Sport Fest

1 0 0
                                    

CHRISTIAN'S POV

Nagulantang ako sa mga nalaman ko ngayong araw sa katauhan ni James! Hindi naman niya itinago sa amin pero bakit gulat na gulat ako? Dahil ba iba ang inexpect kong estado niya sa buhay? Hay naku.

Anyway, kailangan kong magfocus sa laro today!

Kayang-kaya namin ito! Sayang nga lang at wala si James ng 2 days dahil masama ang pakiramdam. Timing naman oh!

Alas dies ang simula ng laro namin against College of Vred.

Nahirapan kami sa loaded service nila! Kung nandito lang si James ay wala kaming problema! Nakailang service aces tuloy sila!

Sa spiking, dehado sila dahil nandito sa amin si Captain! Main-gunner namin si Captain sa spiking department, magaling din siya sa blockings! Halos pumantay ang figures niya sa blockings sa aming mga middle blocker! Halimaw siya sa volleyball!

Kaya maraming nagkakagusto riyan eh! Bukod na sa pogi, magaling pa! Matalino rin 'yan kaso chill lang siya mag-aral para daw no pressure. Pero magaling talaga siya kahit hindi mag-effort.

Lahat nasa kaniya na, love life lang wala. Hehehe. Parang ako. Hahaha.

Sa huli, nanalo pa rin kami in 4 sets kahit na nahirapan kami sa kanila!

Ang susunod naming makakalaban ay ang mananalo sa pagitan ng Cropure at Cape. Magagaling sila pareho at mukhang mahihirapan kami pero narito na nun si James! May receive na kami nun!

Sana gumaling na siya agad.

Natapos ang unang araw ng games at puro kami pagod pero masaya dahil napakafulfilling nang paglalaro ng mahal mong sport. Hehe.

Si James kaya ganito rin ang feeling eh sa badminton talaga ang gusto niya?

Bukas pala ay wala na kaming laro, sa Wednesday na ulit dahil second day of elimination to 6 teams pa rin bukas at tapos na kami ngayon. Pero papasok pa rin kami bukas para mangscout ng kalabang team at pwedeng jowain. Hehehe.

Pero kay James pa rin ang puso ko. Hahaha. Oo, tanggap ko nang attracted ako sa kaniya kahit na straight ako. Hehe.

Pero sa kaniya lang. Hehe. Attracted pa rin ako sa mga babae, syempre!

Bisexual na ba 'yon? Eh sa kaniya lang? Hahaha. Wala nang ibang lalaki akong attracted eh. Straight pa rin ako sa tingin ko! Hahaha.

Sana pwede pa siya.













JAMES PAUL'S POV

Sa wakaaas! Wednesday na! Makapapasok na ako sa wakas! Medyo makirot pa rin pero kayang-kaya ko nang maglakad at maglaro.

Kumusta na kaya sila? Hindi kasi ako nakikibalita sa Sports Fest nung dalawang araw akong bed rest. Sana hindi ako madala sa first day jitters kapag pinaglaro ako. Hehe.

Ayaw kong ipatalo ang team. Hehe.

Pumasok na ako nang maaga para makausap ang team kung sakaling ipasok man ako. Pero sinigurado ko munang tago ang love bites ni John Vic sa akin at hindi matatanggal mamaya sa laro.

Ang ipinagtataka ko lang ay wala na ang band aids nang magising ako pero hindi naman nagtanong sina Mama at Papa kung bakit may ganito ako.

Baka akala nila allergy or mosquito bites? Hmm...

"Welcome back, James! Okay ka na?" Ngiti ni Coach.

"Okay naman na, Coach."

"Okay, be prepared mamaya. Hindi natin alam ang mangyayari. Cape ang makalalaban natin ngayong araw dahil sila ang nanalo against Cropure sa elimination. Magaling sila sa serving, spiking, at sa digging. Napansin kong mahina sila sa receiving and setting. Pero matinik ang mga spikers nila kaya kahit poor setup, napapatay ang bola. Be ready James baka ipasok kita, okay? Sa ngayon same starters tayo gaya nung unang araw."

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon