CHRISTIAN'S POV
Nabibigla pa rin kami sa spike na 'yon ni James! Ang lakas! Kahit ako, hindi ko marereceive 'yon!
Nagulat din siya sa ginawa niya pero napangiti siya kalaunan. Cute! Nagugulat pa rin ako sa mga nagagawa mo, James! Alam kong kahit siya ay hindi makapaniwala sa mga nagagawa niya. Mas humanga naman ako kasi bihira ang napakahumble na tao. Hindi siya aware na sobrang galing niya!
Baguhan siya pero iba ang level niya na!
Nagtalon-talon ang team sa sobrang saya dahil nasa Top 3 na kami! Yes! Paniguradong makakaplace na kami! Payback time, Brandon!
"Congratulations, team!" Ani Coach matapos ang seremonyas at pakikipagkamay sa kabilang team.
"Wooooooooo! Ang galing natin! Galing mo, James! Nagulat ako sa last point! I didn't see that coming." Sabi ni Henry.
Me, too, Henry. Me, too.
"Ah kasi walang papalo nung bola. Nagulat ako sa pagset ni Carlo kaya reflex action ko 'yon. Hehe." Nahihiyang sabi niya.
"Akala ko kasi may spiker sa likod eh. Pero buti na lang at pinalo mo. Nagulat din ako." Si Carlo, ang setter ng team.
Lahat naman kami ay nagulat, pati na rin si Captain.
Halos lahat kami ay nakakapalo sa backrow pero hindi ang ganoong kalakas!
Bukas, Finals day na! Dahil last game kami sa volleyball today, alam na kung sino-sino ang makakalaban namin sa Finals. Ang Brandon College na defending champion at Krater College na fourth placer last year. Natalo na kasi namin ang Cape na third last year. Nagbago bago kasi ang pairs na magkakalaban kaya ganoon ang result.
Kami ang second last year. Sigurado na kaming nasa top 3 pero mas okay kung kami sana ang champion. Hehehe.
Last year, 5 sets 'yon kaya lumong-lumo kami kasi ang final score sa fifth set ay 15-12!
Sayang!
May nawala na ring core player sa amin kaya hindi ko alam kung kakayanin pa namin ang Brandon. Wala kasing nawala sa lineup nila ngayong taon.
KINABUKASAN...
Hay! Ang saya! Natalo namin ang Krater College! Mahina sila sa spiking pero madepensa sila kaya nagtake advantage kami roon! Sa receiving, nandiyan naman si James na palong-palo ang performance! Sa digging, tinatalo niya pa ang libero talaga! Kaya kapag may James sa team, may instant libero/setter ka!
Pamatay rin ang serves niya!
3 sets ang game.
25-19
25-23
25-22Mamayang hapon namin makakalaban ang Brandon!
Dahil may talo na ang Krater, may chance na kami sa first place. Makakalaban pa pero nila ang Brandon maya-maya.
Ang pinakamaraming panalo sa top 3 ay ang champion. So ganito ang pwedeng results:
Kapag natalo ang Krater, third place na sila.
Kapag natalo ang Brandon sa Krater, it's anybody's game. After pa ng laban namin ng Brandon magkakaalaman.Nagbreak muna kami ng team para makapagpahinga na rin.
MAYA-MAYA PA...
"Panalo raw ang Brandon, mga pre!" Sabi ni Carlo.
"Panigurado na ang Krater sa third place. So tayo or ang Brandon ang champion!" Sabi ko naman.
"Galingan natin team para this time, tayo ang champion!" Coach.
Maya-maya pa ay may lumapit kay James. Sila 'yong nakita ko kahapon na kasama ni James.
"Hey pogi, hindi ka na sumasabay sa amin ha. Nakakatampo!" Ani blonde girl.
"Baliw, nasa game ako malamang!" Ani James.
Ipinakilala ni James 'yong tatlo sa team at isa-isa namang nakipagkamayan at nakipagkilala ang team.
Si Fara pala 'yong blonde girl, si moreno ay si Harry, at si Albert naman 'yong chubby.
Masaya silang kasama gaya ni James. Mukhang matatalino rin gaya ulit ni James. Model sina Fara at Harry, si Albert ay leader type.
Pero agaw-pansin para sa akin si Harry, nadidikit talaga paningin ko sa kaniya. Hindi ko lang alam kung bakit.
"Yo, handsome. We'll go now. I'll see you at the game later." Harry.
I swear! May gusto ito kay James! Ipupusta ko ang malaking ano ko... puso. Hehehe.
Pre, karibal alert! Hahaha.
Tumango si James.
"Tonight at my house, game?" Sabi ni James.
Bakit sila lang?!
"Okay! Let's finish our projects together! And let's have a mini party na rin!" Fara.
"Oh, I like that! Ah James, baka naman may pablow out ka ulit. Blow blow. Hahahaha" Albert.
What the fuck! Blow blow? Hindi kaya...
Ano ba itong iniisip ko? Mukhang hindi naman nagpapakain si James sa kaibigan. Hehehe.
Erase erase!
At sumunod na rin kami pagkatapos mag-usal sa game plan.
Paniguradong nascout na nila ang team namin kaya magbabago kami ng starters, si Captain lang ang matitira sa initial starters namin.
Magagaling naman lahat eh, kailangang mag-ingat kami kung gusto naming mag-champion.
JAMES PAUL'S POV
Pagkatapos kumain ay diretso na sana kami sa court nang magpaalam muna si Captain na may gagawin lang saglit.
Ako naman ay nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya diretso sa banyo.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako pero nakita ko sa may gilid si Captain. Pupuntahan ko na sana siya para sabay na kaming pumunta sa court pero nagsalita siya! May kausap pala siya. Natakpan lang ng pader!
"What are you doing here, Amy?"
Amy who?!
"Oh, I came here for you, babe. Aren't you happy to see me, baby?"
Baby?! What the fuck! 'Yan din itinawag niya sa akin nung nag-ano kami...
Tapos nakita ko si ghorl! Ang ganda ganda niya! Inilingkis ang mga kamay sa leeg ni John Vic at akmang hahalikan na...
Tumalikod na ako dahil hindi ko kinakaya ang nakikita ko! Naiiyak akong tumakbo pabalik sa restroom at pinahid ang namuong luha.
Nagagalit at nalulungkot ako sa nakita ko.
Nagagalit ako sa sarili kong ibinigay ko na ang lahat kay John Vic kahit wala pa namang kami, walang label! F*ck buddies? Ang sakit!
Malungkot kasi parang halamang lumalago ang nararamdaman ko sa kaniya pero ako, wala lang sa kaniya. Naiiyak na naman ako! Punyeta naman eh!
Wala kayong label kaya stop na, okay?!
Walang kayo!
Tumigil ka!
Pigil ang emosyong bumalik ako sa court at nandoon na ang lahat bukod sa amin ni Captain.
Nakaramdam na naman ako ng galit sa sarili ko at sa kaniya!
Sana hindi mo na lang ipinaramdam sa akin ito, Captain. Ang sakit!
Kunot na kunot ang noo ko hanggang sa dumating si Captain...
AT MAY NAKALINGKIS NA AHAS!
SI AMY! MUKHANG AMYBA! MAGKA-AMYBIASIS KA SANA! BWISIT!
Pero sinong niloko ko? 'Yan mukhang amoeba? Ang ganda ganda niya. Anong laban ko? Sino ba ako sa buhay ni John Vic?
Hays.
"Hey, boys!" Sabi ni Amyba!
Hey boys ka riyan! Sakalin kita eh. Naglagay ako ng earphones saka tumalikod sa kanila, maya-maya pa naman magsisimula ang laro.
Sabi na nga ba't bad boy talaga 'tong si John Vic eh! Na trip niya lang ako minsan kaya pumapatol! Ang tanga mo, James!
Hays. Bahala sila sa buhay nila!
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY LOVE
Storie d'amoreWARNING: MATURE CONTENT! *This story revolves around homosexual/bisexual relationships. If you don't like stories of such, feel free to ignore this story. ---------- Nagsimula ang kwento ni James Paul Balveran sa hindi ginustong pagkakasama sa volle...