#FITTL | Chapter 21
“May bago tayong officemate.”
Napabalik ako sa realidad mula sa malalim kong pag-iisip ng kuhitin ako ni Lily. “Ha?” maang na tanong ko, nakatayo ito sa gilid ng desk ko.
“Ang sabi ko, may bago tayong officemate.” pag-uulit niya kasunod ng pag-nguso sa isang direksyon. Sinundan ko naman ang direksyon na itinuro nito at natagpuan nga ang isang bagong mukha, isang magandang babae.
“Sino siya?” tanong ko at ibinalik ang paningin kay Lily.
“Candice ,” kibit balikat niya, bahagya rin siyang lumapit sa'kin para bumulong. “At ayoko sa kanya.” aniya at umirap sa hangin.
Muli kong binalingan ang ngayon ay lumilinga ng si Candice, maamo ang mukha nito kumpara sa'kin.
“Bakit naman? Mukha siyang mabait para sa'kin..” sabi ko, saktong dumako sa pwesto namin ang paningin ni Candice, matamis itong ngumiti sa'kin bago nagbalik ng paningin sa monitor ng computer sa harap niya.
“First impression mo lang 'yan, try mong kilalanin siya.” nakaismid na aniya at iiling-iling na bumalik sa desk niya.
Huli ko pa itong tiningnan bago nagbalik ng paningin sa ginagawa ko. Siguro ay may nagawa agad na pagkakamali si Candice kanina kaya pumangit ang impresyon sa kanya ni Lily.
Anyway, hindi pumasok ngayon si Sunshine. Ang sabi niya'y masakit ang ulo niya, pero nunca namang maniniwala ako. Siguro ay tinatamad lang 'yon.
Habang tumitipa sa keyboard ng computer ay muli na naman akong napabalik sa pangyayari kagabi. Matapos kong sabihin kay Hestian 'yon ay nilampasan ko na siya habang akay si Eren, masakit sa dibdib pero hindi ko na ginawang lingunin pa siya matapos iyon.
Kung gusto ko talagang mag-move-on, dapat alisin ko na siya sa isip ko, sa sistema ko. Ang gano'ng klase ng tao ay hindi ko na dapat pinag-aaksayahan ng oras.
Ibinasura niya ako ng gano'n lang, idinahilan niya pa ang lintik na expiration date na 'yan. Patunay lang 'yon na hindi niya naman talaga ako sineryoso, na una palang ay katawan ko lang ang habol niya.
Nakakaramdam ako ng pagsisisi, pero hindi ko alam kung para saan 'yon. Kung nagsisisi ba ako dahil nakilala ko pa siya, o nagsisisi ba ako dahil pumatol ako sa kanya, o baka nagsisisi ako dahil binuksan ko pa ang usapang iyon noong gabing 'yon.
Ewan, hindi ko na alam.
Nang mag-lunch ay tumanggi ako sa alok ni Lily na sumabay sa kanila sa pagkain sa labas. Wala akong gana kaya pinili ko nalang ang manatili sa desk ko at tapusin ang gawain ko, nang mainip naman ay nag-cellphone nalang ako. Naka-connect ako sa Wifi nitong office kaya mabilis ang internet.
Sumandal ako sa upuan at binuksan ang Instagram ko, halos sumabog ako sa inis dahil sa unang post na sumalubong sa'kin.
Post ni Hestian kasama ang isang babaeng mukhang manika, manika ng mangkukulam. Bwisit!
Nagngangalit ang mga ngiping matagal ko itong pinakatitigan, sa isip ko'y sinusunog ko na silang dalawa. Mga malalandi!
Kung gano'n ay ito ang ipinalit niya sa'kin. Ito ang bago niya.
Magkalapat ang mga ngiping iginala ko ang mata ko sa paligid, at tulad nga ng inaasahan ay naiwan rin dito si Edward, ka-officemate ko rin.
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad papunta sa pwesto niya, mukhang napansin niya rin ang presensya ko dahil nag-angat ito ng paningin at sinalubong ako ng nagtatakang tingin. Kung sabagay ay hindi ko naman talaga gawain ang unang umapproach sa kanila.
Matamis ko siyang nginitian, “Hi.” bati ko sa kanya at hinigpitan ang hawak sa cellphone ko.
“Ah, hi?” tipid ang ngiting sagot niya, nagtataka parin kung anong ginagawa ko sa harapan niya.
“Pwedeng pa-picture?” sabi ko sanhi para bahagyang umawang ang bibig niya.
Napahawak siya sa batok, “Sure. Akina yung phone mo then mag-post ka na.” tumayo ito at inilahad ang palad. Ang akala niya ata ay ako lang ang pi-picturan..
“Ah, Edward, kasama ka.” natatawa kong usal bago siya akbayan, nagulat pa siya ng itapat ko sa'ming dalawa ang camera ng phone ko pero agad na ring ngumiti ng mas higpitan ko ang pag-akbay sa kanya. “Thanks.” pasasalamat ko at mabilis na nagbalik sa table ko.
Nang-uuyam ang ngiting ipinost ko sa Instagram ang picture naming iyon ni Edward na may caption na 'with mr. nice guy' nilagyan ko rin iyon ng inlove emoticon. Well, Edward is a cute and nice guy.
“Heh, ano ka ngayon?” bulong ko habang nire-refresh ang mga photos ko. Akala niya siya lang ang may kaya no'n?
Segundo lang at may mga nag-like at comment na rin sa bago kong post, karamihan doon ay mga ka-schoolmates ko noong college.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang sumulpot ang pangalan ni Hestian sa mga nagco-comment sa post ko. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay inopen ko iyon, napapalunok na binasa ko ang comment niya.
“Nice” pagbasa ko roon, walang kahit anong emoji, iyon lang talaga.
Hindi ko alam pero biglang bumagsak ang kaninang pagkataas-taas kong kaligayahan. Nice? Ok sa kanya iyon?
Lutang ang pag-iisip at paulit-ulit ko nalang na ni-refresh ang feed ko. Nakakapanghina ng loob na parang wala lang sa kaniya na nagpost ako ng picture kasama ang ibang lalaki. Hindi man lang ba siya magseselos? Tsk.
Akma ko ng iho-home ang screen ng phone ko ng magload iyon ng bagong litrato, post galing kay Hestian. Muntik ng dumulas sa pagkakahawak ko ang phone ko ng bumalandra sa harapan ko ang pawisan at hubad nitong katawan, ang mukha rin nito ay ngising-ngisi. Tingin ko'y nagwo-work out siya base na rin sa nakikita kong background niya.
Binasa ko ang caption nito, “I'm hot, he's not”
Nanggigil ako. Alam kong ang tinutukoy niya sa 'he's not' niya ay si Edward na kasama ko sa picture. Muli kong binuksan ang camera ng phone ko, binuksan ko rin ang unang butones ng suot kong bluose, revealing my colar bone. Inayos ko rin ang itim at tuwid kong buhok bago mapang-akit na ngumiti sa camera, then I clicked.
Nang mai-post 'yon na may caption na “Better than your girls” ay tutok na tutok na ako sa pagrerefresh ng feed ko, hinihintay ko ang sunod niyang post. Tulad nga kanina ay nag-comment na naman siya sa bago kong post, but this time ay ni-like na niya.
“What a tease” komento niya, nag-init ang pisngi ko. Hindi ko siya nireplyan at nagbalik nalang sa pagrerefresh ng feed, makalipas ang isang minuto at may bago na nga siyang post.
Kuha iyon ng seryoso niyang mukha, sa balikat niya ay nakasampay ang puting towel. Lumipat ang paningin ko sa caption, “I hate that cold stare of yours” bigla ay naalala ko yung nangyari kagabi.
Napakurap ako, pagk'wan ay mahina't bahaw akong natawa. Ano ba itong ginagawa ko? Dapat ay nagmo-move on ako, at hindi makakabuti kung ipagpapatuloy ko pa ang ginagawa kong ito ngayon.
Pinatay ko ang cellphone ko at isinilid na iyon sa bag ko.
He's an asshole.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Ficción General- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky