#FITTL | Chapter 28
May maliit na clinic ang hotel na ito, doon ako dinala ni Hestian para gamutin ang iilang sugat ko, hinilot niya na rin maging ang paa ko.
"Want to go home now?" tingala niya sa'kin habang patuloy sa pagmasahe sa paa ko.
Tipid akong umiling, "Baka hanapin ka kaya magpatagal nalang muna tayo dito, wala rin naman akong gagawin pag uwi ko sa apartment ko." dahilan ko kahit na ang totoo'y gusto ko lang siyang makasama ng matagal pa.
"Alright, if that's ok with you." usal niya at muli ng isinuot sa'kin ang heels ko, inalalayan niya akong makatayo pagk'wan.
"Bumalik na tayo sa hall.." usal ko at yumapos sa braso niya, pabebe lang ako habang siya ay alalang-alala ang mukha dahil sa maliliit kong sugat sa tuhod at siko.
Pagbalik sa loob ay sa table ng mga kaibigan niya kami naupo, nasa kanan ko siya habang sa kaliwang bahagi ko ay bakante. Walang nakaupo roon pero sa sumunod na upuan ay si Rizzo na ang nakaupo, kumaway pa ito sa'kin na tipid ko lang na sinuklian ng ngiti.
"What do you want to eat?" nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid sa mga taong kasama namin sa lamesa ng bumulong siya sa tainga ko, sobrang lapit niya rin kaya ramdam ko ang hininga niya sa balat ko.
"Ikaw na pumili.." bulong ko pabalik, bago ilayo sa'kin ang mukha ay humabol pa ito ng halik sa pisngi ko. Halos lumubog naman ako sa kinauupuan ko ng makitang tatawa-tawang pinapanood kami ng mga kaibigan niya, at kasama na roon si Rizzo.
Nag-iwas nalang ako ng tingin, pansin ko rin na nabawasan sila. Kahit ang kapatid ko ay hindi ko pa nakikita mula ng bumalik kami rito.
Nang tumayo si Hestian at nagpaalam na kukuha ng pagkain namin ay naiwan ako do'n, bale wala na akong katabi at ilang na ilang pa ako dahil tinititigan ako ng mga kasama ko sa table.
"I don't know if I'm just hallucinating or what, but she looks like Van." ani ng isang nasa tapat ko, pabilog ang lamesang inuukupa namin at ito nga ang nasa kabilang dulo. Itim ang buhok nito at sobrang puti ng balat, mukhang sinanay sa aircon ang taong iyon. Walang tunog itong tumawa at naiiling na hinilot pa ang sintido.
"I also thought the same.." ani ng katabi nito, may pagka-mestizo ito.
"Shut it you two. Pag kayo narinig ni Cai.." iling ni Rizzo at mapagkumbaba akong tiningnan. Ngumiti lang ulit ako.
Hindi naman kasi sila nagkakamali, tila nga ako girl version ng kapatid ko dahil hawig kami ng itsura. Kung saan normal naman dahil magkapatid kami. Ang hindi ko lang lubos na maisip ay kung bakit hindi iyon napansin ni Hestian, o baka dahil sawa na siya sa pagmu-mukha ng kapatid ko kaya hindi na niya napansin na magka-mukha kami.
"What the two of you looking at?" malamig na boses mula sa likuran ko ang nagpalingon sa'kin, ngunit hindi ko pa man ito tuluyang nalilingon ay naupo na ito sa upuang nasa kaliwa ko, saglit niya rin akong tinapunan ng tingin bago lagukin ang alak sa hawak na kopita. "Stop staring or die." bigkas pa nito.
Hindi nalang ako nagsalita at tumingin nalang sa table sa tapat ko. Walang pagbabago at masungit parin siya, I wonder kung may girlfriend na siya o kung nagka-interes na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.
"Do you mind telling me if you have plans?" mahina at biglang tanong sa'kin ni Van, sapat lang para marinig ko. Bahagya rin itong humarap sa'kin para titigan ako sa mata.
Una kong tiningnan ang mga kasama namin at nang makitang ang lahat ng ito ay iwas na ang mga mata'y saka ko lang ibinalik sa kanya ang aking paningin, pagk'wan ay umiling ako.
"I don't have any plans in mind." mahinang sagot ko pabalik.
Bahaw na tumaas ang isang gilid ng bibig nito, "That old man is looking for you, and being his daughter doesn't matter, get into his nerves and you'll be dead." kunot noong aniya na ang tinutukoy ay ang ama namin.
Alam ko naman 'yon, mas mahalaga sa ama namin ang pera at ang kinabukasan ng negosyo niya sa black market kaysa sa'ming mga anak niya. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit mas pinili ko ang umalis sa poder niya at magsimula ng bagong buhay.
"Gusto ko lang lumagay sa tahimik." mahinang sambit ko.
Nailing ito, "Marry him or come with me--"
"What the fuck, man?"
Napasinghap ako at mabilis na napatayo ng biglang sumulpot si Hestian at kuwelyuhan si Van, madilim ang mukha nito at sobrang talas ng mga matang nakatingin sa kapatid ko.
"What the fuck are you doing?" mariing tanong ni Hestian, si Van naman ay tinitigan lang siya pagk'wan ay malamig na nginisihan.
Kita ko ang pagpipigil sa mukha ni Hestian, base na rin sa mga litid niya sa braso na halos magputukan habang nakahawak sa kuwelyo ng damit ni Van.
Iginala ko ang paningin ko para sana humingi ng tulong ng mapansin kong nanonood lang ang mga kasama namin sa lamesa, mga mukhang walang balak umawat, at kasama na roon si Rizzo na taimtim na nakatingin sa pagtatagisan ng titig ng dalawa. Ang ilang tao rin dito ay nasa kanila na ang atensyon, mga nagbubulungan.
"Hestian.." mahinang pagtawag ko rito, hinawakan ko rin siya sa braso. "Tigilan mo nga 'yan.." dagdag ko pa at pilit siyang hinihila.
Bumuga siya ng hangin pagk'wan ay marahas na binitawan si Van, walang imik naman nitong inayos ang nagusot na kuwelyo habang blangko paring nakatingin kay Hestian.
"Follow me." ani Van at nauna ng maglakad, saglit akong tinapunan ng asar na tingin ni Hestian bago sumunod sa kapatid ko.
Kainis. Inakala niya bang landian ang bulungang ginagawa namin ng kapatid ko?
Wala akong ibang choice kundi ang sumunod sa kanila, lakad-takbo akong nakasunod sa likuran ni Hestian na kung humakbang ay tila dudurugin na ang sahig.
Lumabas kami ng hotel at tumigil 'di kalayuan sa entrance ng parking lot. Doon ay nakapamulsang nakatayo ang kapatid ko at bored na nakatingin sa'min.
"Now, what's the problem?" buska niya ng makalapit kami.
Pagak na natawa si Hestian, "You're flirting with my fucking girl, man. Everyone in that room knows that she's fucking mine, even you."
"Hestian, mali ang iniisip mo--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng senyasan ako ng kapatid ko na manahimik.
Hindi naman makapaniwalang salitan kaming tiningnan ni Hestian, tila mas lalo pa atang tumikom ang panga nito.
"Wow." puno ng sarkasmong usal niya.
"I'm going to date her." sa sinabing iyon ng kapatid ko'y hindi na nakapagtimpi ang bugnutin, mabilis niyang pinalipad ang kamao niya sa mukha ng kapatid ko na agad rin namang nailagan ng huli sa pamamagitan ng pag-atras. "Chill."
"Oh fuck you. This is over between the two of us, you motherfucker." ani Hestian at ilang beses pang sinubukang patamaan ng suntok si Van na panay lang ang pag-ilag.
"Really." si Van, nang wala na itong maatrasan ay sinalo na niya ang kamao ni Hestian gamit ang palad niya. "Stop. She's my little sister."
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Fuck It To The Limit | Completed
Ficción General- Completed - Hestian Cai Napier All Rights Reserved 2020 ©itsmezucky