JOHN VIC'S POV
Monday na. Hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ako sa nalaman ko kay James!
Ikinwento ko kay Christian lahat at gulat na gulat din siya!
Oo nga pala, nasabi ng parents ni James, 2 days siyang bed rest para makarecover agad.
Buti naman at hindi siya mahihirapan sa laro namin kung sakaling masakit pa ang pang-upo niya. Nasabi na rin kay Coach ang nangyari kay James at wala namang problema.
Anyway, dahil Sports Fest na, nagreready na lahat sa games. Hindi round-robin ang format sa games.
Dahil 1 week lang ang Sports Fest, ang format ng mga laro ay elimination. Sa 12 teams, bale bubuo ng 6 pairs na maglalaban hanggang 6 na team lang ang matira. Ang matalo ay eliminated na. Sa 6 teams na natira, maglalaban ulit sila hanggang 3 na lang ang matira. Ang matalo, eliminated. So ang 3 matitira ay maglalaban sa 1st to 3rd place, kalalabanin ang isa't-isa. Ang group with the lowest number of wins among the three ay third place. Tapos 'yong highest number of wins sa tatlo ang siyang champion.
Bale 2 days ang elimination para ang matira ay 6 teams, 3 games today and 3 tomorrow. Sa Wednesday naman elimination for the top 3 teams. Thursday ay Finals matches. Finals na rin ng lahat ng sports sa Fest dahil Friday ay awarding na lang at celebration ng PSC kasama ang lahat ng participating school. Ito ang maganda sa Sports Fest, kahit magkakalaban sa laro ay magkakaibigan talaga after the games.
Dito pala sa Cordoven ang venue ng Sports Fest since ito ang pinakamaluwang na school under PSC at complete din kami sa facilities.
Alas otso ang opening ng Sports Fest kaya nagreready na kami papuntang gymnasium.
"Nagugulat pa rin ako sa nalaman ko, Captain." Ani Christian habang naglalakad kami papuntang gymnasium.
"Lalo na ako. Ako mismo ang napagsabihan eh."
Maluwang ang gymnasium namin, kasya lahat ng delegates from all of the participating schools sa gitna ng gymnasium na may chairs na inayos para sa amin. Per school ang arrangement ng chairs.
Sa bleachers naman ang spectators from different schools.
Nagsimula ang opening program sa opening remarks, intermission, and all. Nabobore ako pagkapasok ko pa lang kaya hindi ko na pinansin ang mga nagsasalita at nakatutok sa phone ko.
"Nandito pala lahat ng stockholders ng school." Rinig kong sabi ni Coach.
Ang stockholders ng school ang mga pinakamayayamang tao sa bansa. Oo, sa bansa!
"And now, let us all welcome the head of the school's stockholders and his wife to give us a short message." Emcee.
Nagtayuan ang lahat habang pumapalakpak at ginawa ko rin habang tutok na tutok sa phone ko.
"Ladies and gentlemen, Mr. John James Balveran and Mrs. Shanelle Pauline Balveran!"
Wait, parang familiar?! Nag-angat ako ng tingin at namula ako sa nakita! Parents ni James!
What the fuck is the meaning of this?!
"Good morning, everyone! We are very much pleased to be invited in today's event.
First of all, we'd like to commend the committees in charge for this event for a very organized setup. Also, the school administrators have done a very good job in maintaining the school order as it is for the past years of service." Ani Tito.
Sumunod si Tita.
"In line with the Sports Fest happening this week, we'd like to extend our gratitude to all the participating schools for the imminent success of this event.
Alam ko kung gaano katagal ang preparations niyo para sa event na ito. And I know, everything will pay off soon enough.
My son is a varsity player, too. However, he doesn't want his name mentioned so as not to affect the treatments of his professors and fellow students to him. Also, he doesn't want this to interfere with his studies.
He is just like everyone here who is passionate to sports. And so, events like this are very close to our hearts.
In behalf of the Balveran clan, congratulations in advance to all of you! Good morning!"
Nagtayuan ang lahat at nagpalakpakan.
Ako naman, nakaawang pa rin ang labi sa mga narinig! So dahil pala roon kaya ayaw niyang ipagsabi ang family background niya? Ah mali pala ang ayaw na term, hindi niya lang balak ipagsabi.
"Napakahumble talaga ng family na 'to kahit kailan. More than 90% ng shares and stocks ay sa kanila sa school na ito. So basically, halos sila ang may-ari ng school. Mahirap para siguro sa anak na hindi malamang anak siya nina Mr. and Mrs. Balveran. Pero maganda 'yong kagustuhan niyang hindi gamitin ang apelyido para sa treatment ng iba ah. Napakahumble naman nung bata."
Natahimik lang ako sa sinabi ni Coach! Bakit ganito ka, James?!
"Bukod pa sa shares nila sa school, lahat ng participating schools ay may share sila pero nalilimitahan hanggang 50% lang. Ang pinakamababa yata nilang share ay 25% sa Brandon College. Kaya lahat ng schools under PSC ay kilala sila. May establishments din silang pagmamay-ari sa Metro Manila pero nakafocus sila sa business nila. Balveran Group of Companies, Inc. ang pagmamay-ari nila na biggest provider and supplier ng ship parts and hardware supplies."
Nanlalambot ako sa narinig at natahimik naman. Maya-maya pa ay hindi ko napigilang sabihin kay Christian ang alam ko.
"Parents 'yan ni James." Bulong ko sa kaniya.
Dahil narinig niya ang mga sinabi ni Coach ay nagulat din siya! Bakit ba nagpapakalowkey ka kasi, James?!
"Napakayaman pala nun, makaasta parang gipit na gipit! Ay hindi pala, akala lang pala natin 'yon, hindi naman siya nagsabing gipit siya. Scholar siya 'di ba? Eh mayaman siya! Saka umaasa rin sa incentives ng clubs and teams base sa nalaman ko eh di akala ko gipit sa buhay! 'Yon pala gusto lang maging independent kahit sobrang yaman!" Sabi ni Christian.
Natameme na lang kami hanggang matapos ang program.
Napapaisip pa rin ako tungkol dito pero kailangang magfocus ako sa game namin ngayon. Hindi pwedeng maeliminate kami agad. Babawi kami ngayon sa Brandon College na laging nakakatalo sa amin!
Ang unang makakalaban namin sabi ni Coach ay ang College of Vred. Magagaling din sila pero kaya naman namin. Nakita namin last year kung paano sila maglaro pero mahirap makampante.
Gagalingan namin!
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY LOVE
Roman d'amourWARNING: MATURE CONTENT! *This story revolves around homosexual/bisexual relationships. If you don't like stories of such, feel free to ignore this story. ---------- Nagsimula ang kwento ni James Paul Balveran sa hindi ginustong pagkakasama sa volle...