First

2 0 0
                                    

JAMES PAUL'S POV

"Ahm, may girlfriend ka na ba, John Vic?" Tanong ko para mabasag ang katahimikan.

Agad akong nagsisi sa tanong ko! Baka sabihin niyang interesado ako! Naku sana naman hindi kasi tama siya, interesado nga ako. Huhuhu!

"Hmm, wala pa eh. Wala pa sa priorities ko, actually."

"Sa gwapo mong 'yan, wala pa?"

"Hmm."

Hindi na ako nagtangkang magtanong pa dahil naiilang na ako. Nang makarating sa kanto, inaalis ko na 'yong seatbelt pero hindi ko alam tanggalin! Ang daling ilagay ha! Boplaks naman! Wala kasi akong sariling sasakyan eh!

Noong una kasing sakay ko rito, hindi ako nagseatbelt. Tsk. Maling-mali na nagseatbelt ako ngayon!

Nakababa na siya at nasa tapat na ng pinto sa tabi ko pero hindi pa ako nakakababa! Nakakahiya!

Maya-maya pa ay may bumukas na ang pinto ng kotse niya sa side ko at tinulungan akong mag-unbuckle ng seatbelt! Ang lapit niya!!! Shet, my heart. Hindi ako gumagalaw kasi baka may hindi magandang mangyari! Ay maganda pala 'yon kung mangyari man! Hahaha. Pabor pa sa akin! HAHAHA!

Akmang aalis na siya noong napalingon siya sa gawi ko at 2 inches na lang ang layo namin sa isa't-isa! Nasusuffocate ako! Bigyan ako ng hangin, ngayon na!

Nagkatitigan kami at napapalunok ako. Ang ganda ng mata niya, napababa ako ng tingin at napadako sa lips niya. Shet, huwag mo akong akitin please.

Baka ibigay ko agad ang bataan at nandito pa tayo sa kotse. Huhuhu.

Gumalaw ako nang bahagya at ganoon din siya kaya *TSUP*

PUCHAAAAAAAA!

Nagdikit ang labi namin!

Kabog nang kabog ang puso ko!

Nawawalan na ako ng hangin!

Hindi ko alam ang gagawin. Aatras na ako nang...

GUMALAW ANG LABI NIYA!

At hinahalikan niya ako! Shet! Nabigla ako sa ginawa niya! Lasing ba siya?

Ang sarap sa feeling, napakalambot ng lips niya. Manamis-namis, nagcandy ba 'to?

Lumalalim ang halik niya pero natuod ako sa ganoong posisyon! I was so shocked!

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang dila niya! Ipinapasok sa bibig ko!

Hindi ko na kinaya! Bumigay na ako! Ibinuka ko ang lips ko at binigyang laya ko siyang gumalugad!

Parang Pilipinas ang bibig kong ginalugad ni Magellan!

At hindi pa riyan natatapos! Namalayan ko na lang ang sarili kong gumaganti sa mga halik niya!

Naging intense ang halikan namin hanggang sa namalayan ko na lang na mas napepress ang katawan niya sa akin at nawala na ako sa huwisyo!

Patindi nang patindi ang halikan namin at ang sarap sarap niya!

Naglalaban ang mga dila namin! At naghihigupan ang bawat galaw. Walang gustong magpatalo.

Nailagay ko ang mga kamay ko sa batok niya at hawak na niya ang mukha ko. Walang gustong bumitaw. Walang nagpapatalo.

Hindi ako eksperto sa paghalik dahil ito ang first kiss ko pero ramdam kong pareho kaming nasasarapan!

Natigil lang ang halikan namin nang naubusan kami pareho ng hangin!

Hingal na hingal ako pagkatapos, ganoon din siya.

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon