ko sa puso niya ang loka kong kaibigan.

Alam kong mahal na mahal siya ni Shine noon pa man, na kahit sa pagkuha ng trabaho ay pinili talaga ng kaibigan ko ang maliit na firm kung saan tapat lang ng building ng pinagta-trabahuhan nitong si Eren. Hanggang sa paglalaslas niya para sa bulag na 'to.

“That's enough, oh god.” hinila na ako ni Hestian palayo rito at mabigat ang mga brasong iniakbay sa balikat ko.

Maliit na ngumiti si Eren, “Thanks?” kibit-balikat na aniya.

“And you're welcome, man. You're invited to our wedding.” pagsingit na naman ni Hestian at iginiya na ako palampas kay Eren.

“Ano ka ba, baliw ka ba?” mahinang pagsita ko sa kanya ng makapasok kami sa apartment ko. Ang hudyo naman ay sinimangutan lang ako. Umirap ako at mahigpit siyang niyakap. “Arte mo ha, dinaig mo na 'ko sa pag-iinarte.”

“I just don't like you holding that jackass,” usal niya at ipinunas ang kamay ko sa damit niya, sa bandang tiyan niya kaya naramdaman ko ang matigas nitong abs. “So next time, know where to place this hands.” anas niya at unti-unting dinala ang kamay ko pababa.

Nag-iinit ang mga pisnging binawi ko ang palad ko at mahina siyang tinulak, “Ewan ko sayo!” singhal ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko, narinig ko naman ang halakhak niya.




...



“All in.” sabi ni Hestian ng mailagay ang dalawang maleta ko sa back compartment nitong sasakyan niya. Kumportable naman akong naupo sa passenger seat ng simulan na niyang buhayin ang kotse.

Kanina rin ay tinext ko na si Sunshine na lilipat na ako sa bahay ni Hestian, kilig na kilig naman ito. Nai-kwento ko rin sa kanya ang pagpunta ni Eren kanina, at sinabi niyang alam na niya ang gagawin. Malamang na dadamayan niya iyon mamaya.

“Hey, I already contacted our wedding planner. We'll meet them the day after tomorrow.” anunsyo niya habang nakatingin sa daan.

“Sure.” puno ng galak na sagot ko.





| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon