He's Back

1 0 0
                                    

JOHN VIC'S POV

FLASHBACK...

Ilang linggo na akong hindi makakain nang maayos.

Alam ko sa sarili kong malungkot ako. At siya lang ang dahilan nito.

Hindi naman nakaapekto 'yon sa trabaho ko bilang tagapamahala ng business ng family ko.

Si Dad na lang ang kasama ko sa bahay. Wala na si Mama, 5 years old lang ako nung iwan niya kami.

3 kaming magkakapatid, ako ang bunso. Si ate na panganay ay may sarili ng pamilya pati na rin kuya na sumunod sa kaniya. Si ate nasa Palawan at sa States naman si kuya.

Successful na sila pareho sa mga napili nilang field, si ate sa medicine while kuya is on teaching.

Ako naman, nagprisinta lang sa ngayon na mamahala sa business while inaayos at under construction pa ang firm ko.

Nandito ako ngayon sa opisina sa loob ng bahay at nakatulala.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot. Hindi ko naitago ito kay Dad.

Dahil na rin sa marami akong naiisip at lahat 'yon ay tungkol kay James, hindi ko namalayang pumasok si Dad.

"May problema ba, anak?"

Close kaming lahat kay Dad kaya transparent kami sa kaniya pero hindi ako sigurado kung makakaya ko na bang magtapat sa kaniya.

Pero naunahan ako ng bugso ng damdamin ko nang maalala ko si James.

"I love someone Dad." Iyak ko sa kaniya.

"Then confess."

"He's also a guy, Dad." Nagulat si Dad sa sinabi ko.

"Do you like guys?"

"No, Dad."

"But he's a guy."

Napangiti ako.

"If it's not James, then I don't like him."

"Hmmm."

"I love only him, Dad. Regardless of who he is, I love him."

Napaiyak ako.

"But he's gone now, Dad. I lost him because I was so stupid and selfish. And now I regret every word I said to him. I hurt him, Dad."

"Then say sorry."

"It's not that easy, Dad."

"Be sorry and mean it! By meaning it, you are willing to do whatever it takes to seek his forgiveness. That's love, hijo."

"I don't know what to do, Dad."

"Then do what your heart dictates you. Let it show." Nakangiting sabi ni Dad.

Nalilito man ako, naiintindihan ko siya.

EFFORT AND SINCERITY!

'Yong ang kailangan ko.

Niyakap ako ni Dad habang umiiyak sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya...

"Aren't you mad, Dad?"

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon