JAMES PAUL'S POV
"Okay, let's get back to being strangers. I know that is what you want. I can find a better f*ck buddy."

Nagpaulit-ulit sa isip ko 'yan hanggang sa makauwi ako. Tulala lang ako hanggang makarating sa kwarto. Nagtatanong ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila masagot.
Umiyak ako nang umiyak matapos kong ilock ang pinto. Hindi ko na mapigilan ang emosyong sumasakal sa akin. Hindi ko kinakaya ang mga sinabi ni John Vic.
Magdamag akong umiyak dahil sa mga masasakit na salitang nanggaling mismo sa bibig ni John Vic.
Mabuti na lang at wala sina Mama kaya hindi ako nakitang nasa ganitong sitwasyon.
Dati, iniiiyak ko lang mga problema tapos kinabukasan, okay na ako. Pero iba ito ngayon. Hindi na yata ako magiging okay matapos kong marinig lahat 'yon.
Umiyak lang ako nang umiyak dahil parang tinutusok sa sakit ang puso ko.
Akala ko ka-OA-han lang mga nababasa ko noon na masakit ang break up o problema sa pag-ibig pero ngayong nasa sitwasyon na ako mismo, ang sakit! Totoo pala talaga.
Sige, iiyak mo lang ngayon, James. Bukas babangon tayo, okay? Huling iyak mo na 'to ah? Please, maawa ka naman sa sarili mo.
Sa sobrang iyak ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN...
Latang-lata akong bumangon sa kama. Tamad na tamad akong pumasok ngayon pero kailangan dahil may unfinished projects pa kami.
Kailangan kong gawing busy ang sarili ko. Walang panahon para magpakatulala na lang sa mga nangyari sa akin, baka makahalata sila.
Walang nakaaalam nang nagyari sa amin bukod sa aming dalawa lang.
Pumasok ako at ginawang sobrang busy ang sarili ko pero sa mga panahong mag-isa ako, maaalala ko na lang ang nagyari kahapon at mapapaiyak.
Sa mga ganoong pagkakataon ay pilit kong ibinabalik sa academics ang focus ko.
Mahirap pero kakayanin.
Marami akong kailangang gawin.
Dapat unahin ko iyo bago ang emosyon ko.
Hanggang pag-uwi ay tahimik ako dahil mag-isa na lamang ako. Sa harap ng friends ko ay hindi ko dapat ipahalatang may dinaramdam ako ngayon.
Starting tomorrow, I decided to start anew.
But not today.
Iiiyak ko lang muna, please.
Fresh pa kasi.
Sorry, self. Hindi ko pa kayang hindi umiyak.
Akala ko strong na ako eh.
Last na talaga 'tong gabing iiyak ako nang sobra.
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY LOVE
RomanceWARNING: MATURE CONTENT! *This story revolves around homosexual/bisexual relationships. If you don't like stories of such, feel free to ignore this story. ---------- Nagsimula ang kwento ni James Paul Balveran sa hindi ginustong pagkakasama sa volle...