#FITTL | Chapter 15
Malakas akong napatili ng malakas na suntukin ni Hestian si Eren sa mukha, agad na lumupagi sa sahig ang huli na naging sanhi para matigil ang lahat sa pagsayaw at mapunta sa'min ang atensyon.
“Hestian!” hiyaw ko ng mabilis niya ring lapitan si Eren at walang kahirap-hirap na ini-angat mula sa sahig. “Hestian, tumigil ka!” suway ko rito at hinawakan siya sa braso.
“Vanilla, relax. I'll just beat the hell out of this fucking crap.” mahinang tawa niya, saglit niya ring idinampi ang labi niya sa'kin sanhi para saglit akong matigilan.
Bumalik lang ako sa katinuan ng makarinig ng tili galing sa mga babaeng nakikinood, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pagtalsik ni Eren ng muli siyang suntukin ni Hestian.
Shit.
Mabilis akong humarang sa harapan ni Hestian ng akmang lalapitan na naman niya si Eren, tingin ko nga ay wala ng malay ang huli dahil lasing ang isang 'yon.
“Sabing tumigil ka!” singhal ko at itinuon ang dalawa kong palad sa matigas niyang dibdib, tumigil naman siya at blangko akong tiningnan.
“I'm not yet done.” ismid niya at muling binalingan ang walang malay na katawan ni Eren, akma niya akong lalampasan.
Sa inis ko ay kusa nalang na gumalaw ang kamay ko at malakas siyang sinampal, “Suwayin mo 'ko at hihiwalayan na talaga kita.” matigas kong sabi, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga katagang 'yon.
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pagtiim ng titig niya sa' kin, para akong sinusunog.
Pagkuwan ay bumaba ang mata nito sa katawan ko, partikular sa suot kong damit.
Mahina siyang napamura bago ako hinamig at dinala sa labas, “Explain the fuck now, I'm fucking mad, Vanilla.”
“Kaibigan ko 'yon––”
“Fuck that!” pagputol niya sa'kin, nakapamaywang na tinalikuran niya 'ko.
Bagsak ang balikat na ipinaliwanag ko sa kanya ang gusto niyang malaman, mula sa pagiging mag-kaibigan namin ni Eren at panliligaw niya sa'kin hanggang sa pangyayari kanina sa loob ng bar.
“Do you like that motherfucker?” malamig ang boses na tanong niya, pagkuwan ay muli akong hinarap.
Umiling ako.
“Good.” bigla ay ngisi niya, humakbang siya palapit sa pwesto ko. Ang dalawa't mainit niyang palad ay dumampi sa magkabila kong baiwang, mariing pumisil.
“T-teka, akala ko ba nasa family meeting ka?” pag-iiba ko ng usapan at sinubukang lumayo, pero mas lalo niya lang akong idinikit sa katawan niya.
“Garick texted me, sabi niya you're here talking to a guy? I thought you're cheating.” mahinang tawa niya, naramdaman ko ang pagsandig niya sa'kin sa malamig na pader na nasa likuran ko lang.
“T-tss.” hindi ako makapag-pokus sa mga sinasabi niya, lalo na ng marahan nitong halikan ang gilid ng leeg ko.
“Are you cheating, hmm?” bulong nito sa leeg ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko bago umiling, “Hindi..” kapos sa hiningang sagot ko.
“Good to fucking know.” sabi niya at labi ko naman ang pinuntirya, mainit niya akong hinalikan na agad ko namang tinugon.
Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at mas hinila pa siya padiin sa'kin.
“How could you wear this sexy dress..” lumipat ang labi niya sa puno ng tainga ko habang ang mga palad naman nito ay humihimas sa malaya kong binti.
Hindi ako nakasagot kaya bahagya siyang lumayo.
Nakataas ang isang kilay na inalis niya ang mga palad niya sa katawan ko, “Without my consent, really? Do you know how many assholes out there are looking at you with their eyes almost out of its sockets?” humalukipkip ito.
Ako naman ay napatingin sa sariling damit, ayos naman ah? May maiklian lang pero hindi naman gano'n kalaswa.
“Anong mali dito?” takang tanong ko, para namang hindi siya sanay sa mga babaeng ganito ang suot?
“You're asking me that?” natatawang tanong niya, napasinghap ako ng mabilis niyang padaususin ang isang palad niya sa isang binti ko, pumailalim iyon sa suot kong dress at humaplos pataas at patagilid hanggang sa maabot ang pang-upo ko.
“A-ano ba!” nag-iinit ang mga pisnging suway ko sa kanya, napahawak ako sa braso niya para pigilan siya sa ginagawa niya.
“I will be honest to you, Vanilla. I like the view, but,” sumimangot siya, binawi niya rin ang kamay niya bago pumamulsa. “I want it just for me, for my eyes only.” dagdag niya.
Wala sa sariling naibaba ko ang dress na suot ko, bigla ay parang gusto kong paabutin ang haba nito hanggang sa sakong ko.
“A-ano bang problema mo? Para namang hindi ka sanay sa mga babaeng nakasuot ng gan'to.” iwas ang mga matang sambit ko.
“As a matter of fact, yes I do. Sanay ako, but I don't want you wearing such kind in public. Gusto mo bang mabastos?”
Natahimik ako. Totoo naman kasi ang sinasabi niya, pero hello? Minsan lang ako magsuot ng ganito, tapos pagbabawalan pa niya?
“Look, if you want to seduce me, just sit on my lap. No need to wear this kind of clothes, alright?” makapal ang mukhang aniya, bahagya pa nitong inangat ang dulo ng dress ko na agad ko ring ibinaba. Nang-aasar talaga siya.
“Ang mga tulad mo, hindi na kailangang i-seduce. Automatic na kayong nagkaka-hard on 'pag nakakakita ng babae, tsk.” irap ko at nilampasan siya.
Bumigat ang balikat ko ng akbayan ako nito at igiya papunta sa direksyon ng sasakyan niya.
“Just follow my order, I'm your boyfriend incase you forgot.”
...
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa hudyo ng sumunod ito hanggang dito sa apartment ko.
“Nah.” simpleng sagot niya at pabagsak na naupo sa mahabang upuan, ipinatong niya ang ulo sa sandalan nito.
Isinara ko ang pinto at dumiretso sa kwarto ko, mabilis akong nagpalit ng pambahay bago siya binalikan. Nakapikit siya at ganoon parin ang posisyon.
“Inaantok ka na ba?” tanong ko at pumamewang sa gilid niya.
Tumaas ang dalawang gilid ng bibig niya, nagmulat din siya at diretso akong tiningnan sa mata.
“Tell me about yourself.” imbis ay sabi niya, umayos siya ng upo at hinubad ang suot na sapatos.
Pagak akong tumawa, “Ano 'to interview? Mamamasukan lang sa trabaho, gano'n?” tinalikuran ko siya at pumasok sa kusina.
“I just want to know more about you.” rinig kong sagot niya mula sa Salas, nagtimpla ako ng kape para sa'kin at gatas para sa kanya. Bumili na ako no'ng nakaraan dahil bigla siyang sumagi sa isip ko habang naggo-grocery ako.
“Boring ang buhay ko.” simpleng sabi ko, nang matapos ay binalikan ko siya sa Salas at inabutan ng mug.
“Thanks, sugar.” anito, marahan niya rin akong pinaupo sa tabi niya. “I just realized, pangalan, address, workplace mo lang ang alam ko.” kibit balikat niya.
“Ako nga pangalan mo lang ang alam ko about sa'yo, nagreklamo ba 'ko?” ingos ko.
Mahina siyang tumawa, “Ok then, I'll tell you everything about me. All you have to do is to ask, c'mon.”
Napangiti na lamang ako ng malipat ang usapan namin.
|itsmezucky
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Fiction générale- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky