Doubt

0 0 0
                                    

JAMES PAUL'S POV

Hays, Monday na naman! Nakakaexcite pumasok! Marami akong ikukwento sa friends ko. Hehehe.

Pagkapasok ko sa school, diretso ako sa building namin at naroon na silang lahat.

"Pogiiiiiii!" Albert.

"Hey, handsome!" Fara.

"Yo, bro!" Harry.

"Hello, kumusta ang Academic Week?"

"Hay naku, ganoon pa rin! Like last year! Let's not talk about that, let's talk about you! So how's Hollywood?!" Albert.

At nagkwento naman na ako nang nagkwento ng lahat ng nangyari sa LA. Medyo hindi nga lang detailed dahil medyo surreal ang feeling. Parang panaginip lahat, ang hirap paniwalaan. Hehe.

Natapos na't lahat ang shoot ay ngayon pa lamg sa akin nagsisink in ang lahat!








CHRISTIAN'S POV

Hays, Monday morning na naman. Bumaba ako sa sasakyan ko after mapark sa likod ng school. Pagkapasok ko ay nakita ko si James na paakyat na ng building nila, sumunod ako kasi gusto kong itanong kung bakit wala siya last week. Hindi ko lang ba siya nakita or wala talaga siya? Ang team kasi mag-aassemble sa court as usual hindi para magpractice, magmeet up lang ba and then sabay kakain kaso wala siya.

Nahihiya rin kaming magtanong kay Coach kasi kung gusto niyang sabihin eh di una pa lang nabanggit na niya.

O kung may alam man siya ay sasabihin niya bago man kami magtanong.

Wala kasi siyang binanggit na kahit ano eh. Kahit nga magtanong kung nasaan si James ay hindi niya ginawa so baka lang may alam siya.

Baka lang naman.

O okay lang sa kaniyang wala ang presence ni James. Pwede ring baka hindi pa rin siya sanay kasi kailan lang naman napasali si James.

Pagkaakyat ni James, may kinausap na siyang 3 estudyante, kaklase siguro niya.

Kilala 'yong tatlong ito eh, mga sikat sa campus. Iyong una kasi President siya sa Math Department yata 'yon, sakto lang ang itsura, hindi pangmodel pero mukhang yayamanin. Medyo chubby, matangkad din, mas matangkad lang nang kaunti si James, at maputi. Si girl naman, kutis porselana, model ito ang alam ko eh, blonde hair, medyo may katangkaran para sa babae, mga 5'7" siguro, sexy siya ha, at mukhang big time din. Si guy naman, mas matangkad nang kaunti kay James, morenong malakas ang appeal, malaki ang katawan, saka mukhang malaki rin.

Siya 'yong tipong mapapatitig ka talaga. Kapag natapunan mo ng tingin, babalik-balikan mo.

Ganda ng biceps ah. Mukhang malaki talaga 'yong ano ah!

At bakit 'yon agad ang napansin ko sa kaniya?! Tsk tsk tsk!

"Pogiiiiiii!" Si chubby.

"Hey, handsome!" Ani blonde girl.

"Yo, bro!" Si guy.

"Hello, kumusta ang Academic Week?" Tanong ni James.

"Hay naku, ganoon pa rin! Like last year! Let's not talk about that, let's talk about you! So how's Hollywood!" Chubby ulit.

"Okay naman, nakakapagod lang ang ginawa namin dahil jam-packed ang sched nila Ninong sa photoshoot at TVC. Pinagnasahan pa ako nung mga staff kasi nagboxers ako sa TVC ng body product. Hehe. Pogi kasi eh." Sabi ni James.

So nag-Hollywood pala siya? Kaya pala wala siya last week. Model na pala siya?

"Naku naman, big time ka na pero hambog ka pa rin! May mga pogi rin ba roon? Baka pwede mo akong ireto sa co-models mo? Hahaha!" Blonde girl.

"Marami, puro kami lalaking models. Lima yata kami. Pero ako pinakapogi. HAHAHAHA."

"AT UMIRAL NA NAMAN ANG KAYABANGAN! PUNYETA! Siguraduhin mong may pasalubong kami riyan ah!" Si chubby guy or gay?

At nagtawanan na sila tapos pumasok na sa room. Ako naman bumaba na para bumalik sa room ko, buti naman at hindi ako nakita. Nasagot naman na 'yong mga tanong ko eh. Pero bakit parang lalong gumagwapo ang isang 'to? May nangyari kaya sa Hollywood?

Hmmm. May part ko na nanghihinayang kung may nangyari man sa kaniya roon, maraming gwapo roon. Maraming pwedeng mangyari, saka hindi siya mahirap mapansin. Siya 'yong tipong makita mo nang isang beses, babalik-balikan mo ng tingin kung hindi man manatili sa kaniya ang tingin mo.

Ganiyan din ang description ko kay macho guy ah!

Ano bang nangyayari sa akin?

May practice mamaya, doon na lang namin siya tanungin kung bakit wala siya last week. Kunwari hindi ko pa alam.

Discuss.

Discuss.

Lunch.

Discuss.

Practice time! Yes!

"Tara pre!" Yaya ko kay John Vic. Oo, magkaklase kaming Civil Engineering! Astig 'di ba? 5th year na kami kahit mukhang hindi seryoso sa buhay. Hahaha.

"Tara."

"Nandiyan na nga pala si James, pre."

Napapitlag siya sa sinabi ko. Gulat na gulat?

"Paano mo nalaman?"

"Ah nakita ko kasi kanina pagkapasok ko. Hindi ko pa pero nakausap kasi pumasok na sila kanina."

Dire-diretso kami sa court at nandoon na silang lahat, kami na lang ang kulang.

"Oh, eto na pala sila eh. Guys, oh may pasalubong si James sa atin! Galing pala siyang LA. HAHAHA. Sosyal!" Si Joseph ang bumungad.

"Anong ginawa mo sa LA, James?" Tanong ko kahit alam ko naman na.

"Ah-ahm, binisita ko lang Ninong ko. Hehe."

"Ahhh."

Bakit naman niya kailangang magsinungaling? Dahil ba ayaw niyang malaman namin na mahirap siya at kailangan niyang magmodelo para may pera? O hindi decent modeling ang ginawa niya? Hmm.

Lumabas ako saglit at tinawagan ang pinsan kong director sa LA.

"Hello, Chris! How are you? It's been a long time!" Si Jeff.

"Yo, Jeff! I'm well and good. I hope you are, too. Anyway, I called to verify something."

"What is it?"

"Are you, in any way, connected to a TVC or photoshoot related to James Paul Balveran?"

"Oh the young cute and fresh model from the Philippines? Hehe. That's what they call him."

Gotcha! Sabi na at hindi ka decent modeling eh! Bakit may "fresh" pa sa pagkakasabi? Hahaha. Huli ka, bui!

"What about him? What did he do there?" Ako.

"He actually shot a TVC about a body product, clothing line, and a shoewear here in LA. Plus he had a photoshoot with the world renowned photographer 'Merxulio' under the same brands he did for the TVC. Why?"

Nagulat ako, sikat ang brands na nabanggit ni pinsan. Ibig sabihin, nagkamali ako sa indecent modeling na hula ko. Pero bakit kailangang itago?

Bumalik ako sa loob pagkatapos makausap si pinsan.

Nakangiti na naman si James sa aming lahat habang ipinamimigay ang chocolates and souvenirs he bought from LA.

SINO KA BA TALAGA, JAMES PAUL BALVERAN?

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon