#FITTL | Chapter 32
Malakas at mabigat na sampal mula sa kanya ang sumalubong sa'kin ng tuluyan na akong makapasok sa mansyon, halos mahilo ako dahil sa lakas no'n. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa sampal na iyon.
Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko habang nakalupagi ako sa sahig.
"Papá.." mahinang bigkas ko at naiiyak na muling tumayo, huminga ako ng malalim para pigilan ang maiyak, hindi ako pwedeng umiyak kundi ay maaasar ang matanda. Nasalo ko ang malamig nitong mga mata. Nakasuot pa siya ng abong roba at tsinelas na pangbahay, ang blonde na buhok niya rin ay sinuklay lang gamit ang kanyang kamay.
Pinalagutok nito ang mga daliri, saglit na bumaba roon ang paningin ko, marami siyang suot na singsing na alam kong mga tunay, at ang lagutok ng mga daliri niya ay halos bumingi sa'kin.
"How's my two million, darlin'?" malamig ang boses na tanong niya, ang ama ko ay purong german kaya naman ang katawan nito'y hindi biro ang laki.
Nanginig ang labi ko, ang kaninang mga balak kong sabihin ay nawala. Napipi ako at napatungo nalang.
"Ya' came here to die, aren't ya'?" tanong niya, sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Hindi ko magawang maisaboses ang mga naipon kong sasabihin kanina.
Pagak at tipid itong natawa bago ako talikuran, sinenyasan niya akong sumunod.
"Fernandó." pagtawag niya sa isang matandang tingin ko ay bago niyang tagapagsilbi.
"Nakahanda na po ang hapag, Don." anito at bahagyang tumungo. Sa silid kainan na dumeretso si Papá. Saglit kong hinaplos ang aking pisngi, mahapdi iyon at tingin ko ay nangangapal sa sobrang init.
"Have a seat, darlin'" aniya at isinenyas sa'kin ang upuan sa gilid niya, nasa sentro siya ng lamesa. Gusto kong tumanggi, pero nang makita ko ang isang silver 45 caliber gun sa tabi ng plato niya ay madali akong napasunod.
Ipinagpag niya ang puting tela naging patungan ng mga kubyertos at isinapin iyon sa kandungan niya, pagkuwan ay sinenyasan niya akong magsimula na sa pagkain. Nanginginig na napatango ako, hindi magkamayaw ang mga palad ko sa pagdampot ng mga kubyertos, sa huli ay kaunti lang ang inilagay kong pagkain sa plato ko.
"Ya' are late more than I thought, but yeah, you've grown well." sabi nito na alam kong puno ng sarkasmo, saglit niya rin akong tinapunan ng tingin. "Tell me, what happened to my money?"
Ang nilagay kong pagkain sa plato ko ay hindi ko naman magawang maisubo dahil baka mahuli ako sa pagsagot sa mga katanungan niya.
Nakatungo akong sumagot, "G-ginamit ko."
"To what?" kalmadong tanong niya ng hindi ako tinitingnan.
"S-sa pag-aaral, pagkain, u-upa sa bahay, kuryente at t-tubig." utal-utal kong sagot, hindi ko talaga kailanman nagawang sagutin siya ng hindi nauutal noon pa man.
Napatango siya, "Have you made some friends around ya'?"
Sorry Shine. "N-no friends." pagsisinungaling ko.
"Good." aniya na may kasamang pagtango, para kasi sa kanya ay kalokohan lang ang pagkakaibigan. Kung mangangaibigan man siya, tanda lang iyon na may mapupurat siya sa taong iyon. "How 'bout, boyfriend?" doon na siya napatingin sa akin.
Kung gaano siya kasura sa pagkakaibigan, gano'n rin sa pag-ibig. Palibhasa kasi iniwan siya ng Nanay namin at hindi na binalikan hanggang sa mamatay ito sa sakit.
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
General Fiction- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky