#FITTL | Chapter 17
“Forbes..” pag-uulit nito sa last name ko.
Tumango ako. Pagkwan ay iniba na ang usapan, “Hindi ka parin ba uuwi?” humikab ako.
Malalim niya akong tinitigan pagtapos ay inilingan, “Nope. I change my mind.”
Napabuga ako ng hangin, “Huwag mo sabihing dito ka matutulog?” pumamewang ako sa harapan niya, siya naman ay nagsisimula ng hubarin ang suot na three-piece suit.
“I won't tell you then,” bungisngis nito at isinampay sa back rest ng upuan ang mga hinubad na damit. Ngayon ay nakabalandra na sa harapan ko ang malapad at hubad nitong dibdib.
Kung sabagay, malalim na nga ang gabi at hindi rin naman maganda kung pauuwiin ko pa siya sa ganitong oras kung puwede ko naman siyang patulugin dito.
Tumango ako, “Ok, pero dito ka sa upuan matutulog.”
“Really.” hindi makapaniwalang usal nito, tinaasan ko siya ng kilay.
“Kung ayaw mo edi umuwi ka na.”
“No. Bakit hindi nalang tayo magtabi sa kama mo?” tumayo ito at akmang maglalakad papunta sa direksyon ng kwarto ko nang mabilis ko siyang harangin.
“Sabing hindi eh.”
Nagusot ang mukha nito, “You're being harsh to me, vanilla.”
Kinunutan ko siya ng noo, hindi kasi puwede ang gusto niya. Alam naman ng lahat ang mangyayari kapag tumabi ito sa'kin sa pagtulog, baka hindi na tulog ang mangyari.
“Harsh na kung harsh, basta dito ka.” sabi ko na puno ng pinalidad ang boses.
Bigla ay gumuhit ang mapaglarong ngisi sa labi nito, “You're afraid that you can't control yourself 'coz of my hotness, aren't you?” panunukso nito.
Nag-init ang pisngi ko ng pasadahan niya pa ng palad niya ang sariling katawan, lalo na ang ilang bilang nitong abs.
“A-ang kapal ng mukha mo ah!” singhal ko at hinampas siya sa dibdib sanhi para umalpas ang isang halakhak mula sa bibig niya.
Hinawakan nito ang braso ko at tinutukso akong inilapit sa katawan niya, “You know I'm still mad.” maaligasgas ang boses na bulong nito, ang tinutukoy niya ay yung pangyayari sa bar kanina.
Napalunok ako, hinamig ko ang sarili bago buong lakas na inilayo sa kanya ang sarili. Mabilis ko siyang tinalikuran at akma ng papasok sa kwarto ko ng muli siyang magsalita.
“Stop resisting my charm, sugar.” anas nito, kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakangisi siya sa'kin ngayon.
Mariin akong napapikit lalo na ng mapaglaro pa nitong patunugin ang sariling labi, nanunukso talaga.
Sa huli ay tinakpan ko nalang ang mga tainga ko gamit ang dalawa kong kamay, kumaripas din ako ng takbo papasok sa kwarto ko bago ini-lock 'yon at ibinaon ang sariling mukha sa unan.
Bwisit ang hudyo na 'yon, tingin ko ay hindi ako makakatulog ng ayos ngayon.
...
“Nasa ospital si Eren.” salubong sa'kin ni Sunshine kinabukasan nang makapasok ako sa firm.
Nanlaki ang mata ko ng maalala si Eren, oo nga pala at ginawang punching bag ni Hestian ang mukha niya.
“Ayos lang ba siya?” tanong ko, napahawak rin ako sa magkabilang braso niya.
“Gurl, putok yung mukha ni Eren. Anong ayos do'n? Malamang masakit 'yun, ang sabi nga ng doctor ay mag-stay siya doon ng tatlong araw.” nguso nito. “Bwisit 'yang jowa mo ah, pinapapanget ang Eren ko.” dagdag pa nito.
Napasintido ako. “Pasensya na. Ikaw ba ang nagdala sa kanya sa ospital?”
Tumango ito, “Kasama sina Lily, pero ako lang ang nagtiyagang magbantay sa kanya.”
“Mamaya bibisitahin ko siya..” malungkot na sabi ko, mabilis at paulit-ulit itong umiling.
“Hindi, wag na. Baka hanapin ka ni Hestian, tapos makita kang kasama si Eren, nako! Lagot na, paniguradong yari na si Eren.” aligagang anito.
Nawe-weirduhan ko siyang tiningnan, alam ko namang pala-away si Hestian. Pero hindi naman siguro siya aabot sa punto na makakapatay siya ng tao.
“Overreacting na, Shine.” komento ko.
“Gurl, maniwala ka. Yung huling ginulpi no'n, hindi niya tinigilan hangga't 'di naliligo sa sariling dugo ang mukha. May bali din sa braso at halos mamatay na kung hindi lang inawat ng kapatid.” pag-kukwento nito, na-curious tuloy ako.
“Sinong kapatid? Atsaka ano bang nangyari?” tanong ko at naglakad na papunta sa desk ko, sumabay naman siya.
“Diba nai-kuwento ko na sa'yo na may dalawa siyang kakambal? Isang babae at lalaki? Yung babae, model yun at artista pa ata sa ibang bansa. Basta yung Aera, ayun nga. Binastos sa isang public place, eh nagkataong magkasama yung dalawa, edi itong si Cai nagalit! Talagang bugbog kung bugbog si boy, pinipigilan naman ni Aera ang kaso 'di niya kaya si Cai kasi ang laki nga namang tao no'n.” mahabang pagku-kwento nito, kahit ako ay napapasarap na sa pakikinig sa ikinu-kwento niya.
“Tapos?” tutok na tutok sa kanya ang atensyon ko.
“Ayun, buti dumating yung bebe Eian ko. Siya ang umawat kay Cai. Ang alam ko papunta sila no'n sa isang gathering, tapos yung ginulpi ni Cai ay anak pala nung may-ari nung building.” anito kasunod ang isang halakhak.
“Edi pinaalis sila?”
Umiling ito, “Beh, sila ang humingi ng tawad sa pamilya nila Cai. Hindi mo ba alam na ang middle name nila ay Davidson? Meaning, one of the biggest fish, ay!” tili nito at tinampal ang braso ko.
Napamaang ako.
“Kaya kung ako sa'yo, huwag mo ng pakawalan 'yang si Cai. Mabubuhay ka niyan kahit hindi na kayo magtrabaho sa buong buhay niyo.” bulong nito sa'kin, humagikgik pa ito.
“Sira.” natatawang sambit ko at inayos ang mga gamit sa ibabaw ng desk ko.
“Kaya nga gusto ko rin 'yung si Eian eh, perfect siya. Gwapo, mayaman, mabait, tapos bonus nalang talaga na maganda ang katawan niya. Ang kaso mailap sa babae, may sinabi pa siya noon sa isang interview niya na may asawa na daw siya, sus! Sinasabi niya lang 'yun para layuan siya ng mga babae.”
“Malay mo meron na talaga?” sagot ko at saglit siyang tinapunan ng tingin bago binuksan ang PC ko.
“No, no. Kasi kung may asawa na talaga siya dapat nasa balita 'yan, at dapat alam din ng mga magulang at kapatid niya. Pero ano? Maski isa walang lumabas na news, kahit picture ng asawa niya ay wala rin.” tumayo na ito.
“May suot bang wedding ring?” nakamata sa monitor na tanong ko sa kaniya.
“Yun lang, meron siya sa ring finger niya. Pero hindi iyon ang basehan naming mga nagkakandarapa sa kanya, hangga't wala siyang inilalabas na asawa sa publiko ay mananatili siyang single sa mga biyutipol eyes namin.” halakhak nito bago naglakad pabalik sa desk niya.
Naiiling na lamang ako.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Ficción General- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky