JOHN VIC'S POV
Tawang-tawa talaga ako sa reaksyon niya! Hindi ko alam na ganito siya kapikunin! Hahahaha!
Pero pogi pa rin kahit asar na asar na! Hahaha. Mas pumogi nga yata! Hahaha.
Tahimik kaming bumyahe pauwi sa kanila. Nagsasalita lang siya kapag ituturo ang way. At pumasok kami sa exclusive village na pinapasok lang kami nung binuksan niya ang bintana at nagpakita sa guard.
Hmm, nakakagulat ah. Ah alam ko na! Nagkakatulong ang Mama niya tapos doon na rin siya pinatira kasi mabait ang amo ng Mama niya. Hehehe.
Naikwento na kasi sa akin ni Christian ang mga napansin niya. Kaya siguro ito nagmomodel para may pangtustos sa pag-aaral. Hehe.
Tumigil kami sa labas ng napakalaking bahay! Bukas ang gate at may isang napakagandang ginang na nagdidilig ng mga halaman. Baka amo ng Mama niya. Hehehe.
Bumaba na agad siya at nagpasalamat. Nagmamadali yata siya? Bumaba kaagad ako. Mabilis siyang nagpasalamat ulit saka tumalikod sa akin. Hinabol ko naman siya at...
"Hui bakit ka ba nagmamadali ha?!"
"Ah kasi... masakit na pang-upo ko kaya k-kailangan ko nang m-magpahinga! Oo 'yon nga. Hehehe."
"Hindi mo man lang ba ako titignang makauwi?"
"James, hijo?" Kita kong gulat na gulat siya nang marinig ang nagsalita. Huli ka balbon!
Dahan-dahan siyang lumingon at nandoon ang nakangiting ginang. Mukhang napakabait naman niya.
"Why don't you let your visitor in? Halika muna sa loob, hijo. You must be John Vic?"
"Yes, Ma'am. I'm James' teammate in volleyball po. Pleasure to meet you po."
"Just call me Tita. Halika sa loob."
Pumasok na kaming tatlo at sobrang tahimik ni James! Huli ka ngayon! Hahaha.
"James, baby. You didn't call me last night!" Parang batang sabi ni Tita.
Nagulat ako sa baby! Hahahaha! Pero baby?
Ah baka wala silang anak kaya parang anak na turing nila sa kaniya. 'Yon nga. Hehe.
Pero bakit baby pa? Hahaha. Naku, Tita! 'Yan baby baby na 'yan, iba na po ang isinusubo at hindi na pacifier! HAHAHAHA!
Napabungisngis ako sa naisip at inis na tumingin aa akin si James!
"Hehehehe. Natutuwa lang ako kay Tita. Oo, 'yon nga! Hehehe." Alibi ko sa kaniya.
Napatingin ulit ako sa kiss marks sa leeg niyang natatakpan ng band aids! Limang band aids! Gaano kaya katagal 'yan?
Nagsalita ulit si Tita.
"Thank you for taking care of our baby for multiple times, hijo." Sabi niya sa akin at sumulyap ako kay James na hindi comfortable ang itsura.
Bukod sa masakit ang pang-upo, siguro sumasakit na rin ulo nito kaiisip kung paano malusutan 'to. Hahaha!
"Honey, our baby's already here. And he brought a friend. Hehehe."
Parang may something sa pagsabi ni Tita sa 'friend' ah. Hmmm.
Lumabas ang pogi rin na lalaking nasa early 40's. Ganoon din si Tita.
"Hey, son! How's the training? Thanks for dropping by at paghatid kay James, hijo." Sabi niya sa akin.
"School's fine." Tipid na sabi ni James.
"No worries, Tito."
Tito na rin kasi Tita na tawag ko kay Tita. Hahaha.
"I'm John James Balveran and this is my wife, Shanelle Pauline. And of course, you know our son, James Paul." Nakangiting sabi ni Tito.
![](https://img.wattpad.com/cover/210163190-288-k739400.jpg)
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY LOVE
RomansWARNING: MATURE CONTENT! *This story revolves around homosexual/bisexual relationships. If you don't like stories of such, feel free to ignore this story. ---------- Nagsimula ang kwento ni James Paul Balveran sa hindi ginustong pagkakasama sa volle...