Prologue

35.3K 428 22
                                    

#FITTL|Prologue


Padabog kong isinara ang pinto ng sasakyan ko bago gigil na tinadyakan ang bakal na gate na humarang sa daan ko.

Sinubukan akong pigilan ng mga gwardiya kaya nakatikim sila ng sipa sa itlog, nagpaparamihan na sila ngayon ng gulong sa damo.

Nanggagalaiti ako sa galit dahil sa Eian na 'yan! Ang kapal ng mukha niyang paiyakin ang best friend ko-- well, which is friend niya rin. Ito kasing lukaret kong kaibigan ay umamin kay Eian patungkol sa nararamdaman niya, noong una hindi siya binusted ng hudyo pero makaraan lang ang ilang araw ay ayun na nga! Friend zone.

In short, pinaasa niya ang best friend ko!

Ngayon nga ay nasa hospital ito at nagpapagamot, naglaslas kasi si Gaga!

"Hoy, dimunyito ka! Lumabas ka d'yan!" hiyaw ko at malakas na kinalampag ang kahoy na pinto ng bahay niya.

Palengkera na kung palengkera pero hindi ko maating na makitang nasa gano'ng sitwasyon ang kaibigan ko.

"Ano ba satanas? Lumabas ka na!" muli kong pagkalampag sa pinto. Ayaw pang lumabas ng tarantado.

Taas-baba ang dibdib ko dahil sa hingal sa pagsigaw, mukha namang nagbunga ang pagsigaw ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Heto at palabas na ang gago.

"Who--"

"Lumabas ka rin sa wakas! Hayup ka, bakit mo pinaasa ang best friend ko! Sana binusted mo na siya una palang, wala ka bang pakiramdam, huh? Oh baka naman sadyang wala kang puso? Ano, wala kang puso! Wala kang pakielam sa nararamdaman ng kaibigan ko!" hinihingal na saglit akong tumigil sa pagsasalita at paghampas sa dibdib niyang pilit niyang sinasalo. "Ang kapal ng apog mo! Ano feeling mo ang gwapo mo? Hoy gwapo ka nga pero masama ang ugali mo! Napaka yabang mo, akala mo ba diyos ka para manakit ka ng damdamin ng iba? Hindi ka na naawa, para mo rin kaibigan si Sunshine! Walanghiya ka!" huminga ako ng malalim.

Mukhang gulat siya dahil sa paglalabas ko ng sama ng loob, pero hindi pa ako tapos.

"Alam mo bang nasa hospital siya ngayon? Naglaslas siya dahil sa ginawa mo! Wala kang konsensiya, parang hindi mo alam na mahina ang loob ng kaibigan kong 'yon. Bwisit ka, Eian! Bwisit ka--" natigil ako ng hulihin niya ang dalawa kong pulso at bahagya akong ilayo.

"Wait, fucking what?" kunot noong tanong niya.

Mas lalong nag-init ang ulo ko. Binawi ko ang kamay ko at mabilis siyang sinampal.

"Ang kapal ng mukha mong magmaang-maangan!" seryosong sabi ko. Tumigas ang anyo niya. "Hindi ka diyos, Eian. Huwag kang masyadong mapagmataas!" dagdag ko.

Akma ko ulit siyang sasampalin ng masalo niya ang kamay ko at hilahin ako palapit sa katawan kanya.

"Aba--" nanlaki ang mga mata ko sa gulat, paano ba naman ay hinalikan niya ako! Mainit, Mariin, at... Matagal.

Hindi ko magawang magpumiglas dahil sa lakas niya, wala akong laban sa tikas ng katawan niya.

"You are a fucking trespasser, woman. I can kill you here if I fucking want to, so shut the fuck up." anas niya ng humiwalay sa'kin.

Tigagal ako at hindi nakapagsalita habang titig na titig sa mukha niya, lalo na sa abuhin niyang mga mata.

Napalunok ako at mahinang napatango.

"Good." aniya at binitawan ako bago nakapamaywang na maayos akong hinarap. "Say it again."

"H-huh?" utal na tanong ko.

Nagusot ang mukha niya. "I said, say it again. Yung sinabi mo kanina!"

Pinapaulit niya sa'kin yung lahat ng sinabi ko? Eh ang haba noon eh.

Napakamot ako sa sintido, "Ang haba ng sinabi ko eh, puwede i-summarize?"

"The last part is enough." humalukipkip siya.

Napatango naman ako habang inaalala ang huli kong sinabi kanina. "Err, 'ang kapal ng mukha mong magmaang-maangan, tapos.. Hindi ka diyos, Eian--'" napasinghap ako ng ilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko para patahimikin ako.

"Do I look like the fucking 'Eian' to you?" nakakatakot ang ngiting tanong niya.

Muling nanlaki ang mga mata ko. Hindi ganiyan ngumiti si Eian! Ngiting anghel ang isang 'yon eh.

Kung gano'n..

Napalunok ako.

"K-kung ganoon.." mahinang usal ko ng tanggalin niya ang daliri niya sa labi ko.

Mayabang siyang tumango, "Yes, sugar. The fucking one and only, Cai."

Umawang ang bibig ko, base sa kwento ni Sunshine ay may dalawa ngang kakambal si Eian. At kung may kinaaayawan man siya sa tatlo ay si Hestian Cai iyon, masama daw ang ugali nito at barumbado, babaero din daw.

Tumaas ang isang gilid ng labi nito, "So, what the fuck are we gonna do now, sugar? My fucking chest is a little bit in pain because of you."

Bahagya akong napaatras. Pilit akong tumawa at ngumiti.

"A-ahm, ano, sorry. Sorry, kuya!" tili ko bago nanakbo palayo, pabalik sa kotse ko ay nanginginig sa kaba na binuhay ko ang makina nito.

Letchugas nagkamali pa nga ako!


| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon