JOHN VIC'S POV
Katatapos lang ng awarding at inaayos ko na ang bahay ko para sa celebration mamaya. Dito kasi eh. Hehe. Nagpalit muna ako ng pambahay bago inilagay sa fridge stocks ko ng beer para malamig na pagkarating nila.
After an hour...
Nagsimula na kaming mag-inuman sa sala at pansin kong ang tahimik ni James. Bihira siya manahimik nang sobra ah. I mean, hindi siya masalita pero hindi naman ganitong katahimik.
Lahat ay nag-uusap bukod sa kaniya na panay ang lagok ng beer! Akala ko mababa ang tolerance nito?
"Ang galing niyo, team!" Sabi ni Coach.
"Cheers sa atin! At sa bagong member natin!" Sabi ni Christian.
Nagtaas lahat ng bote para magcheers! Pagkatapos nag-isang lagok lahat sa beer, pati si James! Nagulat ako!
"Masaya akong naging parte ng volleyball team, Coach. Hehe. Akala ko mahihirapan ako nang sobra eh. Hindi naman pala gaano kasi pinadali niyo. Hehe. Salamat, Coach! Salamat, team! Cheers!" Mukhang may tama na si James base sa pagsasalita niya.
Nagcheers ang lahat at pinuri pa siya sa performance niya na siyang nginitian lang niya. Oo, sobrang galing niya kanina.
Nagulat din ako pero napabilib niya ako. Siya ang MVP!
Maya-maya pa ay sumasandal siya sa balikat ni Christian, halatang may tama na. Nairita ako bigla!
Kasi magkatabi kami, nasa kanan ko siya at nasa kanan niya si Christian!
Bwisit! Bakit kay Christian pa siya sumandal?! Nandito naman ako sa kaliwa niya!
He moaned. Wtf!
Ako lang ba nakarinig?! Paniguradong narinig ni Christian 'yon kasi malapit sa tenga niya! Bwisit 'to ah! Ano namang iniisip at napapamoan?!
"Ahm, Coach. P-psensya na, n-napagod kasi ako. M-matutulog na po ako. I-inom lang kayo riyan ha! E-enjoy kayo." Lasing na sabi niya at akmang tumayo pero gumewang siya at nasalo ni Christian!
Nagkatitigan pa sila, wtf! Halos magkandaduling duling siya kasi lasing na siya. Titig na titig naman sa kaniya si Christian!
"Ah ihatid na kita sa kwarto." Sabi ni Christian nang makabawi.
"Ako na pre." Sabi ko.
Wala namang nagawa si Christian at inakay ko na si James. Ang bigat niya ah! Nagpapabigat ba 'to?! Bakit noong binuhat ko noong... nag-ano kami eh hindi namang ganito kabigat?! Sa balikat ko lang kasi iniakbay ang kamay niya para akayin ko lang siya.
Awkward naman kung ibridal carry ko siya paakyat. Hahaha.
Nang makaakyat kami sa second floor, nagsalita siya na parang wala sa huwisyo.
"Christian, is that you?" Mahinang bulong niya na ikinainis ko.
Hindi ako nagsalita dahil sa inis! Bakit niya hinahanap 'yon? Nakikipagflirt ba siya roon?! What the hell!
"Christian?" Ulit niya.
"No, why the fuck are you looking for him?" Inis na tanong ko.
"Oh, John Vic. I-ikaw p-pala." Mahinang sabi niya na paungol na.
Maya-maya pa ay isinukbit niya ang isa pang kamay sa leeg ko at tumitig sa akin. Halatang lasing na lasing siya dahil pilit na nagfofocus pero nagkakandaduling-duling!
Malapit na kami sa kwarto pero pinipilit na makipagtitigan, amp!
Hinila ko na siya kahit na nangungulit siya! Nang makapasok kami sa kwarto, inilock ko. Mahirap na baka mangulit 'to at may makakita.
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY LOVE
Lãng mạnWARNING: MATURE CONTENT! *This story revolves around homosexual/bisexual relationships. If you don't like stories of such, feel free to ignore this story. ---------- Nagsimula ang kwento ni James Paul Balveran sa hindi ginustong pagkakasama sa volle...