Shoot

2 0 0
                                    

JAMES PAUL'S POV

Maaga akong umalis para maagang makarating sa LA, Sunday ako umalis para makapagpahinga pa ako bago magstart ang shoot.

Mabilis lang naman daw sabi ni Ninong, depende sa outcome ng projections ko. Nagpractice ako ng poses para alam ko na. Hehehe.

May salamin sa banyo kaya napagdiskitahan kong magpractice doon bago ako lumuwas. Hahaha.

Pagkarating ko sa LA, inaccommodate ako sa napakalaking hotel na magiging venue ng TVC ko pero ang photoshoot ay sa may mountainside na kita ang Hollywood sign!

Ang TVC ko ay sa body products kaya sa banyo ako magsoshoot nang topless at nakaboxers! Maliligo ako kunwari, ano ba namang shoot ito! Sa may torso pataas lang ako kukunan pero kailangang nakaboxers kasi talagang pagbabasa ang gagawin!

Bakat na bakat si junior! Hindi sa pagmamayabang pero malaki siya eh. Kahit itago, mahahalata! Ano ba 'to!

"Okay, take 1!"

At nagtuloy-tuloy na ako sa projections, may lines naman na na prepared at kinabisado ko bago magstart. Naiilang lang ako kasi karamihan sa staff ay gays na walang ibang ginawa kung hindi sumulyap kay umbok ni junior!

Natapos kami ng bandang 5 pm sa shoot na liguan lang? My goodness! Bukas naman daw ay sa sikat na clothing line sa America, sa Wednesday ay shoewear. Dito rin ang venue. Sa Thursday ay ang photoshoot ko sa lahat ng products pero outdoor naman ngayon. At sa Friday hanggang Saturday ay may celebratory party! Ang tagal naman nun!

Maganda itong hotel na nakuha ni Ninong kaya lang mas at home ako sa bahay ni Ninong dito sa America pero sa Washington DC pa kasi 'yon.

Maganda ang LA, pero kasagsagan ng autumn season kaya hindi ako masyadong nakakita ng greeneries na siyang nakakapagparelax talaga sa akin.

Kinabukasan, nagshoot na kami ng clothing apparels! Buti at hindi kasama ang underwear kung hindi magwawala itong mga staff kasi babakat na naman nang matindi si junior!

Natapos na rin sa wakas lahat ng TVC na walang aberya at ibinigay ko lahat nang makakaya. Hehe. Natapos na rin ang photoshoot ko na siyang pinakacomfortable ako sa lahat dahil sa poses lang ang gagawin.

Namasyal lang kami nang unti sa LA after ng shoot. Ang ganda naman dito! Pero sa Pilipinas pa rin ang puso ko! Hehe.

Katatapos lang ng summer dito kaya'y hindi na kainitan at malapit na rin ang winter bandang December. Ako lang ba o nararamdaman ko na ang simoy ng lamig ng December? Hehe. Gusto ko tuloy ng White Christmas! Balik nga ako sa susunod. Hehe.

Party!

Nakakatamad namang umattend ng party nila! Two days ito eh! Boring ang unang gabi kasi bukod sa staff at ako lang ang kasama ay puro sila inuman na hindi ko naman hilig! Kainis!

Ang sabi sa akin, bukas daw darating ibang models ng brands na ako ang model. So hindi lang pala ako ang model. Pero ako lang ang Pilipinong modelo. Hehehe.

Saturday Night.

Ang ingay! Hahaha! Syempre party eh! Ang venue ay sa ballroom nitong malaking hotel!

Ipinakilala kaming models at nakipagkilalanan sa isa't-isa! Ang gugwapo! Puro lalaki ang models ha!

Nabobore na ako kaya naupo ako sa table naming mga models.

"Why are you alone?" Jex.

"They are all busy dancing."

Ang ganda ng mga mata niya na parang hinihigop ka kapag tinitigan. Blue eyes. Matangos ang ilong, sobra.

Gwapong-gwapo at matangkad pero nasa Pilipinas ang nagmamay-ari ng puso ko. Hehehe.

"Let's dance?"

"You and me? Seriously, Jex?"

"Why not? A man and a man dancing is not a big deal these days."

"I don't feel like dancing tonight. Besides, you are one of tonight's eye-catcher. It might be an issue if they see you dancing with a guy."

"If that's what you want. Can I get your number? Let's converse often. What's your IG?" Nakangiting sabi niya.

Nagfollow-han kami sa social media sites habang masayang nag-uusap. Maya-maya pa ay dumating na ang ibang models at gaya namin ni Jex ay nagpalitan ng social media sites at nagfollow-han.

Hahaha. Natawa ako sa follow-han.

I can feel that some of them are hitting on me. Hindi naman sa assuming pero ramdam na ramdam ko eh! Marami pa namang gwapo riyan eh, at saka bakit gwapo ang trip? Maraming magaganda riyan, mga pre!

Masaya ako sa outcome ng shoots ko dahil successful ito at nakakilala pa ako ng new friends.

New friends na halatang gustong makafirst base. Hahaha.

No no no, kay John Vic lang ako. Hehehe.

Pabor sa akin lahat ng resulta ng shoot ko.

Friends? Experience? Relaxation? Tour?

Aside from these, I also got paid! Yes! Hindi ko na kailangang magpakahirap sa school clubs para sa incentives! Yes!

Sobra-sobra na ito hanggang makagraduate ng college. Hehe.

Pauwi na rin ako sa wakas nang early Sunday morning. Pero bago 'yan, namili ako nang maraming pasalubong sa mga kaibigan at pamilya ko.

Ilang oras ahead ang Pilipinas kaya jet lag ang ending ko nito! Saka less time na makapagpahinga haaaay!

Pero masaya naman ako sa result nung shoot. Hehe.

At ito na pauwi na ako!

Nakarating ako sa bahay nang maggagabi na kaya pagod na pagod ako.

"Hey, Mom and Dad! I miss you!" Yakap ko sa kanila nang mahigpit na mahigpit!

"We missed you so much, son!" Sabi ni Papa.

"Marami po akong pasalubong sa inyo. Saka may mga ipinadalang pasalubong din po si Ninong for you. Bibisita raw po siya sa graduation ko para na rin magkita raw po kayo."

Inilabas ko lahat ng mga pasalubong ko kina Mama at Papa. Tuwang-tuwa si Mama at nagtatatalon-talon pa!

Natatawa kaming dalawa ni Papa sa reaksyon niya.

Pagkatapos ng kumustahan at yakapan ay umakyat na ako sa kwarto.

Naligo ako at natulog agad para makapagpahinga nang maayos. May pasok na ulit bukas eh.

See you, Cordoven International School!

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon