Parting of Ways

1 0 0
                                    

JAMES PAUL'S POV

Maaga akong umalis sa bahay ni John Vic, ni hindi na nga ako nakapaglinis ng katawan baka magising pa siya. Iika-ika akong naglakad dahil medyo mahapdi, pangalawang beses ko pa lang kasi.

Amoy na amoy ko ang katas niya sa bunganga ko pero hindi ko ininda. Nagpunas lang ako ng twalya  at kinuha ang mga gamit saka umalis nang dahan dahan sa bahay niya.

Maaga pa kaya medyo natagalan akong maghintay ng masasakyan. Sana hindi pa siya magising.

I enjoyed everything we shared last night but it was bittersweet. I need to let go of him and what happened between us. We had no label and what's painful is that he can't give me an answer when I asked him.

Nakakalungkot. Nakaiiyak.

Pero wala akong magagawa.

Iiiyak ko lang 'to nang iiiyak at sana maging okay na ang lahat.

Parang sinasakal ang puso ko.

Masakit ang pang-upo ko pero hindi nun mapantayan ang sakit sa puso ko, parang nilalamukos ang puso ko.

Nahihirapan ako pero this is the most sensible thing to do.

I guess I really had no choice but to part ways with him.

Goodbye, John Vic Advincula. I'll miss you but I'll be okay... soon.

Nakauwi ako ng bahay at dumiretso sa kwarto. Buti na lang at bukas na ang gate, baka nasa business conference sina Mama at Papa kaya tahimik ang paligid.

Weekends so nasa bahay lang ako.

Naalala ko na naman si Captain at lahat nang pinagsaluhan namin.

Ito na naman 'yong mga luha! Bwisit naman oh!

Kailan ba ako titigil kaiiyak?!

Pero wala akong magawa, umiyak lang ako nang umiyak.

Mabuti na lang at wala kaming kasambahay. Walang makaririnig sa hikbi ko. Kahit umatungal ako rito.

Pero OA na ako nun. Oo, nasasaktan ako pero hindi ko kailangang umatungal. Hehe.

Anyway, bakit wala kaming kasambahay? Ayaw kasi ni Mama na umaasa sa iba kung kaya naman. 'Yon ang namana ko sa kaniya, independence.

Mamaya na ako maglilinis sa bahay at magmamachine wash ng mga gamit ko.

Nanghihina pa ako.

Naiiyak pa rin ako.

Ang sakit sakit.

Hindi ko kaya pero gagawin ko ito para hindi na patuloy pang masaktan sa walang label na relasyon.

Isa lang ang naiisip kong gawin para mawala siya sa isip ko.

Gawing busy ang sarili. At kapag ganiyan ang naiisip ko ay travel adventures, studies, at house chores.

Mag-aaral na lang akong maigi hanggang sa makalimutan ko siya.

At isa pa, nakausap ko na pala si Ninong na kada weekend at free time ko ay magmomodel ako sa kaniya.

Tatanggapin ko na 'yon since wala ng practice ang varsity dahil tapos na ang Sports Fest. Kung may events man silang sasalihan pa, pwede na akong magdecline dahil hindi na 'yon under sa PSC.

Sinabi na ni Ninong 'yong modeling gig nung nasa LA ako pero sabi ko pag-iisipan ko since medyo busy ako nung time na 'yon. Pero ngayong kailangan kong isubsob ang sarili sa pagkabusy, gagawin ko na.

Para makalimutan kita.

At dahil nagsimula na ako sa Oplan-Busy Busyhan, inuna ko ang kwarto ko!

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon