#FITTL | Chapter 20
Dalawang araw ang lumipas, hinintay ni Sunshine na maka-recover ako ng ayos bago sabihin sa'kin ang plano niyang gawin. Ang plano niyang pagselosin si Hestian.
“Sa tingin ko talaga, hindi gagana 'to.” sabi ko habang lumilinga sa paligid, kakapasok lang namin sa King's Bar.
Hinila niya ang braso ko, “Kung hindi man gumana, at least ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan. Na tulad niya, kaya mo rin siyang ipagpalit sa iba.” aniya sa tainga ko, tipid at puno ng determinasyon akong tumango.
Ipapakita ko sa hudyo na 'yon kung ano ang sinayang niya!
Naupo kami sa stool kaharap ang bartender, malaki ang ngiti nito sa'min habang nilalaro sa kamay ang isang bote ng alak.
“Hey, ladies.” bati nito, tipid akong ngumiti habang si Shine ay malandi siyang binati pabalik. “Drinks?” tanong nito.
“Ah, hindi. Makikiupo lang kami, hehe..” sagot ni Sunshine at tinalikuran ng upo ang bartender, napakamot nalang sa sintido ang huli. “As expected, nandito nga ang manloloko.” nilingon niya ko bago inginuso ang direksyon ng tinutukoy niya.
Napatungo ako, “May kasama ba?”
“Uh-huh. Bale apat sila sa puwesto nila.” bugang hangin niya bago humarap sa'kin. “Dalawang lalaki at isang babae ang kasama niya sa U-shape sofa, yung babae kasama nung kasama niya.”
Sa sinabing iyon ni Sunshine ay napaangat ako ng tingin at hindi napigilan ang sariling lingunin ang puwesto nila. Nakatalikod sa p'westo namin si Hestian at yung nag-iisang babaeng kasama nila ay girlfriend ni Garick. Wala siyang kasamang babae!
“Mamaya meron na yan.” usal ni Shine sa tabi ko na tila nabasa ang nasa isip ko.
Tumiim ang bagang ko, naiinis ako sa isiping mamaya nga lang at lalapitan na siya ng ibang babae para landiin. Gustuhin ko mang tutulan iyon ay wala akong magagawa, wala dahil wala ng kami.
“Siguro mas maganda kung mas malapit tayo sa kanila?” tapik sa'kin ni Sunshine, hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako papunta sa dagat ng mga taong nagsasayawan hanggang sa marating namin ang kabilang VIP sofa, u-shape rin iyon at kulay pula.
“Shine, para sa mga VIP customers lang yan..” mahinang bulong ko kay Shine, nginisihan niya ako.
“Hindi tayo uupo, tatayo lang tayo sa gilid no'n para rinig nila ang usapan natin.” aniya, napasimangot nalang ako.
Sa malakas na ugong ng musika at papalit-palit na kulay ng ilaw ay nakatalikod kaming nakatayo ilang hakbang ang lapit sa pwesto nila Hestian. Halos nasa likurang bahagi niya lang kami, isang lingon lang at makikilala na niya kami.
“Gorl, ayun oh ang hot! Bagay kayo, mag-one night stand na agad kayo!” bigla ay malakas ang boses na sabi ni Sunshine, malakas talaga na tipong may napatingin pa sa'min. Alam kong nagsisimula na siya sa planong naisip niya.
“A-ah, oo nga..” mahinang sagot ko, agad rin akong nakatanggap ng mahinang kurot mula sa kanya.
“Ano ba, lakasan mo naman.” bulong niya sa tainga ko. “Lapitan mo na agad, beh! Mukhang masarap eh!” sigaw niyang muli, nahihiyang nasapo ko ang mukha ko.
Hindi ko kaya.
“Umuwi nalang tayo, mas gusto kong mag-move on kaysa gawin 'to.” mahinang sambit ko kay Shine, hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na akong naglakad paalis sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Fiksi Umum- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky