CHRISTIAN'S POV
Parang may mali. Kanina pa tahimik si James pagkabalik niya at mukhang...
Galit!
Malungkot!
Bakit?! Anong nagyari, James?! Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin si James nang dumating sina Captain kasama si Amy.
Patay na patay si Amy kay Captain.
"Hey, boys!"
"Ito na naman 'yong flirt." Pabirong bulong ni Henry sa amin na ikinatawa namin.
Marami pang nakwento si Amy na puro kalandian at pagyayabang bago nagsimula ang game.
Ayaw ko sa kaniya para kay Captain. Maganda siya pero hindi ko siya gusto talaga. Mas deserve ni Captain 'yong ibang maganda na, faithful pa! Iba kasi likaw ng bituka nitong si Amy. Iba-iba ang trip na lalaki, kumbaga si Captain lang ang the best sa lahat kaya't binabalik-balikan niya kahit na nakikipagflirt naman na siya sa iba pa!
Baka nga kasi magaling Captain. Saka pabor na 'yon kay Captain kasi babae na ang kusang lumalapit. Experience! Hahaha.
Nakapikit si James nang malapit nang magsimula ang game. Kanina pa ba 'to nakaearphones?
Mukhang galit at malungkot pa rin siya. Paanong nangyari 'yon?
Inalis ko ang isang earphone at sinabing magsisimula na ang laro.
Tahimik siyang tumayo at inilagay sa pouch ang phone at earphones saka naglakad patungo kay Coach sa tabi.
Weird.
Ngayon lang siya cold ah.
Napansin ko ang ilang band aids sa leeg niya, anong nangyari roon?
Nang magsimula ang game, first half ng first set ay iba ang starters. Ipinasok na si James nang ang score ay
15-18 lamang ang Brandon. Mukhang hindi gumagana ang plano kaya kabado ako.
Kabadong-kabado.
Pumasok si James na cold na ang expression ngayon at wala ka talagang mababasang emotion!
Kung kanina halatang galit at malungkot siya, ngayon walang emosyon!
Kinausap niya si Carlo na parang ikinabigla ni Carlo bago tumango. Ano kaya 'yon?
Nagserve ang Brandon at siya ang nagreceive. Nagset si Carlo sa kaniya at BAAAAAM!
Ang lakaaaaas! Halos pumutok 'yong bola! Parang pasan niya ang mundo sa pagpalo sa sobrang bigat ng impact!
Gulat na gulat ang team! Spiker na nga siya ngayon, legit na ito!
"Shet, ang lakas nun!" Bulong ni Joseph na nabigla rin sa spike ni James.
Kahit si Carlo na siyang nagset ay gulat na gulat din!
Nagserve ang team namin at nareceive nung kabila hanggang maspike nila pero nareceive ni James! Ang lakas nung palo, paano niya nakuha!
Tapos sa kaniya ulit naset at pinalo niya!
BAAAM!
Paulit-ulit na ganoon. Hindi siya masabayan ng blockers ng kabila dahil sa hang time niya! Parang ang tagal niya sa ere kaya nakababa na lahat ng blockers kapag pinalo niya!
Hanggang sa ang score na ay 24-18.
Nastuck sila sa 18! That's a 9-0 run!
Anong nangyayari kay James? Gulat na gulat pa rin ang lahat. Nagpatawag na ng time out sa kabila pero walang imik si James nang pumunta sa benches malapit kay Coach. Kahit pinupuri siya ng lahat ay tahimik lang siya.
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY LOVE
Любовные романыWARNING: MATURE CONTENT! *This story revolves around homosexual/bisexual relationships. If you don't like stories of such, feel free to ignore this story. ---------- Nagsimula ang kwento ni James Paul Balveran sa hindi ginustong pagkakasama sa volle...